Chapter Nine.2

6.2K 119 2
                                    

Walang gustong magsalita kina Katelyn at Darvin habang tahimik na kinakain ang ipinadeliver nilang pagkain. Pasulyap-sulyap si Katelyn habang kinakain ang roasted chicken. Ito naman at sunud-sunod din ang subo. Magkatabi silang nakalupagi sa gilid ng kwarto at nakasandal sa pader.

Nagbuntong-hininga siya.

"Salad?" sabi nito sabay alok ng salad na nakalagay sa maliit na plastic container. Tumanggi siya. Nakita niyang tumingin ito sa wrist watch nito.

"Alas tres na. Hindi ka pa pala nag-lunch. Kung hindi pa ako dumating hindi ka pa kakain. Siguro talagang hinihintay mo 'ko para sabay tayo kumain." Sabi nito sa kanya. Nakaismid siyang lumingon dito.

"Busy ako." Angil niya. Tiningnan niya ito saka inirapan. Tumawa ito.

"Sungit mo na naman." Sabi nito. "Ganyan ka ba talaga?"

"Hindi." Sagot niya. Tapos na siyang kumain kaya inayos niya ang carton at ibinalik sa plastic. Uminom siya ng malamig na tubig saka inilapag sa gilid niya.

"Alam ko." Anito.

"Alam mo naman pala. Bakit nagtatanong ka pa?" saad niya. Sumandal siya sa pader at pinagmasdan ang hindi pa natatapos na pintura. Napabuntong-hininga siya.

"Magkaibang magkaiba kayo ni Anika. Parang pintura sa pader mo, white and red." Sabi nito. Tumingin siya dito.

"Anika is aggressive, playful pero may limit. And she knows it. Ikaw, plain, uptight..."

"Boring." Dugtong niya. Napalingon ito sa kanya. Muli niyang tiningnan ang pader.

"Bakit nga ba? May dahilan ba?" tanong nito. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niyang seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Iniwan kami ng Daddy namin. Eleven years ago, he just left my Mommy crying. Bata pa lang si Anika noon. Hindi sinabi ni Mommy kung bakit nangyari 'yon pero alam ko na may iba nang pamilya si Daddy. Kitang-kita ko kung paano nasaktan si Mommy sa nangyari. Madalas, nakikita ko siyang umiiyak.

"Masakit panoorin si Mom na nasasaktan. Pero mas masakit pala kapag ikaw na ang nasaktan. I never thought that falling in love would be this hard. Akala no'n si Jed ang magtatanggal ng lungkot ko. Ang saya-saya ko no'ng ligawan n'ya 'ko. Kaya sinagot ko s'ya kasi mahal ko s'ya. Pero hindi pala magtatagal 'yon. Pinilit ko naman s'yang ipaglaban. Pero napahiya lang ako." Puno ng hinanakit at lungkot niyang saad.

"You have to forgive. Hindi dapat inaalagan sa puso ang galit. It is not healthy. Marami pang pangit na bagay ang pwedeng mangyari. Paano mo makakaya ang ng lahat 'yon kung iniipon mo ang sama ng loob mo. At isa pa, maaaring may dahilan ang Jed na 'yon kung bakit nangyari 'yon. Don't take it too hard. Ikaw rin ang nahihirapan." Tugon naman ni Darvin.

"Hindi ko ginusto 'to. Bakit kailangan ako ang mahirapan? Si Jed ang..."

"Hey." Malumanay nitong agap sa kanya. Umangat ang kamay nito at dahan-dahang inilapit sa labi niya. "Hindi mo na kayang ibalik ang nakaraan. Move forward. Patawarin mo na lang siya. Iyon lang naman ang gagawin mo."

Bahagya siyang lumayo sa binata dahil para siyang nakuryente sa ginawa nito. Ayaw lang niyang pansinin ngunit iba ang epekto ng lahat ng ginagawa nito sa kanya.

"Kate..." tawag nito. Napapikit siya sa pagtawag na iyon. His husky tired voice tickled to her heart.

"Anong kailangan kong gawin?" tila sumusuko niyang tanong. Walang salita siya nitong inabot at niyakap.

Alam niyang hindi mahigpit ang yakap ni Darvin ngunit tila hindi siya makahinga. Sa gulat o antisipasyon marahil. Ngunit mas nangibabaw ang kakaibang init niyang naramadaman mula dito. Ngayon niya naramdaman ang ganoon. Tila pinapawi nito ang lahat ng galit sa ama na inipon at itinago niya ng magatal na panahon. It only took warmth from a man.

"Tanggapin mo na lang ang nangyari. Sapat na siguro ang ilang taon na hinayaan mo ang sarili mong malungkot. May dahilan ka na para maging masaya." Bulong nito sa kanya.

Kitang-kita ni Katelyn ang gulat sa mukha ni Anika nang makita siya nito na bumababa mula sa 4x4 ni Darvin. Bahagya pang nakaumang ang bibig nito.

"Isara mo nga 'yan. Ang pangit tingnan." Pabulong niyang sita sa kapatid at hinawakan pa niya ang baba nito upang masara iyon. Nakasimangot itong tumingin sa kanya. Nasa likod niya ang binata.

"Hi, Kuya Darvin. So, how are you doing with Ate? Hindi ka ban a-torture?" bati at saad nito sa binata. Tiningnan niya ito nang masama kasunod ay nilingon si Darvin. Nakita niya itong nakangiti.

"Hindi naman." Sagot nito.

"What happened? Bakit puro pintura ang mga damit n'yo?" tanong na naman ni Anika sabay lingon sa kanya.

"Ate, pinahirapan mo namAn masyado si Kuya Darvin." Sita sa kanya ng kapatid.

"Shut up. Epal ka talaga." Ganting sita niya at iniwanan na niya ito upang pumasok sa loob.

"I'll go ahead." Biglang sabi niya Darvin at napalingon siya pabalik. Ngumiti na lang ito sa kanila at bumalik na sasakyan nito at umalis na.

Nang makalayo ito ay iniwan na niya si Anika sa labas ng bahay at pumasok na. Sumunod ito sa kanya.

"Nag-date kayo 'no?" Kaagad na tanong nito.

"Hindi. Nakita mo naman na puro pintura damit namin. Galing kami sa unit ko. Sandali." Sabi sabay hinto. Hinarap niya ito.

"Ikaw daw ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako?"

Nakita niya kaagad ang guilt sa ekspresyon nito. "Tumawag siya dito. Hinanap ka kaya sinabi ko."

Isang pagod na buntong-hininga ang ginawa niya. Panay iling niyang iniwan ito.

"Hindi talaga kayo nag-date?" pangungulit nito habang umaakyat siya ng hagdan.

"No!" pikon niyang sagot. Narinig pa niya ang pagdadabog nito ngunit hindi na niya pinansin iyon dahil tumunog naman ang cellphone niya.

"Hello?" patamad niyang sagot habang papasok sa kwarto niya.

"Gusto ko lang malaman kung nasa bahay ka na." anang tinig ni Darvin. Muli ay tila tumatalon-talon ang puso niya sa tuwa.

"Kaaalis mo lang hindi ba?" sagot niya habang tinatanggal ang flat shoes. Nahiga siya sa kama.

"Just making sure." Anito.

"Darvin, magkasama lang tayo kanina. I mean kani-kanina." Pasungit niyang tugon ngunit naroon na ang paglalambing. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti.

"Na-miss kita agad." Agap nito. Napatawa siya. "I like your laugh. Nakakatanggal ng pagod."

"Darvin-"
"Alright. Kailangan mo nang magpahinga. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Bye." Sabi nito at nawala na ito sa linya. Pangiti-ngiti niyang tinitigan ang screen ng cellphone niya. Mabuti na lang at mag-isa lang siya sa kwarto dahil baka nasita siya ni Anika sa lakas ng pagtili niya.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now