Chapter Twelve.2

6K 98 1
                                    

Hindi naman nahirapan si Darvin na hanapin ang opisina ng NaWaJe Industries sa Tektile Tower sa Ortigas. Isang malaking kumpanya iyon at ito ang umoukupa ng pinakamalaking parte ng gusali.

Lakas-loob siyang pumunta doon kahit walang appointment sa tumatayong vise-president for operation upang makausap ito. Kahit hindi niya lubos na maintindihan ang sarili kung bakit ginusto niyang makita at makausap si Jed Ongpauco ay sumuong siya. Marahil malalaman niya ang sagot kapag nakaharap na niya ito.

It has been two weeks. At parang lumilipad sa kawalan ang utak niya. Ganoon na rin katagal na hindi niya nakikita ang dalaga. Hindi na ito bumalik sa resort. Ni tawagan o i-text ito ay hindi niya ginawa. He was confused. Nasasaktan na rin siya dahil kahit pa anong gawin niya ay itinataboy siya ng dalaga palayo. And he would be devastated for another day of empty wake ups.

"Mr. Zulueta?" tawag sa kanya ng receptionist nang iangat niya ang ulo mula sa binabasang broadsheet. "Kakausapin na po kayo ni Sir Jed."

"Thank you." Tugon niya habang inilalapag ang babasahin at tumayo. Ngumiti ang babae at inihatid siya sa opisina ng ginoo.

Maingat niyang binuksan ang pinto nang iwanan siya ng babae at kaagad na umikot ang mga mata niya upang nahapin ang kinaroroonan ng pakay.

"Come in." anang isang tinig. Mahinahon siyang pumasok at isinara ang pinto. Noon niya nakita si Jed na nasa gilid pala ng opisina at hawak ang isang libro. Ikinaangat ng kilay niya na hindit ito na business suit. Simple putting T-shirt sng suot nito at pantalon. And a skate shoes on his feet. Noon niya lalong napuna na mas bata ito kaysa sa kanya.

"How can help you, Mr. Zulueta? Mabuti natyempuhan mo 'ko dito. I am leaving tonight for China." tanong nito habang lumalapit sa mesa nito.

Umangat ang labi niya upang magsalita ngunit nauwi iyon sa pagbubuntong-hininga. Tumingin ito sa kanya. Umangat ang mga kilay nito.

"Maupo ka muna." Sabi nito nang makitang hindi siya kumportable. Sinunod niya ito at naupo sa abuhing visitor chair. Ito naman ay naupo sa executive table nito.

"So?" may inip saad ng ginoo. Tumikhim siya.

"It's Katelyn." Walang ligoy niyang sagot.

"What about my her?" tanong naman nito. He placed his hands over the table and tossed closer to him.

"A-ang totoo. Hindi ko alam kung paano ka kakausapin regarding..." he said but trailed off. Isang mabigat na paghinga ang ginawa niya.

"I love her." Isa iyong deklarasyon na hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ng ginoo ang sinabi niya. He must have lost in the idea of love for her. Ngunit iyon lamang ang nakikita niyang paraan upang lubos na maintindihan ang lahat. Ang kausapin ang dahilan kung bakit naging sarado si Katelyn sa pagmamahal.

Hindi ito sumago. Nakatingin ito sa kanya at alam niyang malalim itong nag-iisip. Or maybe he was trying to absorb his words. Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at muli siyang nagpatuloy.

"You're issue with her is way too personal but I..." muli siyang nagbuntong-hininga. "Hindi ako magawang mahalin ni Kate dahil natatakot siya. I can't-"

"I know. And I feel so sorry about it. Actually, pinagsisisihan ko naman talaga ang nangyari noon. Dahil sa mapusok ako no'ng high school kaya nagawa ko 'yon sa kanya. Nadala ako sa barkada. I was really frustrated na magka-girlfriend at that time. Si Katelyn 'yong nagkataong...pwedeng mag-fullfill no'n.

"Akala ko gusto ko talaga s'ya. Nag-eenjoy akong kausap s'ya. Akala ko magtatagal ang feelings ko. Pero...just like any other flings...you know. Kaya nakipag-break ako sa kanya. Naipahiya ko pa s'ya no'ng sinubukan n'yang makipag-balikan. Sinorpresa pa n'ya ako noon sa gym. But I ditched her. Sinabi kong hindi ko s'ya mahal. Na tigilan na n'ya ko." paliwanag nito.

Napatanga siya. Tila hindi nga madali ang pinagdaanan ni Katelyn kay Jed. Talagang nasaktan ni Jed ang dalaga.

"Kate is afraid to fall in love and I love her. At wala akong kinalaman sa nangyari sa inyo noon. But I-I can't just stand doing nothing. I want her to love me back. I need her." Mariin ang mga salita niya.

"I-I don't know what to say. Really. Matagal na 'yon. I'm serious when I said I regret what happened. Pero hindi ko na control si Kate. Sabihin mo. How can I help?" Sagot nito.

"Don't get me wrong." Hindi pa man ay muling saad nito. "Alam ko ang iniisip mo. Nasaktan ko s'ya. At alam ko ang ipinunta mo dito. I know how you feel. At humihingi ako ng dispensa kung naapektuhan man niyon ang relasyon mo sa kanya. But...things happen. If I could turn back those times, hindi ko gagawin 'yon sa kanya. I'm sorry, Dude."

Matabang ang naging ngiti niya. "Ah, wala kaming relasyon. Wala pa."

"Because she keeps on ignoring you." Sagot nito saka napangiti. "Women! Headaches sometimes."

Hindi niya magawang ngumiti sa biro nito. Dahil ang totoo ay natatakot siya na hindi na niya makuha ang damdamin ng dalaga. Kaya siya naroon ay upang humingi ng tulong.

"I'm asking for your help." Saad niya. Hindi na naman ito sumagot. Gustong manlumo ni Darvin. Kasabay ng nararamdamang inis dito. Tumungo siya upang kahit paano ay ikalma ang sarili. Parang bumigat ang pakiramdam niya.

"Paano? You want me to talk to her?" sagot nito. Nilingon niya ito sabay tuluyang nanlumo. Parang lalong bumigat ang pakiramdam niya. Hindi na siya nagsalita at tumayo na lamang matapos ang pananahimik. Ngunit nakakuyom ang kamay niya dahil sa pagpigil ng galit. Pakiramdam niya ay nagmumukha na siyang tanga. He looked and sounded so desperate. He barely know Jed. Ngunit naroon siya at nanghihingi ng tulong dito.

"Huwag na siguro. I guess I have to deal with it myself. I'm sorry kung nakaistorbo ako." May hinanakit niyang tugon. Lumakad na siya palabas ng kwarto bitbit ang tila sama ng loob. Naramdaman niya ang pagsunod nito.

"Sigurado ka ba na-" anito sa likuran niya na hindi na niya pinatapos dahil lumipad na ang kamao niya sa mukha nito. Natumba ito at sumadsad sa unahan ng mesa nito. Sadyang nasaktan ito dahil sapu-sapo nito ang panga. Nakangiwi at puno ng gulat itong nakatingala sa kanya.

Nilulusob ng pagsisisi si Darvin ngunit pinilit niyang huwag kumilos. Alam niyang mali ang ginawa niya. He shouldn't go over his temper. Marahil iyon lang ang kailangan niyang gawin upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdama niya.

Galit at nalilito niyang nilisan ang opisina ng mga Ongpauco.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum