Chapter 17

3.5K 95 5
                                    


Kirsten Schmidt Vera, 24, A Biology Graduate in UP Manila and took 1 year in College of Medicine in the same University. Panganay na anak siya ni Kara Schmidt, isang Filipino-German at Marco Vera na isang Full Blooded Filipino. Namatay ang kaniyang ama nung 2 years old palamang siya. Pero nag-asawang muli ang kaniyang mama nung 4 years old siya na tumayo ng papa sa kaniya. Tinanggap siya nito na parang tunay na anak, si Andrew Cuevo. 5 years old siya ng pinanganak ang kaniyang bunsong kapatid na si Kylie Cuevo.

Unang taon niya sa pagpa-proper med ng ma-diagnose ang mom niya ng colon cancer kaya napahinto siya sa pagaaral. Binenta rin ng amain ang truck services nila para sa gamutan ng kaniyang ina pero namatay din ito ng maglaon. Hindi matanggap ni Andrew ang pagkamatay ng asawa kung kaya't gabi gabi itong naglasing hanggang sa isang araw, umalis ito at hindi na nagpakita pa. Nakalimutan nitong may dalawa pang babae sa buhay niya ang may kailangan sa kaniya.

Simula non, tumayo ng nanay at tatay si Kirsten para sa nag-iisang kapatid.

Nakatulog si Kirsten sa kakaiyak sa maalikabok na sofa sa sala habang yakap ang paborito nitong picture.

Nagising si Kirsten sa masuyong paghimas ng mainit na kamay sa kaniyang buhok. Halos mahulog siya sa sofa ng makita ang kaniyang Papa Andrew.

"Papa!"

"Kirsten, I'm not tito Andrew."

"Jace?"

Mahigpit na niyakap ni Kirsten si Jace at nagiiyak ito sa balikat niya. Mahigpit din naman siya nitong niyakap at hinimas himas ang kaniyang likod para pakalmahin siya.

"I was so worried about you..." Naluluha ring sabi nito.

"And then I saw you on the news paper with Paris. What the hell are you doing, Kirsten?"

"I want to find Kylie... I need to find her! And if being near with that monster is the only way to find her, gagawin ko!"

"Hindi kami tumitigil sa paghahanap sa kaniya, hindi mo kailangang gawin 'yon."

2 Months ago

Hindi na mabilang sa kamay kung ilang ulit na nireview ni Kirsten ang CCTV clip na iyon sa kaniyang laptop. Para bang kinakabisado nito ang mga eksena sa bawat pagpalit ng segundo at minuto roon.

August 19 2017 1:20AM, laman ng CCTV clip ang kaniyang nakababatang kapatid na si Kylie Cuevo. Nakatayo ito sa tapat ng Euphoria Club kung saan ito nagtatrabaho bilang isang bartendress, naghihintay ng masasakyan. Pagkaraan ng ilang minuto ay may pinara itong puting cab, pero may grupo ng mga kabataan na nasa 4 na katao ang waring nakiusap dito na mauna na silang sumakay. Dahil narin siguro sa halos hindi na makatayo ang isa sa mga ito na akay akay pa ng dalawa dahil sa kalasingan. Pinauna naman ito ng kapatid. Pagkaraan ng apat na minuto, isang magarang sasakyan ang tumigil sa tapat nito. Sinilip ni Kylie ang driver, mukhang inaalok nito ang una na sumakay pero tumanggi ito.

Hindi nakikita sa CCTV kung sino ang sakay ng sasakyan, pero tiyak na nagiisa lamang ito. Binuksan ng driver ang pinto sa passenger seat mula sa loob. Tumangging muli si Kylie, ngunit sumakay din ng maglaon. That was the last time na nakita siya.

Hindi napigilan ni Kirsten ang mapaiyak nanaman. Mahigit isang buwan na itong hindi makatulog at makakain sa pagaalala. Ayon sa report, nagpaalam si Kylie na umuwi ng maaga dahil sa sinisinat siya. Pinayagan naman siyang umuwi pero bago maglunch time na itong nag-out.

Pagkataos ng 24hrs na mawala si Kylie ay inireport niya ito kaagad sa mga pulis. Pag dating nila sa presinto ng matalik na kaibigang si Jace, nakita niyang nakapaskil sa dingding ang mga mukha ng ilan pang mga dalagang nawawala. Ang iba ay isang taon ng pinaghahanap, 3 buwan, isang buwan, pinanghilakbutan siya sa takot.

Anong nangyayari?

Hindi alam sa Club na nawawala ang kapatidniyang si Kylie. Naniniwala pa nga ang mga katrabaho nito na sumama ito sa isang mayamang lalake para makaahon sa hirap. Halos mangudngod ni Kirsten ang babaeng nagsabi non laban sa kapatid niya pero nagpigil siya ng sarili at umalis.

Si Retired Inspector Teodoro Bautista, ang tito ni Jace ang tumulong sa kanila sa paghahanap sa kapatid niya. Sa katunayan, siya ang nakakuha ng CCTV footage na iyon mula sa establisyementong malapit sa Club kung saan ito nagtatrabaho. Nalaman din nito na ang sasakyang nasa video ay pagmamayari ng Businessman na si Paris Da Silva.

Doon nagsimula ang interes niya sa lalaki. Nag re-search siya tungkol dito, kung san ito naglalagi, mga hangouts nito, lahat ng tungkol sa kaniya. Ultimo sa pagkaing gusto nito, ang paborito nitong inumin hanggang sa paborito nitong kulay. Walang pinalampas si Kirsten na kahit anong impormasyon tungkol sa kaniya. Kinailanganniya ang lahat ng iyon para makalapit dito. Para maimbestigahan.

Under His Skin (Hiatus)Onde histórias criam vida. Descubra agora