Chapter Thirteen.2

13.9K 235 12
                                    

The view was breathtaking. Ngunit iba ang nakikita ni Katelyn sa nakatalikod na si Darvin. Nakatukod ang mga siko nito sa kahoy pa lang na dingding ng ginagawang resort. Sa harapan nila ay ang nag-aagawang kulay kahel at dilaw na paligid dahil papalubog na ang araw. Habang tila nagkalat na alahas ang dagat dahil sa pagkinang nito. At ang marahan na ihip ng hangin ay pinapasayaw ang mga dahon ng puno sa paligid. Hindi tuloy niya magawang lumapit. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa.

Tila naramdaman nito ang presenya niya kaya bahagya itong lumingon. "I'm sorry. I'm such an asshole."

"You're saying you're an asshole kasi aalis ka?" tanong niya dito.

Nakita niyang nagbuga ito ng hangin. "Alam mo na pala. Pero hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

"Eh ano? You're an asshole because you fall in love with me? Pinagsisisihan mo 'yon kaya aalis ka."

"Of course not."

"Eh ano nga?" hindi pa rin siya lumalapit dito.

"Pinuntahan ko si Jed. I punched him." Tugon nito.

Nagulat siya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" takang-taka niyang tanong habang lumalapit dito.

"Hindi ko alam. Hindi niya siguro ako naiintindihan. But he said he's sorry about what happened. Pinagsisisihan daw n'ya ginawa n'ya sa'yo." Sagot nito. Noon ay nasa tapat na siya ng binata. Tumingin siya sa nakatagilid nitong mukha. Parang sinasalamin ng nagpapaalam na araw ang lungkot ng mukha nito.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Nakaraan na 'yong sa'min." Sabi niya. Lumingon ito sa kanya. Kaagad naman siyang nag-iwas dahil sa tila nagwiwika nitong mga mata. Nagsasabi ng panunumbat.

"Maaaring tapos na 'yon. Pero 'yon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo magawang buksan ang sarili para magmahal. Jed broke your heart. Kaya wala nang natira para sa iba." Sagot nito kasunod ang isang tila pagkalalim na buntong-hininga.

"Look, Kate. Alam na alam kong hindi ko dapat ginawa ang saktan s'ya. At maling-mali ako. Pero nagawa ko lang 'yon dahil...dahil-"

"Dahil sa'kin." Agap niya.

Humarap ito sa kanya at ganoon din ang ginawa niya. At hindi na rin niya pinigil ang sarili na abutin ang dibdib nito. Marahan niya iyong hinaplos. Kasunod ng mabilis na pamumuo ng luha.

"Ayoko nang pagsisihan kung ano ako noon. I was hurt. Kung-"

"Alam na alam ko 'yon-" agap nito ngunit pinigil niya ito nang ilapat niya ang kanyang hintoturo sa labi nito.

"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, hindi mo rin pwedeng pagsisihan ang lahat. Pinili kong hindi umiyak dahil ayaw kong makita ng mundo kung gaano ako nasaktan. Hindi ako kasing tatag nina Mom at Anika. Kasing hina ako ng pride ko. Pinagsinungalingan ko ang sarili ko." Puno ng lungkot niyang sabi habang nagsisimulang tumulo ang mga luha niya.

"You know what?" Si Darvin. Kinuha nito ang kamay niyang nasa dibdib nito at dinala iyon sa labi nito. He kissed it so gently but very passionately. She sighed.

"Noong mo akong makita sa garden, matagal na 'kong ando'n. Nakita na kita papasok ka pa lang. And in that moment, I know. I felt something. Kaya sabi no'n sa sarili ko after mo 'kong sungitan? I will get your attention no matter what."

Bahagya siyang nakatawa. Ganoon din ito nguint bumalik muli sa seryoso ang ekspresyon nito. She anticipated.

"At ang sabi ko, guguluhin ko ang buhay mo. Dahil nauna ka nang guluhin ang sa'kin sa una pa lang na sumilay ang mata ko sa'yo."

Sandaling napigil ni Katelyn ang kanyang hininga. Panay pa rin ang kanyang pagluha. She was directly looking at him and she cannot be down on his emotion. Naramdaman niya ang kalooban nito.

"Bakit mahal mo pa rin ako pagkatapos ng lahat? Ilang ulit kitang itinaboy." she asked.

Lalong itong lumapit sa kanya. Hawak na nito ang kanyang dalawang kamay. "Kanina habang pinagsisisihan ko ang ginawa ko kay Jed, walang ibang nasa isip ko kundi ikaw. Kate, ikaw lang ang tanging babaing sumubok sa pasensya ko. Sa determinasyon ko. Sa ego ko. No'ng kausap ko si Jed, nagalit ako hindi sa kanya o sa'yo kundi sa sarili. I felt so funckin' useless. Mahal kita pero hindi sumasapat 'yon para mahalin rin ako."

Katelyn saw a tear from his eyes. Nanikip ang puso niya sa nakita. Pinaghalong guilt at inis sa sarili ang naramdaman dahil pinahirapan ni ang binata. Na naging napakasarado para sa pagmamahal.

"Darvin..." tanging anas niya. Hinaplos nito ang pisngi nito.

"Kate, mahal na mahal kita. Pero parang kulang. Kasi hindi kita mapasaya. That's why I decided to leave. Iyon ang best option na meron ako sa ngayon. But if you give me another chance. I promise. I will fill every empty hole in your heart. Hayaan mong ako ang bumuo sa puso mo. I will fix it until it becomes better than new." Sabi nito.

Hindi na napigil ni Katelyn ang sarili at niyakap ito nang buong higpit. Hindi magkamayaw ang kanyang kaligayahan dahil may isang taong naroon para sa kanya sa kabila ng lahat ng pagkukulang niya. Na sa kabila ng galit niya noon sa mundo ay naroon pala ang pangarap na tulad ng sinumang babae na mahalin ng katulad ni Darvin.

"I'm really sorry Darvin. Hindi ko sinasadya ang nagawa ko sa'yo. Ako ang bigyan mo ng pagkakataon na itama ang lahat. Please don't leave me." Saad niya sa gitna ng pag-iyak. Bahagya itong kumalas sa kanya. Saka pinahid ang mga luha niya.

"Mahal kita. Matagal ko nang nararamdaman ito. Hindi ko lang maamin dahil sa katangahan ko." Panay ang hikbi niyang patuloy.

"Hindi ko kayang ipangako ang isang perpektong relasyon, Kate. Ang tangi ko lang maipapangako ay ikaw lang mahal ko at ang mamahalin ko. I will not waste my life loosing you. I promise to make you the happiest woman alive because you made me the happiest man. I love you so much."

Ipinaloob nito sa mga palad niya ang pisngi niya at lumapat ang labi nito sa kanya. She answered it immediately. And more cravingly. Niyakap siya at bahagyang iniangat siya habang maglapat pa rin ang mga labi nila.

Katelyn cannot hide her feelings anymore. Sisirain niya ang buhay kung patuloy lamang niyang ilalayo ang sarili sa binata.

"Bubuin natin ang isang masayang mundo. Tayong dalawa, habang buhay." Malambing at tagos sa pusong saad ni Darvin.

She smiled so sweetly. "Mas mahal na kita dahil d'yan."

Tumawa ito. "Pero kailangan muna nating tapusin ang resort na 'to kundi patay tayo kay Auntie."

Tumawa rin siya. "Oo nga. Delikado ang lisensya ko 'pag nagkataon. Pero pa'no magagawa 'yon kung aalis ka? Itinawag mo kay tita Stella, di'ba?"

"Yeah. At sinabi ko ring tawagan ka n'ya at sabihing aalis ako."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Sinadya pala nito ang lahat. But it was laright for her. Iyon naman ang naging daan upang magkaalaman siya. She may went through heartache. But that ache made her stronger to fix everything in her life.

"I love this spot." Bulong ni Darvin habang hinahagod ang kanyang likuran. It made her shiver a lot.

"Yeah, me too." She said. And they both laugh and kissed again.  

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now