Chapter Four.3

6.7K 129 3
                                    

Nakita ni Katelyn ang excited na mukha ni Anika na papalapit sa kanya sa veranda. Alam na niya ang paglapit na iyon. Itinakip niya sa sariling mukha ang librong binabasa at kunwa'y natutulog sa comfort chair.

Naramdaman niya ang tahimik nitong pag-upo sa gilid niya. "Hey, ano na? Pumayag na ba si Mom?"

Nilakasan niya ang paghinga na kunwa'y naghihilik. Inalog naman siya nito.

"Ano ba?"

"Pumayag na ba si Mom?" agap na tanong nito. Nagbuga siya ng hangin at bahagyang bumangon.

"Hindi." Maiksi niyang sagot. Nanlumo ito.

"What now?" problemado nitong tanong. Umangat ang kilay niya. Parang siya pa ang gusto nitong mag-isip ng paraan sa problema nito.

"Wala kang date, that's it."

"Pero Ate-"

"Wala akong magagawa. Ayaw ni Mom. Sundin mo na lang kasi siya."

"Ano ba kasing sinabi mo sa kanya?" naghihimutok nitong tanong. Tiningnan niya ito nang masama.

"Ano pa? Kinakausap ko!" sagot niya. But Anika just snorted.

"What exactly did you said?" pangungulit nito.

Napabuntong-hininga siya sa kakulitan nito. "Nikka, sumusobra ka na. Hindi porke pumayag ako sa gusto mo ay may passes ka na para kulitin ako nang ganyan. Could you please leave me alone?"

"At pa'no ang ticket?" ganting tanong nito. "Less than a month na lang bago mag-premiere."

Sandaling natigilan si Katelyn. Totoong nanghihinayang siya ngunit hindi naman niya maaaring pagbigyan ang kondisyon ng Mommy niya. Magugulo ang buhay niya kung lalabas siya kasama ang isang lalaki.

"P-pabayaan mo na lang. Ikaw na lang manood kung gusto mo." Masama ang loob niyang sabi dito. Tumawa ito.

"At ano? Para lang makatulog do'n. Ayoko nga. Boring 'yon 'no." sabi nito. Ngumiwi siya.

"Then get your ass out of here. Wala na akong magagawa sa problema mo." Pagtataboy na lang niya. Muli siyang humiga at kinuha ang nalaglag na libo at itinakip sa kanyang mukha. Hindi na niya pipilitin ang Mommy niya dahil ayaw niya sa gusto nitong mangyari. Bahala nang si Anika ang mangulit sa Mommy nila tutal atat na atat naman ito.

"I never thought that you are such a horrible selfish bitch." Narinig niyang sabi ni Anika. Dahan-dahan niyang inalis ang libro at takang tumingin dito. Nakita niya na seryoso ito.

"Anong sinabi mo, Anna Karenina?" seryoso na rin at namumuo ang galit niyang tanong. Tinatawag niya ito sa buo nitong pangalan sa tuwing totoong nagagalit siya dito. She can take their quarrels but she cannot let her be disrespectful to anyone. Lalung-lalo sa kanila ng kanilang ina. Hinayaan nila ang mga tantrums nito ngunit hindi maaaring lumampas ito sa pagiging magalang sa iba. And she had her limit.

"Hindi mo talaga ako naiintindihan." Tila may bigat nitong sagot. Nagtataka niyang tinitigan ito.

Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan nitong makipag-date sa kabila ng mahigpit na patakaran ng Mommy nila na hindi maaari. Ano bang mayroon sa lalakig kinalolokohan nito?

"Hindi ko talaga iintindihan ang kababawan mo, Anika. Lalaki lang 'yan." She said.

"Yeah right." Agap Anika at tumayo. "Para sa'yo, hindi mo ipagpapalit ang mga boring mong libro sa oras kaysa intindihin ako. Para sa'yo waste of time ang maging masaya at out going. Para sa'yo lahat ng lalaki katulad ng first love mo!"

"Stop it!" sigaw niya. Mabilis siyang nakatayo upang abutin ito. Hindi na nakahuma si Anika nang lumapat ang palad niya sa pisngi nito.

She was stunned for a moment. Kaikuyom niya ang mga palad dahil sa kabiglaan. Iyon ang unang pagkakataon na nagpagbuhatan niya ang kamay ang sariling kapatid. Mabilis siyang binalot ng pagsisisi ngunit hindi siya makakilos sa pagkabigla.

Nangingilid ang luhang nilingon siya nito. Hawak ang kaliwang pisngi ay galit itong humarap sa kanya.

"You know what, Ate? Sana may isang lalaking magpapalambot sa'yo and you will fall in love with him head over heels. Then what? He will ditch you like hell!" nagngingitngit nitong sigaw sabay patakbong lumayo.

"Nikka, wait! I'm sorry."

"I hate you!" sigaw nito nang hindi siya pinapakinggan.

Nanlulumo at nanginginig ang tuhod siyang bumalik sa pagkakaupo sa comfort chair. Gustuhin man niyang ibalik ang nangyari at wala nang silbi. She had hurt her sister. Hindi naman niya iyon sinasadya. Nadala lang siya kanilang pag-aaway at sa sinabi nito.

Hindi na bumalik ang magandang mood niya matapos ang tagpong iyon. Nanatili lang siyang nakaupo at tulalang nakatingin sa malayo. Hanggang maisip niyang kailangan niyang humingi ng tawad kay Anika.

%��y��|0

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon