Chapter 23

3.6K 95 10
                                    


Hindi mapakali si Kirsten ng umagang iyon ng linggo, para syang kinakabahan na di nya maintindihan. Maikli syang nanalangin. Bumaba sya ng komedor at nakita si Manang Tere na naghahanda ng almusal.

"Magandang umaga po ma'am, nag golf po si Sir Paris ng maaga kasama si Sir Matthew kaya hindi na po kayo ginising. Baka daw po hapon na sya makauwi."

"Ah okay, salamat."

"Wala pong anuman." Babalik na sana ito nang

"Nagalmusal ka na ba, Manang?"

"Ah, eh..."

"Halika po, sabayan nyo na akong kumain."

Si Manang Tere, ang pamangkin nito na si Elsa at ang binatilyong si Daniel ang kasambahay sa bahay na iyon ni Paris sa Corinthians sa QC. Bagamat napakalaki rin ng bahay na iyon ni Paris, hindi naman sila nahihirapan na linisin at ingatan ang bahay dahil minsan lang doon umuuwi ang amo at dahil mahigpit din silang pinagbabawalan na pumasok sa mga kwarto.

Matapos magalmusal, pumasok si Kirsten sa kwarto at nilock ang pinto. Natapos na nyang halughugin ang kwarto nilang iyon ni Paris pero wala syang nakitang kahit na anong kakaiba. Ngayon, pagkakataon nya ng halughugin ang ibang parte ng bahay. Dahil simula ng dumating sila sa bahay nayon, halos hindi sya inaalis ni Paris sa paningin nito. Pero paano sya maghahalughog sa bahay? Ano ba ang hahanapin nya? Hindi nya alam, pero nasisiguro nyang may mahahanap sya.

Makaraan ang ilang minutong pagiisip, na parang sasabog na ang ulo nya, lumabas sya at nakita ang magtiyahin na pinagkakasyang manood ng TV sa isang lumang cellphone.

"Oh manang, bakit hindi po kayo sa TV room manood?"

"Ay, okay lang po ba Ma'am?" Tanong nito sa kanya

"Aba syempre naman po. Hali kayo." Pumasok si Kirsten sa TV room kasunod ang magtyahin at binuksan ang 90" TV.

"Sige na po, wag kayong mahiya na umupo kahit saan." Sabi ni Kirsten.

"Thank you po." Sabi ni Elsa.

"Si Daniel nasaan?" Paguusisa nya.

"Ah, off nya po ngayon, Ma'am, may date." Natawa sila sa pambubuko ng matanda.

"Sige po, manood lang kayo dyan."

Pumunta sa kusina si Kirsten at uminom ng tubig. Pag tapos ay bumalik sa TV room para silipin ang dalawa. Mataman ang mga ito sa panonood ng kung ano mang teleserye ang palabas niyon.

Nakakita si Kirsten ng pagkakataon na malibot ang bahay. Naglakad sya sa kanlurang bahagi ng bahay ng may isang malaking pinto syang nakita. Dalawahang pinto itong kahoy na gawa sa Narra na pininturahan ng itim. Malakas ang pintig ng puso nya, may kung ano syang nararamdaman na nagsasabing dapat nyang mapasok ang kwartong iyon. Hinawakan nya ang seradura para buksan ito pero nakalock ang pinto.

Umakyat sya ng ikalawang palapag at tiningnan ang bawat kwarto pero lahat nakalock rin ang mga pinto. Sa pagkadismaya, bumalik nalang sya ng kwarto nila ni Paris at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi na namalayan ng dalagang nakatulog sya.

Pasado alas kuwatro na sya nagising, bumaba sya ng kusina dahil para na syang mababaliw sa pagkabagot. Hinanap nya si Manang Tere at nakita ito sa kusina na naghahanda ng lulutuin sa hapunan.

"Ano pong lulutuin nyo?"

Halos mapatalon si Manang Tere sa pagkagulat kay Kirsten na napahawak ito sa dibdib. Natawa si Kirsten sa reaksyon ng matanda, at napatawa rin ito.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now