Chapter Six.2

6.1K 116 0
                                    

Nasa veranda si Anika nang dumating si Katelyn sa bahay. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at pinuntahan na ito.

Namalayan nito ang paglapit niya kaya tahimik itong nag-angat ng katawan mula sa pagkakasandal sa upuan kahoy. Tinanggal nito ang nakasalpak na head set sa tainga nito.

Hindi ito nagtapon ng tingin sa kanya. She was expecting her to walk away. At handa na siyang pigilan ang kapatid. Ngunit hindi ito kumilos. Hudyat iyon upang magsalita na siya.

"I bought something." Panimula niya.

"Wala akong hinihingi." Malamig na sagot ni Anika.

"Alam ko." She said. "Here."

Kumilos ang mga mata nito upang tapunan ng tingin ang dala niya. Tiningnan niya ito ganoon din ang ginawa nito.

"Come on. Tanggapin mo na. Hindi madali ang ginagawa ko." Tila naiinip niyang saad. Noon siya tinapunan ng tingin ni Anika.

"Why it is hard for you to be nice to other people?" tanong na sagot nito. Umikot ang kanyang mga mata. Hindi pa man nagkakaayos ay mag-aaway na naman sila.

"Nikka, I'm sorry for what happened." saad niya.

Anika snorted. "Saan ka ba nagso-sorry? For slapping me or for that finally you realized that I'm right. Na miserable ka."

Natigilan siya. Sandaling nag-isip. Saka inilapag ang paper bar sa gilid ng upuan at tumabi sa kapatid niya. Umayos naman ng upo si Anika.

"Talagang iniisip mo na miserable ang buhay ko? Na hindi ako masaya?" tanong niya.

"Oo naman." Mabilis na sagot nito. Kumunot ang noo at akmang sasagot ng pigilan siya.

"Alright. I'm sorry din kung napagtaasan kita ng boses at nasabihan kita nang gano'n. Hindi ko naman sinasadya. Nadala ako ng emotion ko. I'm really sorry. As in super sorry." Sabi ni Anika.

"But. Come face it, Ate. Mas gusto mo ang mag-isa. Mas okay sa'yo na nagbabasa lang. Para kang internet na walang kwenta, laging disconnected."

She snorted. "Lumalabas naman ako ah. Kapag nagtatrabaho ako."

"Oo nga. And you call it going out? Napaka-literal mo talaga. Ang galing mong mag-justify. Hindi naman 'yon ang ipinapaliwanag ko sa'yo. I mean, going out as in unwinding. Feeling beautiful, being happy. Ate, hindi naman ako manhid. And I'm not stupid as you think. Alam ko naman ang ipinagkakaganyan mo eh. Matagal na 'yong nangyari kina Mommy at Daddy. At 'yong nangyari sa'yo dati. Wala na s'ya sa buhay mo di'ba? Maging masaya ka na. Don't be afraid to be happy again. Stop being bitter."

"I'm happy and I'm not bitter." Sabi niya ngunit tila may kudlit sa kanyang isip na hindi niya mawari.

"Ako ba ang kinukumbinsi mo? O sa sarili mo, Ate? Super fake, alam mo 'yon. I can't believe it." Sagot ni Anika saka tumayo. Inabot nito ang dala niya kanina. "Salamat dito. Peace na tayo."

Nakasunod lang ang kanyang mga mata sa kapatid habang papalayo ito. Hindi niya alam kung anong iisipin sa sinabi nito. Wala siyang magagawa kung naapektuhan man ito ng kagustuhan niyang isarado ang sarili sa mundo.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now