Chapter 4

6.4K 194 2
                                    

Kahit pa alas tres na ng madaling araw ay gising pa si Paris bumibyahe sakay ng magarang 2017 Lincoln Continental niyang kotse baybay ang kahabaan ng Bonifacio Global City kung saan papunta siya sa Bar na pinagtatatrabahuan ni Kirsten. Kahit pa may meeting siya mamaya ng alas-diyes ng umaga ay wala siyang pakialam, he can't bear not to see Kirsten even for a minute, kung pwede nga lang ay lagi niya itong itali sa kanya ay ginawa niya na, "Paris you're crazy." turan niya sa sarili.

Nakarating na sa destinasyon at pinarada na niya na ang kotse sa parking lot, pumasok siya sa loob ng Euphoria Bar.

Madaming tao kahit pa Lunes na ng madaling araw, halos kabataan ang karamihan. Hinanap ng mga mata niya si Kirsten, nakita niya itong naglalakad at may hawak na tray na may alak papunta sa grupo ng mga lalake na sa tingin niya ay mga nasa 20's palang. Pagkababa ng tray ay nakita niyang hinawakan ng lalaki ang kamay nito at pinipilit itong umupo sa puwesto nila. Nainis siya sa nakita at akmang lalapit siya at balak turuan ng leksiyon ang mga ito. Nakita niyang tinabig ni Kirsten ang kamay ng lalake at tinawag ang bouncer para sawayin ang mga binatilyo. Napanatag siya kahit paano, baka magulpi niya na naman itong mga ito katulad ng nangyari sa nambastos kay Kirsten nung nakaraan.

Lumapit siya sa may Bar counter at pinukaw ang atensiyon ni Kirsten na ngayon ay nagpupunas ng counter.

"Hi, gorgeous, I'm here to pick you up."

Tinignan lang siya nito at ipinagpatuloy ang pagpunas sa bar counter.

"Hindi mo naman kailangang gawin pa 'yon."

"I'm here to pick up what's mine, masama ba yun?" Pinagdidiinan pa ang salitang "mine".

Well, call him possessive because he really is. Especially with Kirsten, He was her first and he totally owns her now.

"Paris, I. Am. Not. Yours." She said, that left him speechless.

Nagpupuyos sa galit na umalis si Paris at pumunta sa kotse niya, dun niya balak antayin si Kirsten. Makakatikim talaga ito sa kanya.

"Fuck! How dare she humiliated me?" Napasabunot siya sa buhok sa inis.

Pag labas ni Kirsten ay agad niyang sinalubong ito ngunit nilagpasan lang siya. Hinila niya si Kirsten sa kamay.

"Not so fast lady!" Gigil na sabi niya, pilit na nagpupumiglas ito pero hinila niya at isinandal sa kotse. He then gently pulled her hair to lift her head up and then kissed her savagely. Kirsten was unable to move because his other hand was holding her. Nakahinga lang siya ng binitawan siya ni Paris. Hinihingal din ito sa ginawang iyon. Tinulak siya ni Kirsten pero hindi siya nagpatinag lalo niyang hinarang dito ang dalawang braso sa magkabilang gilid. Nilapit pang lalo ang mukha sa kanya.

He lifted her chin so she could meet his eyes.

"I hate it when you defy me. If you ever do that again, I'll punish you real hard!" There's a hint of warning in his every word.

Napakunot noo lang siya sa sinabi nito.

Sino ba siya sa akala niya para utusan ako. As if pag mamay-ari niya ako! Nakakainis talaga siya!

"Now, let's go." Hinila siya pasakay sa kotse kahit labag sa loob niya.

Hindi niya matiis ang katahimikan kaya nagtanong na siya.

"Saan mo ba ko dadalhin? Gusto ko na umuwi." Inis na sabi niya.

Tinignan siya ni Paris ng matiim. "No you're not going home yet. We'll eat first."

"Thank you na lang pero busog pa ako."

"I don't care! When I say we eat first. We will eat." naiiritang sabi ni Paris.

Tumahimik na humalukipkip na lang si Kirsten. Si Paris ang taong ayaw na tinatanggihan at hindi sinusunod. Well, hindi naman lahat ng tao mapapasunod niya. Sa isip isip ni Kirsten.

Tumigil sila sa isang mamahaling restaurant na located din sa BGC. Bumaba si Paris at pinagbuksan siya ng pintuan at niyakagag papasok sa restaurant. Kinausap nito ang manager at inihatid sila sa isang reserved table. Nilibot ni Kirsten ang paningin sa palagid at napansin niyang kaunti lang ang tao sa restaurant na iyon.

Sino ba ang matinong tao na mag di-dinner ng alas cuatro y media ng madaling araw? Natawa siya sa naisip.

So hindi pala normal si Paris? Hindi niya napigilang mapangiti. Hindi nakaligtas ang pag ngiti niya kay Paris.

"What's funny?" Curious na tanong nito.

"May bukas pa lang Fine Dine na 24hrs akala ko fastfood lang meron." pangbubuska niya.

Hindi na lang kumibo si Paris. Instead tinanong na lang niya ito.

"What would you like to order?"

"Well, Paris I'll give you the honor of doing that for me, As you see hindi ako kumakain sa ganito kasosyal na restaurant." Patuya niyang sabi.

Tinawag ang waiter at umorder siya ng "Porcini-Crusted Fillet Mignon with Fresh Herb, Mixed salad mango prosciutto and Cabernet Sauvignon."

Lahat ng inorder ni Paris ay hindi pamilyar sa kanya. Dumating na ang order nila at hinain sa hapag.

Hindi siya makakain ng maayos dahil panay ang titig ni Paris sa kanya. As if he is thinking of eating me instead. Pilyang isip niya. She just shrug her shoulder at nag focus na lang sa pagkain.

Napukaw ang atensyon niya ng magsalita si Paris.

"I'd like to know more about you Kirsten, I want to know everything about you."

"Don't you think it's a little bit late for that?"

"No, I guess not all."

"Well, let me introduce my self. My name is Kirsten Vera, 24, My father was a Filipino and my mother had a German blood. They passed away when I was young." malungkot na sabi niya.

"Any siblings?" Tanong ni Paris

Agad na umiwas siya ng tingin. "Wala, I'm all alone." may pait sa boses niya, hindi niya namalayang naikuyom niya ang kamao.

Nalungkot si Paris ng marinig na wala na palang magulang ito at mag isa na lang sa buhay, In a way nakikita niya ang sarili kay Kirsten.

"So ano pa gusto mong malaman favorite color, food, ano pa ba hmmm.. ilan na naging boyfriends ko?." nangaasar na tanong ni Kirsten.

"You know what, Kirsten? I'm happy that you shared some things about you and I'll be glad to know about your favorites, but not with how many relationships that you had." Naiinis na turan nito, halatang napipikon ng marinig ang salitang boyfriends.

"So, tutal nag tanong ka na rin lang tungkol sa akin, can I ask the same of you?"

"My apologies for the late introduction, I'm Paris Da Silva, 28, I own a Real Estate Business."

"That's all? How about family? Are you married?" paguusisa niya.

"My Parents were divorced and to answer your second question, Hon, do you think I will bed you if I'm already married." may pilyong ngiting sumilay sa mga labi niya.

Pagkatapos nilang kumain ay niyaya na siya ni Paris para umuwi. Hinatid siya nito sa bahay niya sa Makati. Bago umalis si Paris ay kinuha muna nito ang cellphone number niya. Nang akmang bababa na siya ay bigla siyang hinila at hinalikan ng mariin sa labi.

Mag iisang linggo na ring ganun ang set up nila. Minsan ay susunduin siya sa bahay niya at ihahatid sa trabaho o kaya'y susunduin siya at mag di-dinner sila sa labas bago umuwi. Pag off niya sa trabaho ay sinusundo at dinadala siya sa condo nito, normal na lang sa kanila ang pagniniig. Binigyan pa siya ni Paris ng spare key para sa condo nito, kulang na lang ay doon na siya patirahin.


Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now