Chapter 20

3.6K 95 5
                                    


Simula ng lumipat sila sa Mansion ay hindi na siya basta basta makaalis ng bahay pakiramdam niya ay pinababantayan siya ni Paris. Minsan naman ay hindi ito pumapasok pag weekdays. Hindi tuloy siya makaalis para puntahan si Jace.

Araw ng sabado ay niyaya siya ni Paris sa isang Charity ball. Pinahatid na lang ni Paris ang susuotin nila sa Mansion. Binuksan niya ang box laman niyon ay kulay dark red ball gown na may kasamang maskara. Ayon kay Paris masquerade ball ang theme ng charity event.

Litaw na litaw ang puti at makinis niyang balat sa suot na gown. Si Paris ay naka black suit.

Napaangat ng tingin si Paris at humahangang pinagmasdan siya. Lumapit ito at akmang hahakgan siya pero umiwas siya.

Nababakas sa mata ni Paris ang sakit na dulot ng pagtanggi niya. Simula ng bumalik siya ay iniiwasan na niyang magkalapit ang katawan nila ni Paris.

Naiinis si Paris dahil ilang araw na siyang hindi pinagbibigyan ni Kirsten. Pinipilit niyang intindihin ito dahil ayaw niyang mawala ito ng tuluyan sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya.

"You're ready?" Tanong ni Paris.

"Yes. Let's go." Napipilitang sabi ni Kirsten.

Tahimik lang sila habang lulan ng sasakyan papunta ng party.

Kahit pa may suot silang maskara ay agad na nakilala si Paris ng mga paparazzi kaya walang tigil sa pagkuha ng litrato ang mga ito.

Naasiwa pa rin siya kahit ilang beses na siyang isinama ni Paris sa mga event na pinupuntahan nito.

Hindi binibitawan ni Paris ang kamay niya kaya hindi tuloy siya makaalis sa tabi nito. Kasa-kasama siya kahit may kausap itong business associate. Tahimik lang siyang nakikinig.

Sa wakas ay natapos rin ito sa pakikipag-usap at inaya siya nitong umupo. Nang malapit na sila sa mesa ay may babaeng yumakap sa likod ni Paris. Nagulat pa silang parehas dito.

"Hi Paris, I miss you!" Sabi nito na akmang hahalikan si Paris sa labi pero umiwas ito kaya sa pisngi tumama ang halik ng babae.

Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Paris. Nairita siya sa babae, parang hindi siya nito nakita sa inaakto kay Paris.

Bahagyang inilayo ito ni Paris. "Hi Jordin' What are you doing here?"

Idinikit pa lalo ng babae ang dibdib nito sa braso niya. Siya na mismong lumayo.

"Jordin, I have company, meet Kirsten my girlfriend." Pinagdiininan niya ang salitang girlfriend.

"Girlfriend?" Tinaasan nito ng kilay si Kirsten.

Ano bang problema nitong babaeng to'

Saglit lang siyang tinapunan ng tingin nito at hinila si Paris.

"Come on Paris my dad wants to talk to you." Maarteng sabi nito.

Sa sobrang badtrip ni Kirsten ay iniwan niya ang dalawa. Wala siyang panahon panuorin ang panghaharot nito kay Paris.

"Kirsten wait!" Tawag ni Paris, Kinalas niya ang braso ng babaeng nakaangkla sa kanya para sundan siya pero naharang siya ni Mr. Lee, Daddy ni Jordin at isa sa investors ng kompanya niya.

Nasundan na lang ni Paris ng tingin si Kirsten. Ayaw niya sanang humiwalay dito kahit saglit dahil nangangamba siyang bigla na naman itong mawala. Aligaga siya habang kausap si Mr. Lee panaka nakang tinatanaw niya ang dalaga.

"Paris you ok?" Tanong ni Mr. Lee.

"Ah..Yes." Nasabi na lang niya.

Pinilit niyang mag focus sa sinasabi ni Mr. Lee, Si Jordin ay nakaangkla sa braso niya ayaw siyang bitiwan.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now