Chapter Ten.1

5.9K 107 0
                                    

Hindi napigilan ni Darvin na humanga kay Katelyn nang makita niya itong pababa ng hagdan suot ang isang printed v neck dress. Kulay asul iyon at bumagay sa maputi nitong kutis. Napangiti siya nang mapansin niya na naiilang ito. Marahil dahil sa suot nito o dahil sa kanya. Sabihin mang masyado siyang bilib sa sarili pero iyon ang nararamdaman niya. He was sure that Katelyn react even in his simple stare. At ganoon din naman siya.

"Maaga ka." Saad ng dalaga nang makalapit sa kanila. He knew she was just trying to loosen up. Tama lang naman sa oras ang dating niya. Ngumiti siya.

"Baka kasi magbago pa isip mo. Mahirap na." Sagot niya at ngumiti ito. He shivered. "Sasakalin ako nina Mommy kapag ginawa ko 'yon." Pagbibiro nito. Napatawa siya.

"Aalis na kayo?" Narinig nila ang tinig na iyon. Papalapit si Anika kasama si Mrs. Quiñones.

"Heto ang clutch mo." Excited na iniabot iyon ni Anika kay Katelyn.

"Bring home my daughter, Darvin. Walang kulang." Anang kanyang ina sa tabi ni Anika na nagtatakang tumingin sa kanyang ina.

"Opo." Tumatawang sagot niya.

"Mommy, Ate was now dating." Singit ni Anika. "Maybe..."

"But where's He?" agap ng kanyang ina.

"Tatawagan ko siya." Masayang sagot ng dalaga.

"No, no, no." pigil naman ng kanyang ina. "Hintayin mong yayain ka niya. Unahin muna natin ang Ate mo."

"Manonood lang kami, Mom. Praning ka naman masyado." Agap ni Katelyn.

"Nanay ako. Anong mali 'don?" Sagot ng kanyang ina.

"Halika na nga." Si Katelyn at nauna na itong tumalikod upang lumabas. Naiwan siyang nagpapaalam sa mag-ina saka sumunod sa dalaga.

"Ang ganda mo ngayon." Bulong niya kay Katelyn nang makaagapay siya dito. Bahagya itong natigil sa paglabas at tumingin sa kanya. He saw her blushing.

"Shut up." Saway nito sa nangingiting paraan at tinawanan niya ito.

Inalalayan niya ang dalaga habang pasakay sa kotse niya saka sumakay sa driver's seat. At bago niya paandarin ang sasakyan ay inabot niya likod ang isang bouquet ng bulaklak. Iniabot niya iyon sa dalaga. Of course, Katelyn did not expect it.

"Salamat." Simple nitong sagot ngunit hindi ito tumitingin sa kanya. Kinuha niya ang baba nito at ihinarap niya ito sa kanya.

Hindi na siya nagpaalam at pinangahasan na niyang abutin ang labi nito at hinalikan iyon. He saw fireworks on that kiss. Parang piniga ang hininga niya. He missed her lips. He missed how she responded on that kiss at the party. Kaya hindi niya napigilan ang sariling gawin ulit iyon. He was so overwhelmed.

"Marami na akong naging relasyon sa New York. I've even been in the ups and down of it. At kung anuman ang ipapangako ng nararamdaman ko sa'yo, handa ako. Isa lang gusto kong mangyari ngayon. Spend every time I have to be with you. Sana hayaan mo akong gawin 'yon." Taos puso niyang saad dito matapos ang halik na iyon.

Hindi nagsalita si Katelyn. Nakatingin lang itong sa kanya habang kipkip ang bulaklak. She looked stunned. At naroon na naman ang tila takot sa mga mata nito. Nag-alala siya na baka maging tulad ito noon una niya itong hinalikan. Too hesitant to face him. Ngunit hindi siya susuko hangga't hindi nakukuha ang tiwala ng dalaga.

"Mahuhuli na tayo sa play." Tanging sagot nito at nag-iwas na iton ng tingin. Nakita niya itong nagbuga ng hangin. Ganoon din ang ginawa niya saka hinarap ang manubela.

Wala na silang salitaan habang binabaybay ang daan.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now