Chapter 11

4.6K 123 2
                                    


Umagang umaga ay laman ng balita sila Paris at Kirsten, nagulat si Kirsten pagbukas ng pahina ng Manila Today ay nasa headlines sila ng society page: Paris Da Silva: Bachelor no more? Who is this mystery lady? Patuloy niyang binasa ang article at nakita ang iba't ibang angulong kuha nila. Tinignan niya rin ang isa pang newspaper at nakitang panay balita din ito patungkol sa kanila ang nasa society page. Nanlumo si Kirsten at naisip niya na kung gaano ba kayaman si Paris Da Silva at pinagkakaguluhan ito ng ganito.

Lumabas si Paris ng Kwarto at nakitang nagbabasa siya ng diyaryo.

"Morning." Bati niya akmang hahalikan si Kirsten pero umiwas ito.

"What are these?" Binigay sa kanya ang newspaper.

Sinulyapan lang ni Paris ang mga balita, halatang hindi na bago sa kanya ang malagay sa mga society page.

"Don't mind them. They can write what they want." Pagkikibit balikat nito.

"Who are you really? How rich are you?" Curious na tanong ni Kirsten.

"Well don't make this a big a deal." Pagbabalewalang sabi ni Paris.

"Not making it a big deal? Paris if it doesn't concern you, then for me it is. I'm not used to this. I don't want someone to interfere with my life." Naiinis na sabi ni Kirsten.

Hinawakan siya sa balikat ni Paris.

"Kirsten, I owned a real estate empire not only here in the Philippines but also in other countries, so expect a lot of good and bad articles about me."

Tinignan siya ni Kirsten ng may pagaalinlangan.

"I will not put your safety in jeopardy, anyone that would write foul articles about you, I'll make sure they'll pay."

Hinalikan siya sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Come on don't sulk, let's eat breakfast, I'll go to the office after."

Pagkatapos nila mag-agahan ay umalis na si Paris at pumasok na sa opisina.

Pagkapasok niya ay agad niyang tinungo ang swivel chair at naupo. At agad nag dial sa kanyang cellphone.

"Matt go to my office I have a task for you."

"Yes Paris I'll be there in a bit." Sagot ni Matt sa kabilang linya.

Binuksan niya muna ang laptop at tinignan ang email, inisa-isa niya ang email panay tungkol sa proposals about new project ang laman niyon. Biglang kumatok si Matt, agad niya itong pinaunlakan pumasok.

"What's up?" Takang tanong ni Matt.

"Have a seat. I'll be out of the country for a few days and I want you to take care of the company while I'm away."

"Oh out of the country? That's new for you' are you going to bring Kirsten with you?" Mausisang tanong ni Matt.

"Of course, I will not leave her here specially.." Napatigil siya sa sinasabi, ayaw niya malaman ni Matt na kaya ayaw niya iwan si Kirsten ay dahil kay Franz. Matinik ito sa babae mahirap na isip isip niya.

"You know what Paris you really need that' out of the country, chilling out. Lately you are so busy with the company. No worries I'll take care of everything while you're away." Paniniguro ni Matt.

Hindi siya nagdududa sa katapatan ni Matt dahil pinalaki ito ng pamilya niya. Tinuring na niya itong nakatatandang kapatid. Mabait, masunurin at kahit minsan ay hindi ito na link sa gulo o sa babae. Minsan naglolokohan sila tungkol sa kasarian nito ay hindi man lang ito napipikon. Hindi ni minsan nagpakilala ng babae sa kanila ang kaibigan. Pero sa gwapong lalaki nito impossibleng wala itong babae. Siguro ay napaka discreet lang nito sa pakikipagrelasyon.

"Well yeah bro I'll leave all to you." Tinapik niya si Matt sa balikat.

"Sure!" Nakangiting sabi ni Matt.

"What country are you going?"

"We're going to France."

"Whoa! Bro, the city of love! So does that mean that you're saying goodbye to being a bachelor?" May himig birong sabi ni Matt.

Ngumiti lang si Paris.

Bago siya umalis ng opisina ay binilinan niya si Matt ng ilang mga importanteng dokumento at mga meetings na kelangan niya i-review at puntahan. Binilinan din niya ang sekretarya niya na ito na ang bahala sa schedules at i-assist si Matt sa mga meetings.

Alas Otso-pasado na siya nakauwi sa condo. Pag-pasok niya ay dumiretso siya sa living room nakita niyang nakaupo sa couch at nanunuod ng tv si Kirsten. Tinabihan niya ito at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Hey how's your day?" Tanong niya kay Kirsten.

"Well same old. Just watching tv while waiting for you." Walang ganang sabi nito.

"Are you not going to ask me how's my day too?" Parang batang tanong niya.

Niyakap niya ito at hinalikan sa labi.

"I'm hungry." Bulong niya rito sa pagitan ng mga halik.

Tinulak siya ni Kirsten. "Oh yeah! I cook some pasta, let's eat." Yaya ni Kirsten.

Akmang tatayo si Kirsten pero hinila siya nito paupo sa kandungan nito.

"Silly, I'm not hungry for food. I like to eat you instead." Pilyo nitong sabi.

Pinanlakihan niya ito ng mata at bigla siyang tumayo at iniwan ito. Natatawang sinundan siya nito sa dining area. Naghahanda na siya ng dinner nila. Hinila na nito ang upuan at nagsimula na silang kumain. Napasunod sunod ang subo nito ng pasta, magaling magluto si Kirsten. Magana siyang kumain kapag ito ang nagluto.

Napansin niyang tahimik lang si Kirsten na nakatitig sa kanya.

"Nakakatunaw ang titig mo' may mali ba sa mukha ko?"

Natawa lang lang si Kirsten at kumuha ng tissue ng madiing pinunas sa bibig niya.

"May sauce ka sa bibig, para kang bata!"

"Aww! That hurts! Please be gentle with my lips, I still need it for kissing." Natatawang saway niya rito.

Inikot lang ni Kirsten ang mata niya. Para namang napaka precious ng lips nito, unconciously napatingin siya sa labi nito ilang beses bang ginamit ni Paris ang labi nito para mapaligaya siya? Namula sa naisip niya.

"You naughty girl I know what you're thinking! You knew how my lips could give you pleasure." Nanunuksong sabi ni Paris.

Tumikhim si Kirsten. Iniba ang usapan. "How was the pasta?"

"It's good. And delicious. Like you."

Napasimangot si Kirsten. Kaya bigla siyang nagseryoso.

"Well you're a good cook! I think I should marry you then."

"Thanks though but I'm not ready for marriage yet."

Tinignan lang siya ni Paris ng matiim, gusto niyang usisain si Kirsten kung bakit ayaw pa nitong magpakasal, pero siya rin naman ay hindi pa handa sa ngayon pero isa lang ang nasisigurado niya na si Kirsten na ang gusto niyang pakasalan pagdating ng panahon.

Siya ang unang nagbasag ng katahimikan. Sasabihin na niya rito ang planong pagpunta sa France.

"Do you have a passport?"

"Yes. Why?" Nagtatakang tanong ni Kirsten.

"Good! Because you're coming with me to France." Kaswal niyang sabi.

"France!? Eh teka ano ba gagawin natin doon at saka bakit kasama pa ko, pwede mo naman ako iwan dito."

"Iwan? Do you think I'm just going to leave you here? Of course not!

"It's just that I have never been out of the country before."

"No buts we're going to France. That's final."

Pinaayos na ni Paris ang visa nila at nag pa book na ng first class na ticket sa isang kilalang airline. Bukas ay aalis na sila papuntang France.


Under His Skin (Hiatus)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu