Chapter 28

1.2K 23 12
                                    

"Hep, hep, san kayo pupuntang dalawa ha?" Nagkatinginan ang magkapatid na Xian at Yash nang mahuli sila ng tagapagbantay ng luma nilang bahay sa liblib na lugar na iyon.

"D'yan lang." Sagot ni Xian na may hawak na patpat sa kaliwang kamay habang ang kanang brasong sinemento ay may suot na arm sling.


"Huwag kayong lalayo, naiintindihan nyo? Magdidilim na. Baka kunin kayo ng mga engkanto." halos pabulong na banggit nito sa mga masasamang elemento.


"'Di naman totoo yun eh." Walang kagatul gatol na sagot ni Yash na siyam na taong gulang, 2 taong mas matanda kay Xian.


Nanlalaki ang mga mata ng matandang tagapagbantay na yumukod kay Yash para titigan ito sa mata.


"Akala ko rin noon, hindi sila totoo..." bakas sa mukha nito ang labis na takot.


inangilan naman ang matanda ng alagang golden retriever ng mga bata.


"Pag naaalala ko, pinapanayuan parin ako ng balahibo."


Kunot noo ang dalawang bata na halatang hindi manlang natatakot sa sinasabi ng matanda.


"Manong Goyo? Pwede po bang pakitingin yung tubo sa banyo? May tagas ho kasi, binabaha yung sahig." Tawag ni Samuel (ama ni Xian at Yash) sa matanda.


Pumasok ang dalawang ginoo sa loob ng bahay kaya nakatakas naman ang dalawang bata.


Malaki ang dalawang palapag na bahay na iyon na gawa sa laryo. Malawak ang patag na lupain kung saan ito nakatayo na natataniman ng matatayog na punong kahoy.


"Uy, alitaptap!"


"Kuya, hulihin mo dali!"


Binuksan ni Yash ang torch ng cellphone para ilawan ang daan. Bagamat pasado alas singko pa lamang, napakadilim na sa dakong iyon dahil sa lilim ng mga puno.


Nakita ng dalawang bata na hindi lamang iisa ang alitaptap na lumilipad lipad sa mga dahon ng puno. Manghang mangha ang dalawa sa ganda ng patay sinding ilaw hanggang sa nagsawa sila at mamalayang malayo na sila sa kanilang bahay at tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paligid.


"Harry? Harry!" tawag ng dalawang bata sa alaga nilang aso. Naririnig nila itong kumakahol mula sa malayo kaya sinundan nila ang pinanggagalingan ng kahol.


Nagsimula silang matakot dahil wari bang may mga matang nakatingin sa kanila na nagtatago sa likod ng mga punong naroon.


"Harry! Harry!" Muli tawag nila sa kanilang alaga.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now