Chapter 12

5K 117 4
                                    


Pagkatapos nang mahigit 16 Hours na flight papuntang France, ay nakarating na sila sa Charles de Gaulle Airport sa Paris. Paglabas nila ng airport ay may sumalubong sa kanilang limousine. Habang bumabaybay ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada ay hindi napigilan ni Kirsten mapatingin sa bintana, France napaka-romantikong lugar. Kitang kita ang sikat at napakataas na Eiffel Tower, nadaanan din nila ang Notre-Dame Cathedral napahanga siya ganda ng mga ito.

Hinawakan ni Paris ang kamay niya at bahagyang pinisil ito. Masuyo itong tumingin sa kanya.

"I'll take you on a date inside the Eiffel Tower."

"Huh? It's ok hindi mo naman kelangan gumastos para sa date, masaya na ako dahil nakarating ako dito sa France."

"Silly, this trip will not be complete without experiencing the Eiffel Tower."

Sumangayon na lang siya rito. Pagkaraan ng isang oras ay nakarating na sila sa Four Seasons Hotel George V, French architecture ang desinyo ng hotel. Napakagara, sigurado si Kirsten na napakamahal ng rate para sa isang gabing pag check in.

Kinuha na ng hotel staff ang kanilang bagahe. Lumapit s Paris sa reception para i-confirm ang reservation.

"Bonjour monsieur et madame." Bati ng staff at ang mismong Manager ng Hotel ang nag-asikaso at naghatid sa kanila sa Penthouse.

Sa tingin ni Kirsten ay palagi si Paris sa hotel na ito. VIP ang treatment sa kaniya ng mga staff.

Pagpasok sa Penthouse ay bumungad agad sa kanya ang mamahaling muebles at pigurin na nakalagay sa kwartong iyon, lumapit siya sa French window at binuksan iyon dumapyo ang malamig na hangin sa kanyang mukha at pinagmasdan niya ang makinang na ilaw ng Eiffel tower. Niyakap siya ni Paris sa likuran at idinampi nito ang labi sa kanang balikat niya.

"Are you enjoying the scene?" Malambing na tanong ni Paris.

"Yes, it's very beautiful here." She said with a glimmer in her eyes.

"I know but you're more beautiful than this place Cheri."

Pinihit siya paharap ni Paris at bahagyang itinaas ang kanyang baba para magtama ang kanilang mga paningin. Dahan dahang bumaba ang labi ni Paris para halikan siya. Hinalikan siya nito ng mariin at may pagsuyo at buong puso naman niya itong tinugon. Nadala siya sa romantikong atmosphere ng lugar.

Si Paris ang unang bumitaw sa halikan nila.

"Let's have dinner."

Eksaktong may kumatok sa pintuan na agad namang binuksan ni Paris, may dala ang hotel staff na food trolley at inihain sa mesa ang mga pagkain dala dala. Mayroong French Onion Soup, Broccoli Beer Cheese Fondue, Fillet beef rossini at para sa dessert ay Chocolate delice with rhubarb and elderflower ice cream, nagsalin din ito ng red wine sa 2 kopita.

"Bon appétit!" Sabi ng waiter pagkatapos mag serve at umalis na ito.

Tahimik lang silang kumakain. Hindi mapigilan ni Kirsten na magmasid at humanga sa tanawin dahil kitang kita ito dahil nasa veranda sila nakapuwesto. Pagkatapos kumain at makapagpahinga ay inaya siya ni Paris mag swimming.

"Let's take a dip." Panakay sabi nito.

"Huh?" Napatanga niyang sabi.

"We'll take a swim, come on let's go." Paanyaya ni Paris.

"As in now? Pwede bang bukas na lang?"

"It's better to take a swim at night, now put your bathing suit on."

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now