Chapter 8

5.3K 131 10
                                    


Kinabukasan maagang nagising si Kirsten, pumunta sa kusina at naghanap ng mailulutong pagkain. Nagtoast ng bread at nagprito ng scrambled eggs with spinach, nag brewed na rin siya ng coffee. Napaigtad siya ng biglang may yumakap sa likod niya habang naghahanda siya ng pagkain sa hapag. Inamoy amoy at hinalikan siya sa leeg. Napapiksi siya dahil nakikiliti siya sa ginagawa nito.

"Paris, ano ba? Stop it!"

"I can't. You're so beautiful in the morning." Paglalambing nito.

"So at night hindi na ako maganda?"

"Of course you're beautiful any time of the day."

"Kirsten, I send someone to fix your hair and make up." Dagdag nito.

"Can I not go to this party?" Tanong niya.

"No! I want you there." Niyakap siya ng mas mahigpit ni Paris at malalim na bumuntong hininga.

"Okay." Nasabi na lang niya bilang pagsangayon. Naramdaman niya ang pagguhit ng ngiti sa mukha ni Paris.

Maya maya pa'y dumating na ang evening gown na isusuot niya pati ang tuxedo na binili ni Paris kahapon sa boutique. Sumunod ding dumating ang make-up artist na si Juno, inayusan siya nito, naka chic braided bun ang ayos sa buhok niya. Tinulungan siya ng make-up artist para maisuot ang evening gown. Pagkatapos siyang ayusan ay umalis na ito. Paglabas niya ay nakita niya si Paris na nakabihis ng navy blue nitong tuxedo at ikinakabit ang cuff links. Guwapong guwapo itong tignan sa naka brush up na buhok at sa unshaved facial hair. Nag angat ito ng tingin at namangha ng makita siya. Lumapit ito sa kanya at matiim na tumitig. He gently touched her cheeks.

"It's a good thing there's a party tonight or I couldn't stop myself having you right now." He whispered in her ear, he pulled her waist towards him and gently kissed her lips.

Pinunasan ni Kirsten ang lipstick na dumikit sa labi ni Paris.

"Ewan ko sa'yo. Halika na, baka ma late pa tayo."

Napingiti na lang si Paris sa tinuran ni Kirsten at inaya siyang lumabas.


8:00PM Manila Hotel

Asia's Business Tatler Ball. Isa sa pinakamalaking event sa buong Asya na ginaganap ngayon sa Pilipinas, kung saan nagtipon tipon ang mga malalaking Businessmen. Isa sa laging imbitado ay si Paris Da Silva hindi nawawala ang pangalan nito sa listahan.

Pagpasok nila sa entrance ng hotel ay sinalubong sila ng mga paparazzi. Nagkikislapan ang mga camera habang kinukunan sila ng litrato. Naasiwa si Kirsten sa sitwasyon, hind siya sanay, bago sa kanya ang ganitong mundo. Nasilaw siya sa nagkikislapang camera kaya hinila siya ni Paris atagad na pumasok sa bulwagan na in-escort-an ng security. May mga pulitko, artista at mga socialites din na imbitado na suot ay mga designer gowns, at mga mamahaling alahas na nakakasilaw sa kinang. Wari'y nagpapatalbugan sa isa't-isa. Napatingin sa kanila ang mga naroroon. Maymga humahanga at meron ding mga matang mapanuri. Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Paris, pinisil naman ni Paris ng mahigpit ang kamay niya para i-assure siya.

"Everything will be alright. Trust me."

May lumapit sa kanila at kinamayan si Paris, pinakilala din siya nito ngumiti lang siya ng bahagya, naguusap ang mga ng ito ng tungkol sa business. Nagpaalam siya kay Paris at nagsabing pupunta siya ladies' room.

Pagkapasok niya ay tinignan ang sarili sa salamin at malalim na bumuntong hininga pilit na pinapakalma ang sarili. Nanatili siya roon ng ilang minuto bago napagpasiyahang bumalik na sa party. Pag labas niya ay hinanap ng mga mata niya si Paris. Nang makita niya ito ay agad siyang lumapit dito.

Under His Skin (Hiatus)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant