Chapter Four.2

6.9K 127 0
                                    

"Kumusta ang ate mo?" tanong niya habang inilalapag ng screw ng café ang inorder nilang latte.

"Boring pa rin." Sagot ni Anika sabay higop sa frost. Saka sumubo ng chocolate cake. Napangiti siya.

"Boring? Ano bang trabaho niya?" tanong niya ulit.

"Designer. Boring designer." Sagot ni Anika. Noon na siya napatawa.

"Kailangan talaga may boring?" nasabi niya. Napatawa na rin ito.

He found Anika fun. Marami itong nasasabi. Kahit ano ay gusto nitong pinag-uusapan. Mula sa mga design ng café na pinasukan nila hanggang sa kasalukuyang gobyeno. She loves talking. Iyon ang napansin niya sa kapatid ni Katelyn.

"Boring talaga siya." Anito.

"Why boring?" tanong niya.

"Hindi mo napansin?" nagtaka at tila nagulat ang tinig ni Anika. Umiling siya. "Alam mo si Ate, weird 'yon. Siya nga lang siguro ang designer na masungit at anti-social."

"Anti-social. May sakit ba siya?" aliw na aliw niyang pangungulit. Tumawa si Anika.

"Wala. Healthy living kaya 'yon. Mas maselan pa nga sa'kin eh." sagot nito. Muli itong sumubo ng cake. He enjoyed watching her.

"Hindi mo kasi isinasama sa mga gimik mo. I think she's just busy working." Sabi niya. Anika snorted, again.

"Yeah, given. Pero bakit naman ako? I'm busy studying. Pero may oras pa rin ako para mag-relax. Kagaya ngayon. Si Ate kasi nag-broken heart dati."

"Dati?" Tugon niya.

"Tama! Someone from her high school days." Maarteng sabi nito. Muli siyang napatawa habang patangu-tango. Lalong nagdagdagan ang interes niya kay Katelyn.

"Eh ikaw? May boyfriend ka ba?" tanong niya. Hindi kaagad ito nakasagot. Mukhang sapul sa katotohanan ang sinabi niya.

"Ayaw pa ni Mommy. Bata pa daw ako. She even banned me for dating." Tila masama ang loob nitong sabi habang naliliro ang tinidor sa plato nito.

"Really? Sa bagay, totoo naman. You're still young." Aniya. Hindi na ito umimik at nagkibit-balikat na lang.

"Bakit wala pang boyfriend ang Ate mo? Walang nanliligaw? Mahal pa rin ba n'ya 'yong dati?" muli na naman ay si Katelyn ang topic nila.

"Meron namang manliligaw kaso terror si Ate. Lahat basag. At saka ewan ko kung anong status n'ya do'n sa past n'ya. Hindi ko naman nakilala 'yon. Pero alam mo? Gusto ko talagang i-upper cut 'yong lalaking 'yon eh. He made my sister's life miserable. Pati tuloy ako nadadamay." Tuluy-tuloy lang si Anika sa kadaldalan. Saka tumingin sa kanya na nauwi sa pagtitig.

"Bakit?" Aniya.

"Reporter ka ba o writer?" tanong nito na kakaiba ang tingin sa kanya.

"Hindi, bakit?"

"Puro ka kasi tanong. Ano 'yan gumagawa ng article tungkol sa mga boring at weird kagaya ng kapatid ko? At main subject natin siya."

"No, I mean. Napag-uusapan lang naman natin siya." Kibit-balikat niyang tugon. Naka-angat ang kilay ito tila nag-isip.

"Type mo ang kapatid ko 'no?"

"Bakit masama?" ganti niyang tanong. Nanlaki ang mga mata nito. Halos bumilog pa ang bibig nito sa gulat. Napangiti siya.

"Hindi nga?" sabi nito sabay iling nang paulit-ulit. "Sorry. Ate is not into you."

"Talaga?" buong interes niyang tanong. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagsabi sa kanya na hindi siya gusto ng isang babae.

"You bet." Sabi ni Anika. Malakas siyang napatawa.

"Are you sure about that young lady?" nasasaling ang pride niyang tanong. Tumango si Anika.

"Oo. Kung si Mommy ibinan ako para makipag-date, si Ate siya mismo ang nag-ban sa sarili niya. Ayaw nga niyang magka-boyfriend. Date pa kaya. At heto pa, ang sabi ni Mommy, hindi ako pwedeng makipag-date unless makipag-date ang Ate ko. See what I mean? That's how worse my sister is."

"Masyado naman yatang pinaghihirapan ng ate mo ang sarili n'ya." Naikmento niya. He had been in numbers of relationship. Dahil niya hinahayaan ang sarili niyang makulong sa kalungkutan. Siya ang tipo ng taong susundin kung ano ang nararamdaman. If he feels in love then he is in love period. At walang makakapigil noon.

"I know, right. Galit ako do'n sa guy pero mas naiinis ako kay Ate. Feeling n'ya kasi lahat ng guys tulad n'ong first love n'ya. Ayaw n'yang mag-move on. Ang ganda-ganda pa naman n'ya. Minsan nga gusto ko s'yang yayaing lumabas. Para ma-unwind. Kaso laging 'No, I don't want to.' Hay, naku. Oh my, ang dami ko nang naikwento."

He smiled. "That's okay."

Ngumiti ito saka muling sumimsim ng inumin.

"What if..." bigla ay may naglaro sa isip niyang sambit. Nagtinkanyang ina sila ni Anika at sa huli ay nakuha nito ang ibig niyang sabihin.

"You mean...?"

Mayabang siyang tumango. "I'll bet. You will have your date. Dahil ako ang magiging unang date ulit ng Ate mo."

Natuwa ito sa sinabi niya. "Confident ka talaga ah."

"Oo naman." Sagot niya at inilahad ang kanang kamaya. Masaya naman itong tinanggap iyon. Hudyat ng pagsisimula ang pagkaka-abalahan niya. Ang maging date ni Katelyn Quiñones.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now