Chapter Ten.3

5.7K 116 0
                                    

"That was fun." Hindi naitago ang pagpapaggap na pahayag ni Darvin habang papalabas ng theater. Nakaagapay siya dito.

Napatawa siya. "Oo nga eh. Enjoy na enjoy ka. Lakas pa ng hilik mo."

"Gano'n? Hindi ko napansin." Sagot nito.

"Hmmp."

Ginulo nito ang buhok niya. Pinigil niya ito. Kung kulitin siya nito ay parang walang tao sa paligid nila gayong marami silang kasabay na lumabas. Hindi tuloy maiwasan ng iba ng tumingin sa kanila.

"Sana may next time pa. Kahit ilang play pa 'yan papanoorin ko." Malambing nitong saad. Kinuha nito ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito. He kissed her knuckles.

Kulang mapasinghap si Katelyn sa ginawa nito.

"Umuulan pa rin." Paiwas niyang saad habang naglalakad sila. Nasa parking lot na sila noon. Magkahawak pa rin ang mga kamay. She was definitely aware of the gesture. Inaamin niya na nasisiyahan siya sa pagiging malapit nila sa isa't-isa.

Natatakot siyang mapagbigyan ang hiling nito dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili. Na baka isuko na niya ang puso para dito. Dahil lumalawig na ang nararamdaman niya para sa binata. That she care for him now more that anyone and more to herself.

"I guess kailangan nating hintaying humupa ang ulan. Ang worry ko lang, 'yong baha." Sagot nito kasunod ang isang mabigat na buntong-hininga.

"Ang lalim naman." Komento niya. Tumingin ito sa kanya. Humigpit din ang hawak nito sa kamay niya. She felt the warmth from him.

Nang malapit na sila kotse ng binata ay may napansin siya sa hindi kalayuan. Tumagal ang tingin niya doon hanggang parang biglang nanikip ang dibdib niya. Isang sasakyan lang ang pagitan mula kotse ni Darvin ay ang isang lalaki kasabay ang isang dalagita.

Tila namamanhid ang mga paang lumapit siya upang mas lalong makita ang pigura. Nais niyang makasiguro.

"Jed..." sambit niya nang makalapit. Hindi niya alam kung paano iyon lumabas sa labi niya ngunit iyon ang salitang namutawi. Habang nagsisimulang manginig ang buo niyang katawan.

Lumingon ang lalaki pati na ang mga kasabay nito. Kulang ang salitang gulat upang ilarawan ang reaksyon ni Jed niya nang makita siya.

"Kate..."

Hindi niya alam kung paano ilarawan ang nararamdaman niya noon oras na iyon. Ilang taon na rin ang lumipas at wala na sa hinagap niya na makikita pa ito. Parang tila ayaw tumibok ng puso niya.

"H-hi." Hirap na hirap niyang bati dito. At ganoon na lang ang paninigas ng katawan niya nang ngumiti ito.

"Hi. Ipapakilala ko sa'yo ang kapatid ko." Masayang sabi nito at tinawag ang kasama nito. "This is Naureen."

"Hi, nice meeting you...Ate Kate." Nahihiya pa nitong inaabot ang kamay nito sa kanya.

"Hello." Pigil na pigil ang pangingilid ng luha niyang tinanggap ang kamay nito.

"Kumusta ka na? You look...stunning." Sabi ni Jed. He was smiling but his eyes were like apologizing.

"I'm okay. Oh, by the way. S-Si Darvin." Nanghihinayang niyang sabi at nilingon si Darvin na tahimik lang palang nakamasid sa kanila. Lumapit ito.

"Hey, I'm Darvin Zulueta. " Pagpapakilala ng binata nang makalapit.

"Kilala kita. You are the famous architect from New York. PowerSite ang gumawa sa resort namin sa Batangas." Tugon ng daddy niya.

"Really?" Natutuwang sabi ni Darvin.

Nagbutong-hininga ito. "So, I guess sa ibang araw na lang tayo mag-usap, Kate. Masayang-masaya ako na nakita kita ngayon. I always wanted to talk to you."

"Wala na 'yon. Kalimutan mo na. We're grownups now."

Ngumiti ito. "I wish you all the happiness, Kate. Totoo 'yon."

Tumango siya at bahagyang ngumiti. Hindi madali para sa kanya ang kumalma habang kaharap ang taong minsang nanakit sa kanya. Mabuti na lang at kasama niya si Darvin.

"Thank you." Aniya.

"We're going." Sabi nito at umalis na kasama ng kapatid nito.

Naramdaman niya ang paglapat ng kamay sa balikat niya. Alam niyang si Darvin iyon.

"I know that guy." Sabi nito at kunot ang noo niyang nilingon ito. "That's Jed Ongpauco. A champion skaterboarder."

She smirked. "I know someone better."

Nagsalubong ang kilay nito.

"The famous architect from New York." Saad niya at napangiti ito.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Kde žijí příběhy. Začni objevovat