Chapter 24

3.4K 78 1
                                    


Nakasilip si Kirsten sa bintana ng kuwarto nila ni Paris. Tinatanaw niya mula roon ang sasakyang ginamit ng kidnapin si Kylie. Pakiramdam niya umiikot ang sikmura niya na gusto niyang maduwal. Pinagpapawisan din siya bagamat malamig ang kwartong iyon.

Simula ng linggong iuwi ni Paris ang sasakyang iyon, madalas na siyang mapatulala at mahulog sa malalim na pagiisip pero wala siyang pagkakataong pasukin ang sasakyan para maghanap ng kahit na ano.

Siguradong may DNA si Kylie sa loob ng sasakyan, mula sa buhok o sa skin cells na nasa upuan. Pero paano kung nilinis na iyon ni Paris? Pero kahit na, malinaw sa CCTV na ang sasakyang yun ang ginamit bago siya mawala.

Kinuyom niya ang nanlalamig na mga palad. Kung may nangyaring masama kay Kylie, ibig sabihin nasa panganib din ang kaniyang buhay sa mga kamay ni Paris.

Nasa malalim na pag-iisip si Kirsten ng may bumusinang sasakyan sa harap ng nakasaradong gate ng bahay ni Paris. May bagong dating. Nagmamadali siyang bumaba dahil alam niyang hindi si Paris ang sakay nito.

Nang bumaba siya, nakamaniubra na papasok ang driver habang inaasistehan naman ito ni Daniel.

"David!"

Nasorpresa si Kirsten nang si David ang bumaba mula sa sasakyan. Napakaguwapo nito kahit na simpleng V-neck shirt na puti lamang ang suot, naka khaki na shorts at tsinelas.

"Oh Kirsten, hi!" Ngiting ngiti ito nang makita siya. Inakbayan siya nito pagkalapit sa kaniya sa pinto.

"Namiss kita." Dagdag nito. Pinong kurot naman ang iginanti ni Kirsten sa sinabi ni David.

"Gusto ko pa sanang magstay ng matagal para makipagkuwentuhan pero..." Tumingin ito sa suot na relo at may bumusinang muli sa tapat ng gate.

"Speaking, ayan na si Franz para sunduin ako haha!" Natawa ito sa saktong pag dating ng kaibigan.

"Si Franz?" Natutuwang kumpirma ni Kirsten kay Dave.

"Uh-huh."

Sabay silang lumabas para puntahan ito sa labas na hindi na bumaba ng sasakyan.

"Oh my goodness! My love, Kirsten!" Tuwang tuwa si Franz nang makita si Kirsten na akbay-akbay ni Dave palabas ng gate.

"My love your face." Bara ni Dave dito.

"Hello, Franz." Tawang tawa si Kirsten, tuwang tuwa talaga siya sa dalawang mokong.

"My goodness, I wish I could stay, kaso nagmamadali kami ni Dave." Nanghihinayang na sabi ni Franz.

"Yup, I just dropped by to return Paris' car." At inabot ni Dave ang susi kay Kirsten.

"Oh, okay."

"Let's go out next time, Kirsten." Yaya ni Franz na binuhay na muli ang sasakyan.

"In your dreams, bro. Would you like to see hell sooner? Natatawang sagot ni Dave sa kaniya.

"I see hell, everytime Paris' around. Eh si Satanas yun eh." At napahagalpak ito sa sarili niyang joke.

"Hahaha!" Si Dave.

"Hahaha!" Si Kirsten.

"Next time, ipagluluto ko nalang kayo. Maglunch tayo dito sa bahay or mag dinner." Yaya naman ni Kirsten sa kanila.

"That's brilliant!" Puri ni Franz sa suhestyon ni Kirsten.

"Sige, mauuna na kami." At sumakay na si Dave sa kotse ni Franz.

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now