Chapter Ten.2

5.6K 119 3
                                    

Hindi pa man sila nakakalapit sa Resorts World Manila kung saan gaganapin ang play ay bumuhos na ang malakas na ulan. Dahilan tuloy upang mag-traffic. Mabagal ang naging pag-usad ng mga sasakyan.

"Malapit nang mag-umpisa ang play. Baka hindi na tayo umabot." Naikomento ni Katelyn sa binata.

"Hindi naman siguro." Sagot nito. "Malapit na naman tayo. Don't worry."

Nagtiyaga na lang sila na singuin ang traffic. At mapalad pa din silang nakarating. Matapos mai-park ni Darvin ang kotse ay buong pag-aalalay siya nitong sinamahang maglakad patungo sa loob ng Newport Performing Arts Theater.

At sa buong panahong iyon ay ramdam na ramdam ni Katelyn ang pag-aalaga at concern ni Darvin sa kanya. Not just that he was only trying to be a gentleman. She felt that he would never let anything not on his power happened to her. Napakasarap sa pakiramdam. Hindi niya naranasan kay Jed ang ganoon. Sa unang pagkakataon ay may isang taong gagawin ang lahat alang-alang sa kapakanan niya.

Narating nila ang theater. Ngunit nalungkot sila lalung-lalo na siya sa sinabi na guard sa bungad ng theater.

"I'm sorry, Sir. Thirty minutes na pong nag-umpisa ang play. Wala na pong pwedeng pumasok." Saad nito.

"But we have tickets." Sagot ni Darvin ngunit umiling ang guard.

"Pasensya na po, Sir." Hinging paumanhin gn guard.

Laglag ang balikat ni Katelyn. Puno ng panlulumo siyang tumalikod. One night performance lang ang ticket nila. At wala silang mabibili pa dahil sold out na ang ticket.

"Pare, baka naman pwede pa. Napaka-importante nito para sa girlfriend ko." Narinig niyang sabi ni Darvin. Napalingon siya dito. Tumingin ito sa kanya. He smiled.

"Hindi na po talaga." Matigas pa din na pagtanggi ng guard. Gusto niyang sitahin ito dahil sa pagsasabi nitong girlfriend siya nito ngunit ayaw naman niyang mapahiya ito sa guard.

Nakita niyang may dinukot ito mula sa likuran ng pantaloon nito. Wallet iyon. Nagtatanong na tingin dito ibinigay niya dito.

"I have..." sabi nito habang kumuha ito ng lilibuhin mula sa wallet ngunit mabilis iyong pinigilan ng guard.

"Huwag po, Sir. Nasa policy po ng theater na hindi na maaring magpapasok kapag nag-umpisa na. For security purposes po." Sabi nito habang nakasangga ang kamay nito sa iaabot nap era ni Darvin.

Tila napahiya namang binawi ni Darvin ang hawak.

"I'm sorry. Importante lang talaga sa kanya ang event na 'to. Pinilit nga niya ang sarili niya para lang makapunta dito. Nag-away kasi kami. Peace offering ko 'to sa kanya. Pare, tulungan mo sana akong mapasaya siya. This will really mean so much to me." Seryoso at nagmamakaawang saad ni Darvin.

"Darvin, huwag na lang. Late tayo eh." anas niya.

May ilang sandaling hindi umimik ang guard at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Kahit siya ay nanalangin din na pumayag ito. Hanggang mabuntong-hininga ito.

"Sige po. Subukan natin. Samahan ko kayo sa ticket booth." Sabi nito. Nabuhayan siya ng loob.

"Salamat. I owe one." Nasisiyahan sagot ni Darvin at muli nitong hinawakan ang kamay niya. Sumunod sila dito.

At nang makarating sila sa sinasabi nito ay mapalad silang pinayagan dahil na rin sa matinding pakiusap ng binata. May sandali pa ngang parang ginusto na niyang sawayin ito dahil masyado na itong napapahiya dahil sa ginagawa. He was begging everyone for her. Para lang mapagbigyan ang gusto niya. She felt overwhelmed but guilty at same time.

Nakapasok sila sa loob. Marami man silang na-miss sa play ay hindi na iyon ininda ni Katelyn. Ang mahalaga ay nakapasok sila at nasilayan ang idolo nang personal sa kauna-unahang pagkakataon. Of course with the help of her prince.

At habang abot hanggang tainga ang ngiti niya habang nanonood ay siya namang tahimik ng binata. Nang minsang nilingon niya ito ay nahuli niya itong nakapikit na. Pasimple niya itong siniko. At nang magmulat ito ay wala sa loob na pumalakpak ito. Napapahiya naman niya itong pinigilan sabay mahinang tumawa. He looked at her apologetic. Then both laugh. Bumuka ang bibig nito at sinabing 'I'm sorry.' She smiled sweetly.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt