Chapter Thirteen.1

6.5K 107 0
                                    

"Ma'am Kate."

Narinig ni Katelyn ang pagtawag ni Shane. ang bagong staff sa opisina nila.

"Yes?" sagot niya habang nakatungo sa binabasa niyang report.

"Line two po, si Mrs. Stefan." Ani Shane.

"Okay." Aniya sabay angat sa telepono. "Hello, Tita?"

"Hi, Kate." Tugon nito.

Nataka siya. "Why, Tita? May problema po ba?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Hindi maikakaila na balisa ito.

"I don't know if you know this but Darvin dropped the resort. Tumawag s'ya sa'kin kahapon at nagpaalam na hindi na raw niya hahawakan ang project. Ang kaibigan na raw n'yang si Devin ang bahala. Alam mo ba ang tungkol dito?"

Napatuwid ng upo si Katelyn sa narinig. Binalot ng kaba ang dibdib niya dahil sa pagkagulat. Halos kalahati na ang tapos sa resort ngunit hindi pa dapat iniwan ni Darvin iyon.

"A-ah...hindi ko alam, tita, eh. Wala naman pong nakarating sa'kin." Sagot niya.

"Oh, gano'n ba? Nagtataka nga rin ako. Hindi naman gano'n ang usapan namin." Himig naghihinayang nitong tugon.

Nagbuntong-hininga siya sabay hawaka sa kanyang sentido. Parang biglang bumigat ang pakiramdama niya.

Dalawang linggo na silang hindi nagkikita ng binata. Hindi rin kasi siya makadalaw sa resort dahil hindi pa naman siya kailangan doon. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi ito sumagot. Kahit sa text ay hindi ito nagre-reply.

"Nasabi po ba n'ya kung bakit?" tanong niya.

"This is so intriguing nga eh. Ang sabi n'ya sa'kin ay babalik na s'ya ng New York kaya n'ya ipapasa ang project. Nagulat talaga ako dahil ang alam ko ay dito na s'ya magsi-settle dahil nag-resign na s'ya sa trabaho n'ya do'n."

"What?" hindi na niyang napigilan ang sarili. Napatayo siya. Lalo siyang kinabahan. Bakit bigla itong babalik ng New York? Iyon din ang alam niya. Wala na itong balak bumalik ng New York. Gusto nitong dito na mamalagi. He even said he wanted to fall in love in the country. Pero bakit ganoon ang nangyari?

"Yes, Kate. Ako din nga nagulat. I keep asking him why the sudden departure but he never told me anything. Ang sabi lang n'ya ay biglaan ang desisyon n'ya." Sabito nito.

"Did you...Did you asked Architect Devin about it?" nag-iisip niyang tanong.

"Hindi pa. Ikaw lang una kong naisip na tawagan. Can you do me favor, hija?"

"Ano po 'yon?" hilot-hilot ang sariling noo niyang tanong.

"Can you talk to him? Hindi ko alam kung nasaan s'ya pero sa tingin ko, eh, kaya mo naman s'yang tawagan. Hija, hindi ko rin alam kung dapat bang ikaw ang kumausap sa kanya. I called her mother at sinubukan na rin s'yang kausapin ni Sabrina pero wala talaga s'yang sinasabi. Pwede bang ikaw na lang sumubok, hija?" anito.

Hindi siya kaagad nakatugon. Hindi niya alam kung sasagot siya ng 'oo' o 'hindi.' Naguguluhan siya.

"I-I'll try po, tita." Sagot na lang niya.

"Sige. Thank you. At sana rin makumbinsi mo rin s'yang huwag nang iwan ang resort. It is my dream. Kaya gusto ko sana ay kayo ang tumapos no'n dahil pareho kayong malapit sa'kin. Naintindihan mo sana ako, Kate."

"Okay po." Iyon lang ang nasabi niya.

"Alright. Bye." Sagot nito at nawala na ito sa linya.

Natitigilang ibinaba ni Katelyn ang telepono sa cradle nito. Balisang-balisa siya. Nagpabalik-balik siya sa loob ng opisina niya. She was rubbing her hands against each other. Hindi kasi siya makapag-isip nang maayos. Ginulat siya ng ibinalita sa kanya.

Naisip niyang tawagan si Anika. Kaagad niyang nilapitan ang mesa niya at kinuha ang cellphone niya.

"Ate, bakit?" tila ngumunguya pang sagot ni Anika sa kabilang linya.

"Nikka, kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya.

"Bakit? Anong problema?"

She sighed. "Binitawan ni Darvin 'yong resort. He's going back to New York. Anong gagawin ko?"

"Talaga?" hindi kayang itago ng tinig nito ang pagkagulat.

"Yeah, really. Katatawag lang ni tita Stella. He's leaving." Napuno ng taranta niyang tugon.

"Whoa. Affected ka, Ate?" tila nag-aasar pa ito.

Umikot ang mga mata niya. "Hindi pa ba obvious? Tatawagan ba naman kita kung hindi?"

"Oo, tama ka. Pero bakit ka affected? Close kayo?" ulit pa nitong tanong.

"Wow ha, Anika. At talagang balak mo pa 'kong asarin." Napikon niyang sabi.

Narinig niya ang pagtawa nito. "Why? I'm only asking. Hindi ka naman magkakaganyan kung walang dahilan di'ba? So, meaning ba n'yan gusto mo na rin si Kuya Darv kaya ka nagkakaganyan? Hindi ka makakapayag na bumalik s'ya ng New York?"

"Anika, please." Mapikon-pikon niyang saway dito.

"Eh ano bang gusto mong mangyari?"

Nag-isip siyang muli. Bakit nga ba siya tumawag sa kapatid niya? Anong tulong ba ang kailangang niya mula dito.

"I need to stop him." Puno ng desperasyo niyang pahayag.

Dinig na dinig niya ang pagsinghap nito. "Oh my, Ate. You're...you're in love with him!"

"Ouch." Nailayo niya ang cellphone niya sa lakas ng pagtili nito. "Ano ba 'yan? Parang naipit lang sa escalator."

"Ate, this is it. Si Kuya Darv na ang happiness mo." puno ng excitement nitong sabi.

"Really?" aniya kahit na nakakaramdam na rin siya ng kilig sa ginawa niyang pag-amin sa sarili.

"Oo ate. Mahal mo s'ya." Anito at muling tumili. Muli siyang napangiwi.

"Come on, Nikka. Help me. Anong gagawin ko?"

"Eh di pigilan mo s'ya." Sagot nito.

"Pa'no ko gagwin 'yon? Eh hindi ko nga alam kung nasa'n s'ya." Paghihimutok niya.

"Think, Ate, think. Isipin mo kung saan ba pupunta ang isang taong aalis na. S'yempre 'pag gano'n, ang pupuntahan no'n eh, mahalagang lugar para sa kanya. Saan ba 'yong memorable place n'yo ni Kuya Darv?"

"Namin? Bakit namin?" inosente niyang tanong.

"Hay naku, Ate. Ano ka ba? Nagpapakamanhid ka ba? Hindi mo pa ba ramdam? Ikaw kaya ang dahilan kung bakit fa-fly si Kuya Darv. Nasaktan 'yon sa'yo 'no. Of course. He needs to heal his broken heart. Bago n'ya gagawin 'yon magpapaka-senti mode muna 'yon sa fave place n'yo."

"Wala kami no'n." aniya.

"Sige. Ikaw na lang. Sa'n ba 'yong lugar kung saan kapag ando'n ka, eh, maalala mo s'ya?" tanong.

Sandali siyang nag-isip.

"I know a place." Sagot niya.

"Good. Gora ka na. I'm sure he's there. Maybe he's waiting pa nga sa'yo eh." Sabi nito.

Napatawa siya. "Alam mo ikaw, Anna Karenina. Ang bata-bata mo pa ganyan ka na. Ang dami-dami mong alam ."

"Eh ikaw naman, ang tanda-tandan mo na. Ignorante ka pa rin pagdating sa pag-anim sa totoong feelings. At saka, Ate, I'm hopeless romantic, you know."

Umismid siya. "Ganyan ang napapala nang kababasa ng pocketbook. Sige na. Hahanapin ko pa s'ya."

Malakas ang naging tawa nito bago pa man nito mawala sa linya. Nang mailagay ang cellphone sa bag niya ay kaagad siyang lumabas ng opisina at sinabi kay Shane na hindi na siya makakabalik.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now