Chapter Twelve.1

5.9K 100 0
                                    

Darvin cannot take the distance. Kanina pa niyang pinapanood si Katelyn habang tahimik na kumikilos sa site. Hindi pa rin siya kinakausap ng dalaga simula nang dumating ito.

Limang araw na ang nakalipas mula nang mangyari sa parking lot. At magmula noon ay wala na siyang narinig mula kay Katelyn. Tinawagan niya ito kinabukasan ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone. He did try to call at the house. Ngunit si Anika ang nakausap niya at sinabing hindi naglalalabas ng kwarto nito si Katelyn. Nahihirapan nga daw ang mag-ina na kausapin ang dalaga.

Until today.

Nakita siya ni Katelyn nang dumating sa site. Nginitian niya ang dalaga ngunit parang itong walang nakita. Hindi na tuloy niya nagawang makalapit. Alam niyang galit pa rin sa kanya si Katelyn. Kaya lalong bumigat ang pakiramdama niya.

What must there was that made Katelyn refuse him? Mali naman ang inakala nito. Hindi niya nila niloko ni Anika si Katelyn. Nahihirapan na siyang amuin si Katelyn. Na parang mas lumala pa noong una niyang sinubukang lumapit sa dalaga. Mas lalo itong naging sarado sa kanya.

"Hi. Okay ka na?" bungad niya nang hindi niya matiis at lumapit na sa dalaga.

Kumilos ang mga mata nito upang tingnan siya ngunit muli iyong bumalik sa pagkakatungo sa FS report ng project.

"Bad mood?. Bad hair day? Okay naman ang buhok mo ah." Patuloy niya. Hinawakan pa niya ang buhok ng dalaga ngunit marahas itong umiwas. Lumayo ito sa kanya.

Darvin immediately felt the coldness. Nagbuntong-hininga siya upang kalmahin ang sarili. Kung dati ay natutuwa siya sa mga ganoong reaksyon nito ngayon ay iba na. Apektadong-apektado na siya sa nangyayari sa kanila ni Katelyn. Hindi na niya alam ang gagawin. Ayaw nang gumana ng utak upang makaisip ng tactics pra mapalapit sa dalaga. Galit na naman kasi ito sa mundo. At siya ang dahilan niyon. Dahil naniniwala si Katelyn sinaktan niya ito.

"May nakita akong bagong restaurant d'yan sa malapit. Samahan mo ako, kain tayo." Pagbabakasali niya.

"Ayoko." Napakaiksi at walang buhay nitong sagot. Tumalikod ito at lumapit sa nakalatag na mga plano.

"Samahan mo na lang ako kung ayaw mong kumain." Sinubukan niyang mangulit.

"Kasasabi ko lang na ayoko di'ba?" masungit nitong sagot at tumingin sa kanya. Kaagad niyang nasalamin ang tila pagod at malungkot na tingin nito. Pilit lamang iyong itinatanggi ng ikinikilos nito.

"Hindi ba pwede?" he insisted. Kung kinakailangang doblehin niya ang kakulitan ay gagawi niya.

"Fine!" padabog nitong sagot at naunang lumabas ng tent. Sumunod siya dito.

Nang makaabay siya dito ay kaagad niyang inabot ito at niyakap sa balikat. He expected her to get mad and yell but she didn't. Hinalikan niya ang ulo nito saka tumungo.

"Narito lang ako kung gusto mo ng kausap. Kahit ilang ulit mo 'kong awayin. Hindi kita susukuan. Mapatunayan ko lang sa'yong totoo ang nararamdaman ko." Bulong niya habang yakap pa rin ito habang naglalakad sila.

Wala siyang narinig na reaksyon mula sa dalaga. Hindi rin ito kumilos upang lumayo. Hinayaan lamang nitong nakahilig ang ulo nito sa kanya habang yakap niya ito. Lalo niyang hinigpitan ang yakap. Na parang sa paraang iyon ay matatanggal niya ang lahat ng mabigat nitong nararamdaman.

Without any word, Darvin felt her hurt. Alam niyang higit pa sa galit sa kanya ang dahilan nito kaya ito nagkakaganoon. That triggered her to be sarcastic towards life. Ngunit babaguhin niya iyon. Siya ang magpapakita ng saya sa dalaga. Tuloy pa rin ang pag-ibig niya para sa dalaga anuman ang mangyari.

"Kung sundin ko man ang sinasabi mo, sigurado kaya ako na hindi mo ako bibitawan? Eh inulit mo lang ang lahat, Darvin." narinig niyang sabi nito sa basag na boses at bumitaw sa kanya.

Naiwan siyang dahan-dahang bumabagal ang lakad habang pinapanood ang dalagang pumasok ng restaurant. Habang pakiramdam niya ay biglang humapdi ang puso niya.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now