Chapter Eight.2

6.7K 130 0
                                    

Hanggang sa Grill party na ginanap sa bakuran ng Zulueta Mansion kung saan mga pili lang ang bisita ay hindi na humiwalay si Anika kay Darvin. Naroong kausap ang mga ito ng mga pinsan at kaibigan ng binata. May pagkakataong ang dalawa lang nag-uusap habang nasa harap ng grill.

Darvin seemed only being nice. Alam niya na hinahayaan lang nito ang kakulitan ng kapatid niya. Na alam nito na gusto lang ng kapatid niya makasama at makausap ito. That Anika was only being playful and a bit flirt.

At kahit naman ganoon ito ay hindi naman iyon sinamantala ng binata. In a way or so, Darvin still find his stand to enjoy their talk. Hindi nito ipinapahiya si Anika. Dahil na rin sa hindi boring kausap ang kapatid niya. Anika was bright as her tongue. May sense ang karamihan sa mga sinasabi nito.

Nabibilang na niya kung ilan beses silang nagkatinginan ni Darvin na siya rin ang unang nag-iiwas ng tingin. At sa kabila ng hindi maipaliwanag ng kanyang isip na nararamdaman ay alam niya at umaasa siya na sa kanya rin lalapit ang binata. That their every little move will turned to both side of them. Na magkakaroon din sila ng sariling pagkakataon.

Hindi niya kayang aminin na sa kabila ng pagkainis niya dito ay pilit pa rin lumilingon ang mga mata niya dito upang alamin kung nakatingin din pa ito sa kanya. Sa tagong bahagi ng puso niya ay naroon ang pangungulila para dito. Iyon ang hindi niya maintindihan sa sarili niya.

Nang mainip ay tumayo si Katelyn at naglakad-lakad. Nagkakasayahan ang karamihan. Gustuhin man niyang makisaya ay hindi naman niya kilala ang mga ito. Isa pa ay inaantok pa siya. Maghahanap na muna siya ng maaaring tambayan upang makaidlip kahit sandali.

Sa paglalakad ay muli niyang nataring Japanese garden sa likod. Nilakad niya ang tulad at pumasok sa gazebo. Naupo siya roon at nagiginhawahang sumandal. Sana'y wala kaagad makapansin na wala siya sa party dahil gusto niyang magpahinga.

Hindi pa nagtatagal ay namimigat na ang kanyang mga mata sa antok. She knew she would fall asleep any minute. Hanggang sa maramdaman niya ang pagkilos sa loob ng gazebo.

"Loner ka talaga." Bungad ni Darvin nang maimulat niya ang mga mata.

"Pakialamero ka talaga." Sagot niya.

Tumawa ito. "Sa wakas nakatakas din ako sa kapatid mo."

Hindi siya sumagot. Ayaw niyang gumawa ang kwentuhan dahil hindi siya kumportable na kausap ito.

"Gustung-gusto mo 'tong lugar na 'to. Bakit?" saad at tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Maganda."

"Parang ikaw." Agap nito.

In a blink of a second, her world suddenly froze. Lihim na nanigas ang kanyang panga at nawala ang isasagot niya.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" pagalit niyang tanong upang maiwaglit ang pag-iinit ng kanyang pakiramdam.

"Bahay namin 'to. Pwede akong pumunta kahit saan ko gusto, di'ba?" nakakaloko pa nitong sagot.

"At bisita ako. Pwede naman siguro akong mapagbigyan, di'ba?" she said to him.

"Ayaw mo ba akong kausap? I missed talking to you. Matatapos na ang party ni hindi pa kita nakukumusta kung okay na ang sugat mo." Sagot nito.

Mahina siyang nagbuntong-hininga. "Magaling na 'yan. Hindi ko naman siguro ikamamatay 'yan."

Ngumiti ito saka umiling. "Bakit hindi mo subukang sumagot nang maayos? Relax. Palagi ka na lang masungit. Smile."

Ngumisi pa ito na sinasabing ganoon din ang gawin niya. Isang pilit na ngiti ang ginawa niya.

"Try harder." Utos nito.

Tuloy Pa Rin Ang Pag-ibig (Published under PHR)Where stories live. Discover now