Chapter 15

3.7K 87 0
                                    

Tumunog ang door bell ng tinutuluyang condo ni Kirsten ng umagang iyon ng lunes. Nang sumilip sya, isang delivery boy na may dalang bouquet of roses ang nasa likod ng pinto. Pinagbuksan nya ito.

"Good morning, Ma'am! Special delivery for Ms. Kirsten Vera." nakangiting bati nito sa kanya.

"Sa akin? Ah, okay. Thanks." She signed the delivery form, nagpasalamat dito at muling ipininid ang pinto.

Inamoy nya ito at tiningnan ang card na nakaattach dito, galing ito kay Paris.

Hay nako.

Napailing sya habang natatawa ng maalala ang panunukso nya dito ng bigyan sya ng bulaklak ng pamangkin nitong si Carlos.

Kinuha nya ang phone at sinendan ito ng SMS.

"Thank you. But Lilly is my favorite flower."

Mabilis na tumunog ang phone nya para sa notification ng reply nito.

"My bad. :'("

Tawang tawa si Kirsten sa emoticon.

Tumunog uli ang kanyang phone.

"I love you." Ang sabi nito.

Sobrang bilis ng tibok ng puso nya. That was the second time he said that he loves her. The first time was when he thought she was sleeping, naramdaman nyang hinahaplos nito ang kanyang pisngi at sinabi nitong mahal sya. Hindi nya alam kung papaanong sasagutin ito kung kaya mariin lang niyang ipinikit ang mga mata. 

Hindi nya napigilan ang isang malapad na ngiti, kinikilig sya!

Simula ng bumalik sila mula sa bayan ng mga ito sa San Luis, iba na ang naging takbo ng kanilang pagsasama, hindi na sila madalas mag-away.

"What?" Natatawang tanong ni Paris sa kanya habang kumakain sila ng dinner sa isang restaurant. Nakatitig lang kasi sya rito habang nagkukwento ito.

"Ha?"

"Kanina ka pa nakatitig sa mukha ko?"

"Ah, wala, wala. May naisip lang ako." Pagpapalusot nya, dahil hindi nya napansing napatitig na pala sya sa gwapo nitong mukha.

Napakaromantic ng ambiance, candle lit dinner ang pinrepare ni Paris para sa kanya sa gabing iyon. 

"I thought, you find me handsome." biro nito.

"Ang kapal mo." natatawang sagot nya. 

"So you find me ugly then?"

"No! Of course not!"

Inilapit ni Paris ang mukha nito sa kanya habang ngiting ngiti at nakataas ang kaliwang kilay.

Inilayo nya naman ang mukha mula rito at itinaas ang mga daliri para sumenyas

"Pogi ka ng kaunti." 

"Kaunti?" Namamanghang tanong ni Paris. 

"Pogi ka ng kaunti sa lahat ng mga lalaking narito." bulong niya rito.

At bigla syang napapalatak sya sa isang matunog na tawa. Bigla kasing nagblush si Paris.

Maya maya'y napansin nyang nakatitig na ito sa kanya. Hinawakan ang kamay nya at pinisil.

"You're making me happy, Kirsten." sincere na sabi nito, seryoso talaga itong nakatingin sa kanya. Waring binabasa ang mga mata nya.

Ngumiti sya at gimanti ng pisil sa kamay nito.

"You're making me happy too." pagamin nya.

 Totoong masaya sya. At ngayon nya lang naramdaman ang ganung damdamin para sa isang lalaki.

Siniil sya ng halik ni Paris, at malaya nyang sinunod ang puso. Ipinikit nya ang mga mata at gumanti ng halik dito.

"I love you..." ang sabi nito.

Pero imbes na gumanti sya ng I love you dito, hinawakan nya ito sa pisngi at muli nyang dinaluhan ang mga labi nito sa isang halik na sya ang mismong gumawa sa unang pagkakataon upang ipadama rito ang kanyang sagot.

***

Matagal ang pagkakahithit ng isang lalaki sa paubos ng sigarilyo bago niya ibinuga ang makapal na usok nito sa loob ng sasakyan kung nasaan sya. Malayo ang mga mata nito na tinatanaw ang magandang babae na nakatayo sa labas ng Euphoria Bar. Malakas ang tibok ng puso nya, para bang nararamdaman niyang halos lumabas na ito sa kanyang dibdib, umiinit din ang kanyang mukha at sumilay ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi. Ilang araw narin syang nagkakasyang tanaw tanawin lang ito mula sa malayo.

Maganda ang babae, nakasuot ito ng polo shirt na puti na hapit sa katawan nito at nakamaong na pantalong itim. Nakapusod ang buhok ngunit ang ilang hibla ay nahulog na sa maamo nitong mukha. Pumara ito ng puting cab pero isang grupo ng mga customer mula sa bar ang naunang sumakay at naiwan uling naghihintay.

Binuhay nya ang makina ng sasakyan at nagsimulang umandar papunta sa babae at hinintuan ito.

"Hey, hop in!"

Tiningnan sya ng babae at nakilala.

"Ay naku, Sir, salamat pero wag na po." Nahihiyang ngumiti ang babae sa kanya.

"Come on, wag ka ng mahiya. Pauwi narin naman ako." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan mula sa loob para rito.

"Okay lang po talaga ako. Salamat." Sincere na ngumiti ito sa kanya. Ang ganda nito.

 "I won't really take that for an answer, let's go." 

Nakangiting sabi nya sa babae. Napakagwapo niya, sinong babae ang bibigo sa isang tulad nya? Nakabagsak ang makapal at dark brown nito na buhok hanggang sa kanyang kilay. Malalamlam ang kulay dayuhang mga mata.

Nagaalangan parin ito pero sumakay nadin sa wakas.

"Thank you."

Lumapit sya sa babae at ikinabit ang seatbelt nito. Napakalapit ng mukha nila sa isa't isa. Naamoy niya ang pabango nito, napapikit pa sya ng malanghap ito.

Nilock nya ang pinto ng sasakyan at nagsimulang magmaniubra paalis ng lugar.

--

Hindi pamilyar si Kylie sa kalye kung saan sila nagsuot, palihim nyang sinulyapan ang katabi na nagdadrive. Dinukot nya ang cellphone para itext ang ate nya pero lowbat na ito.

"May dadaanan lang tayo saglit ha." Mukhang nabasa nito ang naisip nya at ngumiti ito sa kanya.

Napakagwapo talaga nito. Mukha syang anghel na bumaba sa lupa. Nawala ang munting kaba na umusbong sa puso nya.

Tumango sya, at gumanti ng ngiti dito.

Pero mahigit 20 minuto na ang lumilipas, mas hindi nya na nakikilala ang mga kalye na kanilang dinaraanan.

Lumalamig din ang hangin na ibinubuga ng AC.

Bumibilis ang takbo ng sasakyan.

Halos marinig na nya ang tibok ng puso nya sa kaba.

Ibinuka nya ang bibig upang magsalita, ngunit pagkabig ng lalaking kasama nya ng manibela sa 2-way na kalye sa kaliwa, marahas na nagpreno ito dahil muntik ng may mabunggo itong sasakyan.

Napasigaw sya sa sobrang gulat.

Mabuti nalamang din at kinabitan sya ng seatbelt ng lalaki kung hindi ay humampas ang kanyang ulo sa dashboard ng sasakyan. 

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now