Chapter Eleven.3

5.6K 98 0
                                    

Nasa veranda si Katelyn upang doon magpalipas ng galit. Panay ang pahid niya sa luha na mabilis na tumutulo. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Anika sa kanya. Maraming bagay silang hindi napagkakasunduan ngunit hindi niya akalain na gagawa ito ng bagay na masasaktan siya.

Namalayan niya ang paglapit na alam niyang si Anika kaya tahimik siyang nag-angat ng katawan mula sa pagkakasandal sa upuan kahoy.

"Ate, usap tayo." Panimula nito.

"Anika, please huwag mo muna akong kausapin. Kung pinapunta ka ni Mommy dito para kausapin ako pakisabi ayoko. "

"Ate, I'm sorry. Wala naman akong masamang intesyon doon. Napag-usapan lang namin ni Kuya Darvin-" nanginginig ang tinig nitong tugon. Noon siya nito tinapunan nang tingin.

"Anika, ano ba? Kung miserable ang tingin mo sa buhay ko wala ka nang pakialam. Hindi mo dapat ginawa 'yon. You're so selfish!" Galit niyang sabi.

"Hindi ko sinasadya, Ate." Mababa ang tinig nitong tugon.

She snorted. "Oo nga naman. Hindi mo nga naman sinasadya ang mga actions mo. Na palaging gusto mo ikaw ang nasusunod. Na nasa sa'yo ang atensyon ng lahat. You love to be adored, right? Addict ka sa atensyon!"

"Ate, nakakasakit ka na." Umiiyak nang sabi nito.

"At ako hindi nasaktan sa ginawa mo?" pagalit niyang sigaw nang harapin ito. "I'm hurting like hell right now, Anika. Dahil sa ginawa ninyo ni Darvin nagkakaganito na nanam ako. Okay na eh. Okay na 'ko. Si Darvin ang dahilan no'n. Dahil sa wakas natuto akong maging masaya. Di'ba 'yon naman ang gusto mo? Ngayon ko na lang naramdaman ulit 'to, Anika. 'Tapos ganito lang pala. Kalokohan lang pala lahat!" Pagkasabi noon ay muli siyang napaiyak. Natigilan ito. Tumabi ito sa kanya.

"Alam ko hindi ka maniniwala pero mahal kita, Ate. Totoong nasasaktan ako kapag ganyan ka. Gusto kong maging masaya ka. I'm really sorry. Hindi naman namin pinlano 'yon. Wala-" Umiiyak na rin nitong sabi sa kanya.

"Wala akong pakialam kahit hindi mo aminin. Lubayan mo muna ko, pwede?" Tugon niya at patakbo siyang lumayo at pumasok sa bahay.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now