Chapter Eleven.1

5.7K 100 0
                                    

Inabot ni Darvin ang kanyang kaliwang kamay at dinala iyon sa labi nito upang halikan. Mukhang nakagawian na nito iyon. But she felt good. Saka hindi pa rin binitawan iyon at inilagay na iyon sa kambiyo ng sasakyan nito. Magkapatong ang kamay nila dono. Itinuon na nito ang atensyon sa pagmamaneho.

"Salamat." Sabi niya. Ngumiti ito.

"Wala akong kinalaman 'don. Siguro destiny na rin ang naglapit sa inyo. It's time to let go." Sagot nito na nasa kalye ang tingin.

"Isa ka sa dahilan kung bakit nagawa ko 'yon." Saad niya. Saglit itong lumingon sa kanya at umiwas din.

"Bakit?"

She sighed. "Dahil mahalaga sa'kin ang mga sinabi mo. At saka dahil gusto ko nang maging masaya." Totoo sa loob niyang sagot. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"I'm really happy tonight." Panay iling nitong sabi. Hindi pa nito napaigilang tumawa. "Ilang gabi ko nang iniisip kung paano kita mapapasaya. I'm really worried. Dahil ayokong habang buhay kang ganyan. I want happiness for you, Kate." Umangat ang kamay nito at hiwanakan ang pisngi niya. Hinawakan naman niya ang kamay nitong nasa pisngi niya.

"Salamat talaga, Darvin. I would never forget this date. At nagpapasalamat ako na ikaw ang kasama ko." Taos puso niyang sagot.

"Pasalamatan mo si Anika." Sabi nito at tinanggal ang kamay sa pisngi niya. Lumipat na iyon sa manubela. "Kahit ako nagpapasalamat sa kanya. Dahil kung hindi kami nagka-usap nang araw na iyon ay hindi niya masasabi ang tungkol sa sitwasyon n'yo. Hindi ko malalaman ang tungkol sa ban dates ninyong dalawa. I know it was just a silly bet dahil alam kong gusto ko ang gagawin ko but I never-"

"Bet?" agap niya sa mahabang sinabi nito. Tiningnan niya ito. "Anong bet ang sinasabi mo? At saka sinabi sa'yo ni Anika na hindi siya pwede siyang makipag-date? Anong ibig sabihin nito, Darvin?"

Hindi kaagad ito nakapagsalita. Kung hindi ito nagmamaneho ay kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito. Biglang umahon ang galit sa kanya. Kung tama ang pagkakaintindi niya ay isang pustahan lang pala ng nangyayari. Na mayroon lang usapan ang binata at si Anika. Na hindi totoo ang lahat ng ipinapakita nito.

"Kate, wait. Before you conclude listen to me first. It was just a silly talk. Nabanggit lang sa'kin ni Anika na hindi siya pwedeng makipag-date unless you date. I...I just thought-"

"How dare you?" galit niyang agap dito. Taas baba ang dibdib dahil sa namumuong inis at galit hindi lang dito kundi pati na rin sa sariling kapatid. "Pumayag ka sa kalokohan ng kapatid ko para matupad ang gusto niya. Alam mo Darvin, I hate you! Itigil mo ang sasakyan. Bababa ako."

"Kate, sadali lang. It was just a bet. Hindi ko naman sineryoso 'yon. I really wanted to sue you. Kate naman-" sabi nito na hindi siya sinunod.

"Stop the car! Sinungaling ka!" Mariin niyang sigaw dito. Kuyom ang mga palad siyang nakatingin dito.

"Kate, please." Puno ng pagsusumamo ang tinig nitong tugon.

"No! Itigil mo ang kotse sabi. Bababa ako!" sigaw niya at tinakpan ang mga tainga. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin pa nito. Nag-iwas siya ng tingin at mariing pumikit. Saka hindi na napigil ang damdamin at nangilid na ang luha. Nang maramdaman niya ang pagtigil nila aty kaagad niyang binuksan ang pinto at bumaba.

"Kate! Let's talk. It is not like what you think." Ani Darvin na nakasunod sa kanya. "Kate!"

Wala siyang naririnig. Panay ang lakad niya at palingun-lingon kung may taxi na maaaring parahin.

"Kate, please." Ani Darvin nang makalapit sa kanya ngunit hindi niya ito nilingon. Panay na kasi ang pahid niya ng luha niya.

"Kate naman..."

Kaagad na umangat ang kamay niya nang makita ang isang taxi na paparating. Nang makahimpil ito sa tapat niya at wala na siyang sinayang na oras at sumakay na. Hindi na niya pinansin kahit panay pa ang pigil sa kanya ng binata.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now