Chapter Six.1

7K 134 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw ngunit hindi pa rin sila nagpapansinan ni Anika. Tahimik sila sa harap ng hapag-kainan at kapag nagkakasalubong sa loob ng bahay ay nilalampasan lang siya nito. It was quite hard on her part. Ito na marahil ang pinakamabigat nilang away. Her sister must be really hurt. Hindi rin naman niya masyadong mabigyan ng pansin ang pagbabati nila dahil busy siya sa trabaho. Tatlo ang kasalukuyan niyang kliyente. Bukod pa sa kailangan siya lagi ng mommy nila sa mga project ng PowerSite. Idagdag pa sa nagpapa-stress sa kanya ay si Darvin. Hindi naman niya mabitiwan ang resort dahil sa kumpromiso sa kaibigan ng mommy niya.

Nagdesisyon siyang pumunta ng mall nang araw na iyon upang humanap ng maaaring ibigay kay Anika bilang peace offering. Hindi na niya kayang tagalan ang galit ng kapatid niya. At isa pa ay nagi-guilty siya sa nangyari.

Pumasok siya sa isang novelty shop. Mahilig sa kung anu-anong kakikayan si Anika kaya alam niyang doon siya makakahanap.

Hindi siya nagkamali. Nakikita niya si Anika sa buong store dahil lahat ng bagay na naroon ay may kinalaman sa kaartehan ng kapatid niya. Napangiti siya.

Sa kawalan ng mapili ay nagpasya na lang siyang kuhanin ang nakitang pen holder na may design na Hello Kitty. Ngunit nagulat ay nang unahan siya ng isang pigura. Galit niyang nilingon iyon.

"Ako ang unang nakakita." Saad nito.

Ang nakangising si Darvin Zulueta ang nakatayo sa harap niya at nakakaloko pang ipinapakita sa kanya ang holder. Inis siyang nag-angat ng kilay at tinalikuran ito. Kaagad siyang binalot ng inis at sa hindi mawaring damdamin.

"So, what's up? Hindi ko akalain na bumibili ka pala ng mga ganito." Saad nito na sumunod pala sa kanya.

"Bakit? Masama?" tanong niya habang hindi ito tinatapunan ng tingin. Palakad-lakad siya at tumitingin-tingin. Pilit na binabalewala ang pagpapansin nito.

"Wala naman akong sinabi." He said. "I think you're having a hard time choosing. Para kanino ba? Girlfriend or something?"

"Hindi ako tomboy!" galit niyang hinarap ito at idinuldol sa dibdib nito ang nahagip na stuffed toy sabay talikod.

Bakit hindi pa siya tantanan nito? Wala naman itong maitututlong sa kanya. At isa pa, naiinis siya dahil alam niyang hindi siya kumportbleng kausap ito.

"Hey, huwag kang magalit. I'm just trying to help." Sabi nito na nakasunod pa rin.

She smirked. "Hindi ko kailangan ng tulong. At kung kailangang ko man, hindi ikaw ang tatawagin ko."

Tumawa ito nang malakas. Tiningnan niya ito nang masama sabay umikot sa paligid ang mata niya. Nakakahiya sa ibang naroroon sa store. Lumayo siya dito.

"Ilang araw na rin ang lumipas. Inis ka pa rin sa'kin? Am I always too offensive?" patuloy pa rin nito na nakasunod sa kanya. Lubos na siyang naiirita. Hindi niya maituon ang atensyon sa paghahanap dahil sa pag-aligid nito. Wala ba itong pupuntahan kaya sa kanya nanggugulo?

"I just don't like talking." Sagot niya upang maitaboy ito.

"I heard you are good. That is according to our design consultant. Mukhang magiging successful ang first project natin together. I'm excited for our next one. Wala pa man."

Napailing siya. Hindi naman nakakagulat na ganoon ang sasabihin ng design consultant dahil Mommy niya iyon.

"Here. This looks nice." Agaw nito sa atensyon niya sabay ipinakita ang isang cd rack na soda in can ang design. Napatitig siya doon. Gusto niya itong kunin. Mahilig sa music si Anika at pakalat-kalat na ang mga cds nito dahil sa dami. Ngunit pinigil niya ang sarili na tanggapin iyon.

"Hey..." tawag niya Darvin nang talikuran niya ito.

"Gusto mong makatulong?" she asked as she faced him.

Inosente itong nakatingin sa kanya sa ngumiti. "Well, wala naman akong masyadong gagawin. Maybe I could-"

"Leave me alone." Agap niya. Ngumiwi ito sabay buntong-hininga. Saka nakangiti na namang lumapit sa kanya. Mayabang talaga ang isang ito naisip niya. At sa kamalas-malasan ay siya ang nakita nito.

"Paano kita matutulungan, Miss? Kung paalisin mo ako." tanong nito. Mangha siya. Kung makalapit ito sa kanya at kung makipag-usap ay parang kilalang-kilala siya nito. Iyon pala naman ay hindi siya nito natatandaan!

Isang singhal ang ginawa niya. Nakapamaywang niyang hinarap ito. "May pangalan ako."

"Yeah, I know. But you're stares tell me to not to talk to you. Sa party pa lang ganyan ka na sa'kin. Kaya kahit alam ko ang pangalan mo, I won't say it." Sagot nito.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Hindi ko kailangang intindihin ang sinasabi mo."

"Oo nga naman. Maybe that's your attitude." Sagot nito. Umiiling niyang tinalikuran ito. Wala siyang oras upang pakinggan ang kayabangan nito.

"Come on. Hindi naman mawawala ang kagandahan mo kung kakausapin mo ako. Mahirap ba 'yon?" narinig niyang sabi nito habang papalayo siya. Muli siyang natigilan at dahan-dahang nilingon ito.

Alam niyang narinig niya ang sinabi nito ngunit gusto niyang makasiguro. Kung bakit ay hindi niya alam. Marahil siguro ang pangalawang pagkakataon na may nagsabing maganda siya. She was stunned. She knew it but she didn't show it to him.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. "Gusto ko lang tumulong."

"Bakit?" tanong pa rin niya.

He sighed but heavier this time. "Alright. Naglalakad-lakad ako nang makita kita na parang nawawalang pusa. Obvious na hindi mo alam ang hahanapin mo. Are you doing this on forced?"

Pasimpleng umangat ang kilay niya upang saglit na mag-isip habang nag-iwas ng tingin. Muli din iyong bumalik sa binata.

"Ibibigay ko sana sa kapatid ko." Sagot niya.

"Nag-away kayo?"

Nagulat siya. Pilit niyang iniisip kung nabanggit ba niya ang tungkol sa kapatid niya. Nahalata ba nito ang reaksyon niya?

"Your face tells it." Saad nito habang kinukuha ang kaninang itinurong cd rack. Nagkibit-balikat na lang siya kasunod pagbuntong-hininga.

"Manahimik ka na lang at tumulong." She said sarcastically. Ngumiwi ito.

"Damn. Why are you always rude? Chill out." Sabi nito na inismiran niya. Narinig niya ang pagtawa nito.

"Sige na." pagsusungit pa rin niya.

"Ito na lang bilhin mo. I'm sure she'll like it." Saad nito sabay abot sa kanya ng cd rack. Tahimik niya iyong tinanggap saka inawan ito upang tumungo sa counter.

Habang ipina-pack ng cashier ang rack ay kumukuhan naman siya ng pera ay nang ibibigay na niya iyon ay pinigilan siya ng binata. Taka siyang lumingon.

"Ako na lang. My treat." Nakangiti nitong sabi. Tinabig niya ang kamay nito.

"Ako na." masungit niyang saad at iniabot na sa cashier ang sariling pera. Wala naman na itong sinabi kaya nanahimik na rin siya. Gusto niyang bawiin ang inasal at humingi ng dispensa sa ginawa ngunit pinili niyang huwag na. Mabuti nang alam nito na hindi niya gusto ang ugali nito.

Bahagya niyang tinugon ng ngiti ang ngiti ng cashier nang iabot sa kanya ang binili. Nasa tabi niya si Darvin na naghihintay.

"Thanks." Walang gana niyang saad sa binata sabay talikod upang iwan ito.

"Wala ba akong reward?" sagot nito. Nag-iipon ng pasensya siyang nabuntong-hininga.

"Nagpasalamat na 'ko." Sagot niya. Nakalabas na sila noon ng boutique.

"Let's have coffee instead." Tila magaan nitong yaya. Hindi alintana ang ilang ulit niyang pambabara dito.

"May pupuntahan pa 'ko." Simple niyang sagot. Hindi na niya ito hinintay na makasagot pa kaya mabilis ang ginawa niyang paglalakad palayo. Narinig niya ang pagtawag nito ngunit hindi na niya iyon pinansin. Iniangat na lang niya ang dalang paper bag upang sabihin ditong paalam at wala siyang oras sa kakulitan nito.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon