Chapter One

22.1K 227 2
                                    

Tahimik na naupo si Katelyn sa kaliwa ng mommy niya habang ito ay nasa kabisera. Nakatungo ito at seryosong nagbabasa ng broadsheet. Kasunod niya ay ang kapatid niya na si Anika na naupo katapat niya. Nasa harap nila ang isang heavy meal.

"Mom." Narinig niyang tawag ni Anika. Kumilos ang mga mata niya upang tingnan ang kapatid saka gumalaw muli iyon patungo sa kanyang ina.

"Can I ask you something?" patuloy ni Anika sabay subo ng sandwich. Napailing siya habang sinasalinan ng fresh orange juice ang baso niya. Sigurado siyang may ikukulit na naman ang kapatid niya.

"Ano 'yon?" maiksing tanong ng kanyang ina.

"May vacation house sa Bulacan ang parents ng classmate ko. He invited-"

"He." Biglang umangat ang mga mata ng kanyang ina nang marinig ang huling sinabi ni Anika.

"Yes, he. Because he is a guy." Anika said.

"At may kinalaman ba ang 'He' na ito sa itatanong mo?" tanong ng kanyang ina na muling ibinalik ang tingin sa babasahin. Inabot ng kanang kamay nito ang tasa ng kape at ininom iyon.

"Yes po."

"The answer is still no." hindi pa man nalilinaw ni Anika ang pakay ay sagot kaagad ang sinabi ng kanyang ina. She grinned.

"O...kay." Ani Anika na tila biglang nanghinang sumandal sa kinauupuang wooden chair.

Sa ganoon madalas nauuwi ang pag-uusap nilang mag-iina kapag magpapaalam si Anika na may nais makipag-date dito. Dahil hindi pa nangyayari na pumayag ang mommy nila na may manligaw kay Anika. Ang dahilan ay nag-aaral pa ito.

Kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Architecture si Anika at katututong lamang sa edad na desi-otso. Samantalang siya ay freelance interior designer na. At kung gaano kabrusko ang kurso nito ay siya namang kabaligtaran ng ugali nito. Ito nga dapat ang kumuha ng kursong design at hindi siya.

Her sister was a natural kikay. Mahilig sa mga gimmick and loves making friends. Kahit na gumuguhit ito ng mga plano ay pumipilantik naman ang mga daliri nito sa kaartehan. Mga katangiang hindi makikita sa kanya. She was the perfect opposite of her sister except on the gender. At dahil na rin sa taglay na kagandahan ni Anika na nakuha sa kanilang ina ay hindi maiiwasang may mga manligaw sa kapatid niya. Na mahigpit namang tinututulan ng kanilang ina.

"How 'bout you, Kate? Wala ka bang date?" tanong ng kanyang ina at natigilan siya.

Sa tuwing hihirit ang kapatid niya ng pagpapaalam ay sa kanya ipinapasa ng kanyang ina ang pakikipag-date. Kung anong tigas ng patakaran nito na hindi pa maaaring magka-boyfriend ang kapatid niya ay siya namang pagtulak nito sa kanya na magkaroon ng nobyo. At her age of twenty-five and single for a long time, dapat daw na magboyfriend na siya. The idea that she hated.

Sandaling nahinto ang pag-abot niya sa tray ng loaf bread at pasimpleng umismid. Hindi man siya nagulat sa narinig niya ay hindi pa rin niya naiwasang mainis.

"Mukha ba akong desperadong magka-boyfriend kagaya ni Nikka?" may halong iritasyon niyang tanong.

Umangat ang ulo ng kanyang ina at tumingin sa kanya. Itinupi nito ang broadsheet nang nakatingin pa rin sa kanya at inilapag sa gilid ng mesa.

"Why do I always have this feeling that I don't like your answers? You are always taunting." Kalmado ngunit seryoso sabi ng kanyang ina.

Umangat nang bahagya ang kilay niya. "I'm sorry. Ang awkward lang kasi ng question n'yo."

"At sino namang mag-aaksayang makipagdate sa'yo? Look at you sister. Daig mo pa ang witch sa hitsura mo." pang-aasar ni Anika. She just smirked. Wala kasi siyang nakikitang mali sa kanyang histura. Para nga sa kanya ay mas mukhang disente pa siya kaysa kay Anika na palaging na mini-dress at makapal ang make-up.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now