Chapter 13: Alien Blood

2.9K 232 17
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Multo ng aliens. Alien ghosts.

Alas-tres ng umaga. Hindi maalis sa isipan nina Andy, Colonel Laxamana, at Lieutenant Esguerra ang bagay na iyon habang pabalik sa headquarters mula sa simbahan ang Revong sinasakyan nila. Sa tanang buhay nila, ngayon lang sila nakarinig ng ganoon—na ang mga aliens pala, tulad ng tao, ay may kaluluwa. Nangangahulugang sila rin ay may spirit world. Mahirap paniwalaan, pero ayon sa Koreanang psychic na si Jang-Mi ay iyon ang nakita ng kanyang third eye.

"Ang mga multo ay multo ng aliens! Unbelievable!" bulalas ni Laxamana habang nagsindi ng sigarilyo at binuksan ang bintana ng sasakyan. "Wala ngang zombies, meron naman nito! Magreretiro na talaga ako!"

Sa likuran ng Revo magkatabi na nakaupo sina Andy at Jang-Mi.

"The colonel is angry..." nag-aalalang bulong ni Jang-Mi.

"It's okay. Do not worry," pag-assure ni Andy.

"He doesn't believe," at tumingin si Jang-Mi sa katabi. "Andy, do you believe me?"

Hindi agad makasagot si Andy.

Multo ng aliens. Alien ghosts. Hindi niya ini-expect iyon.

"Do you believe me?" matigas na ulit ni Jang-Mi.

Napatango si Andy. "Yes...yes, I believe."

Napatingin ang private investigator sa kanyang maugat na mga kamay. Sa kanyang mga palad. Tila naghahanap ng sign, ng clue sa sariling pagkatao. Sa nalaman nila sa simbahan, hindi malayong naiugnay nila agad iyon sa isa pang misteryo na kanilang iniimbestigahan. At iyon na nga ang nasa isipan ni Colonel Laxamana. Lumingon ang opisyal mula sa harapang upuan nila.

"Andy..."

"Greg..."

"'Yung mga kaluluwa na nakita ni Jang-Mi, posibleng sila rin 'yung mga nawawalang bangkay?" tanong ng colonel.

Napatingin naman si Esguerra na katabi ng colonel, pagka't iyon din ang nasa isipan niya. Kapuwa sila naghihintay lamang ng kumpirmasyon.

"O-oo," sabi ni Andy sa kanila. "Malaki ang posibilidad na ang nakitang mga kaluluwa ni Jang-Mi sa simbahan ay sila rin ang nawawalang mga bangkay. Maaari ring ang nakita ni Torres na multo ay isa sa mga ito."

Nagkatinginan ang iba. Pati na ang sundalo na nagmamaneho at ang kasama nito. Agad na inutusan ni Laxamana si Esguerra na tawagan si Corporal Diazon. May partikular na mga impormasyon ang kailangan nilang malaman agad.

"Tiyak matutuwa si Diazon kapag narinig niya ito," may ngiting sabi ni Esguerra habang nagdi-dial sa kanyang cellphone.

Hindi nagkakamali ang tinyente. Sa headquarters, tinaguriang isang nerd si Corporal Diazon pagka't marami siyang alam patungkol sa UFOs, aliens, pati mga bagay na paranormal kung kaya't kayang-kaya niyang makipagsabayan ng talakayan sa mga scientists na kasama sa task force. At nang makarating nga sila sa headquarters ay naroong naghihintay na sa kanila ang corporal...ganoon din ang tenga ng mga sundalo.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now