Chapter 6

5.4K 165 4
                                    

Alas dos pa lang ng madaling araw ay nagising na siya. He's excited to tell her about his plans. Nagmamadali siyang mag shower at nagbihis. Tinungo ang sasakyang naka-park sa basement.

Dumating siya ng alas-tres at napag-pasiyahang mag stay na lang sa kotse habang inaantay si Kirsten. Hindi siya mapakali at inip na inip na sa bawat minutong lumilipas. Sa isip isip niya ay baka hindi pumayag si Kirsten, pero naisip rin niyang walang puwedeng tumanggi sa isang Paris Da Silva.

Tinawagan niya si Kirsten, agad naman itong sumagot.

"H-hello Paris."

"Are you done? I'm here at the Parking lot, come outside."

"Yes, I'll be there in a bit magpapalit lang ako ng damit."

"Gusto mo ba tulungan kitang magpalit para mas mabilis?" Pilyong tanong nito.

"No! Kaya ko sarili ko, 'kay bye."At binabaan siya nito ng phone.

Pagkalabas ni Kirsten nakita niyang nakasandal na si Paris sa Kotse nito at inaantay siya, pinagbuksan siya nito ng pinto. Agad siyang sumakay. Nagtaka si Kirsten dahil ang daan na binabagtas ay hindi papunta sa bahay niya.

"Paris saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ni Kirsten.

"Sa condo ko." Maiksing sagot ni Paris.

"Pero may pasok pa 'ko mamaya, puwede bang sa off ko na lang tayo magpunta sa condo mo?" Naisip ni Kirsten na baka hindi na naman siya patulugin nito. Paris is such an insatiable lover.

"Hindi puwede! I need to talk to you." may diing sabi nito.

"Ano ba yun? Pwede mo naman sabihin sa akin ngayon na." Pangungulit niya.

"Shh.. Just relax malalaman mo rin." Pagsansala ni Paris sa mga tanong niya.

Tumahimik na lang si Kirsten at pinbayaan na si Paris sa gusto. Nakarating na sila sa condo nito. Inalalayan siyang umupo sa couch at umupo sa tabi niya.

"I want you to move in with me Kirsten. You have to quit your job and let me take care of you."

Napatingin si Kirsten sa kanya, halatang nagulat pero bigla ring nakabawi.

"What? You want me to quit my job and live here with you?" Naguguluhang tanong ni Kirsten.

"Yes!" Confident na sagot ni Paris.

Natawa ng pagak si Kirsten. Kinabahan naman si Paris. Tumatanggi ba ito?

"Siguro para sa iyo, madali lang mag-utos at kumita ng pera, alam ko na mag-isa na lang ako pero hindi ko iaasa sa ibang tao ang buhay ko." pagprotesta ni Kirsten sa sinabi nito.

"Ibang tao? Ibang tao ba ang tingin mo sa'kin? I have good intentions here, I want you to be always near me. I can't stand you working in an unsafe place." Pagpapaliwanag nito.

Good intentions? Hindi ba ito nga ang unang kumuha sa pagkababae ko? The irony. Kahit pa pumayag ako sa nangyari, hindi parin nya ako nirespeto.

I appreciate it, pero wala naman tayong relasyon para maging concern ka sa akin, Paris." Panunuya niya.

Nabigla si Paris at hindi niya maiwasang masaktan sa sinabi ni Kirsten. Oo nga't walang label ang relasyon nila pero he wants to keep Kirsten.

"You're mine!" Possessive na sabi ni Paris.

"I'm not a thing to own!"

"You're quitting and that's final! Don't make me lost my patience, Kirsten!" pagbabanta nito.

How inconsiderate!

"Tapos ka na ba? Gusto ko ng umuwi." naiinis na turan niya.

"No! You're gonna live here." nanggigigil na sabi nito.

Nagsukatan sila ng tingin at unang bumitaw si Kirsten.

"My decision is final! I'll let you go for now, but after this you're going to do what I said."

"Gusto ko ng umuwi." nababagot niyang sagot pagod ng makipagtalo.

Inihatid siya ni Paris sa kanila. Pagkapasok na pagkapasok sa bahay niya dumiretso siya sa kuwarto at ibinagsak ang sarili sa higaan. Nakatulala siyang nakatitig sa kisame. Malalim ang iniisip.

Nakaupo sa swivel chair ng opisina niya si Paris, binuksan niya ang isa sa mga folder na nakalagay sa desk niya proposal ang laman tungkol sa expansion ng ginagawa nilang project para sa bagong merger deal na na-iclose niya. Pinilit niyang I-focus ang atensyon sa detalye pero hindi siya makapag-concentrate dahil nangagamba siyang hindi siya pagbibigyan ni Kirsten sa gusto niya.

Nagsisisi siya na inihatid niya ito kahapon kung siya lang ang masusunod, he will lock her up in his condo. Naisip niya na mali naman iyon. Umaasa pa rin siyang papayag ito sa inaalok niya. Biglang nag ring ang phone niya habang nagiisip. Sekretarya niya ang tumawag at pinapaalala sa kanya ang meeting ng hapon na iyon. Agad niyang kinuha ang coat at pumunta sa boardroom, Mamaya ay tatawagan na niya si Kirsten para sunduin.

Hindi na inantay ni Kirsten na sunduin siya ni Paris nag text na siya rito na papasok siya mag-isa ng araw na iyon, hindi pa ito nag rereply pero nag biyahe na siya papunta sa bar na pinapasukan.

Pagdating ay kinausap na niya ang kanyang Manager at nagpaalam na mag immediate resignation na siya. Nabigla ang manager dahil hindi pa siya masyado nag tatagal aymagresign na agad siya.

"Are you sure Kirsten mag reresign ka na? Sayang at masipag ka pa naman." Nanghihinayang na sabi ng Manager.

"Opo, pasensiya na po at biglaan." Pagpapaumanhin niya.

"Ok siya sige. In case na kailanganin mo ng trabaho, feel free to apply here again."

"Thank you po, sige po mag start na po ako mag set up dito sa bar.

Natapos ang meeting ng 5:00PM. Nakita niyang nag text si Kirsten na hindi na siya maantay nito at pumasok na. Naiinis siya at hindi man lang siya inantay nito, kaya naman niyang maihatid ito sa oras. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi ito sumasagot at nag text rin siya pero hindi ito nagrereply. Napagpasyahang dumiretso na siya papunta sa bar.Aantayin niya itong lumabas kahit mag mukha pa siyang tanga kakaantay. Malapit na ang palugit na binigay niya para makapag desisyon ito, Nang makarating ng BGC, nag-park agad siya ng sasakyan at dali daling nilakad ang entrance ng Bar.

Nakita niya si Kirsten na nag pupunas ng mga baso sa bar counter, lumapit siya dito.

"Hey, you didn't wait for me." iritang sabi nito

"Naisip ko na busy ka, kaya hindi na kita inantay."

"Well, I'm in a meeting, pero aabot pa rin naman ako sa paghatid sa'yo. And also why are you not answering your phone?." Paninita nito.

Bumuntong hininga na lang si Kirsten halatang naiinis na sa kausap.

"Wala sigurong signal hindi ko narinig yung phone ko na tumunog and I texted you."

"And what about the offer? have you already considered it?"

"I'm already decided about it and I don't want to argue with you. Nagpaalam na 'ko na last day ko na ngayon and you can come back after my shift to pick me up."

"It's a yes? Yes? Oh my goodness, that's good to hear! I promise, hindi ka magsisisi I'll give you all that you need." Natutuwang sabi ni Paris.

Nagpatuloy lang si Kirsten sa ginagawa. Ni parang hindi ito natutuwa.

"If you'll excuse me nagtatrabaho pa ako. Bumalik ka na lang mamaya."

"No I want to stay here. I have all the time in the world today or gusto mo ba kausapin ko yung manager mo na hindi mo na tapusin yung shift mo today?" Ngiting ngiti ito.

"Do that, hindi talaga ako sasama sa iyo." Napipikon na siya rito.

"Try me I can do that wanna bet?" Pangaasar nito.

"Just leave me alone for now, will you?" Halos magkandabuhol ang mga kilay ni Kirsten sa inis kay Paris.

"Fine, fine, you win." Naitaas ni Paris ang mga kamay sa pagsuko.

"I'll just grab something to eat then I'll go back to get you." Paalam ni Paris.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now