Chapter Twelve.3

6K 111 0
                                    

            "Ate." Narinig ni Katelyn ang tinig ni Anika. Matamlay siyang lumingon habang hindi kumikilos sa pagka-upo sa ibabaw ng batong railings nila.

Lumapit ito kasunod ang isang lalaki. He seemed same as age of her sister. Gwapo ito. Hindi maipagkakaila.

"Siya na ba si 'He'?" naitanong niya. Nagtaka ang lalaki at napangiti si Anika.

"This is Lance." Anito saka tumingin sa kasama. "Ate Katelyn ko."

"Hi, Good afternoon." Sagot ng binata. Inilahad nito ang kamay nito. Tinanggap niya iyon.

"Hi." Simple niyang sagot.

"Ahm..mag-a-unwind kami sa mall. Gusto mong sumama?" si Anika. Umiling siya habang nakaupo pa rin.

Tila mabigat na nagbuntong-hininga ito at nakatingin pa rin sa kanya. Alam niyang sinusubukan nitong aliwin siya. Nagpapasalama siya doon. But she was very down she can't even cry. Isa pa, mabigat pa rin ang loob niya dito.

"It's been a while na, Ate." Sabi nito.

"Just go." Simple niyang taboy sa kapatid niya.

"Ate, sana 'wag mo nang isipin na niloko ka namin ni Kuya Darv. Oo, nagpag-usapan namin 'yon pero wala naman kaming naging plano. He's into you na no'ng time na 'yon. Ate, alam namin na nasasaktan ka pero mas nasasaktan kami sa nakikita namin sa'yo. Lagi mo rin tatandaan na mahal ka namin ni Mommy."

"Narito pa pala kayo." Narinig nila ang tinig ng ginana na papalapit sa kanila. Napalingon sila dito. Dala nito ang wireless phone na tinatakapan nito ang mouthpiece ng kamay nito.

"Ayokong ma-late kayong umuwi kaya umalis na kayo." Pasimpleng paalalang taboy ng kanyang ina sa dalawa. Humalik si Anika sa kanyang ina at sa kanya. Tahimik namang ngumiti si Lance sa kanila saka iniwan na sila ng mga ito.

"May gustong kumausap sa'yo." Anang kanyang ina na inaabot ang telepono sa kanya. Hawak pa rin nito ang mouthpiece.

"Mom, ayoko." Tanggi niya na nasa isipan ay si Darvin ang nasa kabilang linya.

Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang binata matapos ang nangyari noong nakaraan. Tahimik siyang inihatid nito sa bahay nila. At sa buong panahong magkasama sila ay hindi itong nabigo na iparamdam sa kanya ang nararamdaman nito para sa kanya. Ganoon din ang gusto ng puso niya ngunit ayaw makisama ang isip niya. Hindi pa rin niya alam kung paano aalisin ang galit na nararamdaman para sa binata na siyang pumipigil sa kanya upang harapin ang pag-ibig na nagsisimula nang mamukadkad. She cannot just fall. Natatakot siyang saktan ng binata.

"Daddy mo." Saad ng kanyang ina. Napaangat ang likod niya. Bumilis din ang tibok ng puso niya. Hindi siya nakakilos upang kuhanin ang aparatu. Nakatitig lang siya sa kanyang ina na tila humihingi ng tulong dito.

"Kausapin mo. Ikaw na lang hindi nakikipag-usap sa kanya. Come on, try to hear his story." Pagkumbinsi nito sa kanya.

Inabot niya ang telepono. Saka nagbuga ng hangin. Hindi pa man ay nangingilid na ang luha niya. Hinawakan ng kanyang ina ang pisngi na parang nagsasabing naririto lamang ito para sa kanya. Noon niya inilapit sa tainga ang aparatu.

"H-hello?" halos walang tinig niyang anas.

"Kate?" Anang pamilyar na mababang tinig sa kabilang linya. Hindi pa man ay namalayan na lang ni Katelyn ang sarili na umiiyak.

"I'm sorry." Narinig niyang panimula ng daddy niya. "Hindi ko hihilingin na...patawarin mo ako ngayon dahil alam ko, Anak, kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa'yo. Anak, alam kong sa ngayon ay maiintindihan mo na hindi kami maaaring magsama ng Mommy mo."

"A-alam ko." Agad niya sa lumuluhang tinig. Tahimik siyang iniwan ng Mommy niya na nagkangiti sa kanya.

"Anak, alam ng Diyos kung gaano ako naghirap ng ilang taon dahil dala-dala ko ang kasalanan ko sa inyo. At inihingi ko na nang ilang ulit ng tawad ang lahat ng iyon. He knew how much I tried to love your mother. But...I'm really, really sorry. That is all can say to you. Mahal na mahal kita, Anak. Kayo ni Anika. But I cannot undone what I've done. Dahil masaya ako."

Katelyn was crying hard. Masakit marinig na mga huling salita ng kanyang ama ngunit hindi niya masisi. Ginawa lang nito ang nararapat. Hindi niya maaaring isisi ang lahat dito. Tamang ito ang umalis at iniwan sila. Ngunit naging mabigat din ang dahilan nito upang gawin iyon. Ang tangi na lang niyan magagawa ang buksan ang puso niya upang maintindihan at patawarin ito.

"Dad..." sambit niya sa gitna ng pag-iyak. "I missed you...so m-much."

"Same here, sweetie. I hope I can see one of these days. Siguro kapag bumalik na kami d'yan sa Pilipinas. I just have to arrange some things here at Texas." Tila basag ding tinig nitong sagot.

Pinahid niya ng likod ng palad niya ang kanyang luha at huminga ng malalim. Unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam niya. Tila napakalaking bigat ang nawala sa dibdib niya. Noon lamang siya muling umiyak matapos ang ilang taon. She was not crying like that for years. Binuhay niya ang sarili sa poot. Isinarado niya ang sarili sa magandang bagay na maaaring ihatid ng mundo. Lalo na pagdating pag-ibig. Hindi ba't nagawa pa niyang makasakit dahil lamang sa takot niyang magmahal at masaktan?

Nakaramdam ng kirot ang puso niya nang maisip si Darvin. She really felt guilty right away. Kasabay ng biglang pangungulila sa binata. Ngunit paano pa niya kakausapin si Darvin kung ilang ulit na niya itong ipinagtabuyan? Inisip niya na marahil galit na ito sa kanya dahil sa pagiging marahas niya. Nasaktan na rin niya ito.

"Thank you, Dad. Maaari ko nang harapin ang bagay na matagal ko nang tinatakasan." Sabi niya dito.

"Ano 'yon?" tanong naman nito.

She sighed. "Sabihin sa isang taon kung gaano niya ako binago. At kung gaano ako nasasaktan ngayon dahil sa ginawa ko sa kanya."

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Do you think he's worthy?"

She smiled bitterly. "Ang tanong, Dad ay kung nararapat pa ba ako para sa pagmamahal niya. I've been a fool for letting him go."

"Puntahan mo siya. Hinihintay ka lang niya." Sabi ng daddy niya.

"Siguro nga." Nasabi na lang niya.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu