Chapter 26

9.4K 195 112
                                    

Nagising si Paris sa alingawngaw ng sirena ng mobile car sa labas ng mansiyon. Sobrang sakit ng ulo niya at pinilit alalahanin ang mga nangyari kinagabihan, kinapa ang katabi sa kama wala si Kirsten. Unti-unti lang bumalik sa alaala niya na naglasing siya at napagbuhatan niya ng kamay si Kirsten at higit pa roon ay ni-rape niya ito. Napahilamos ang palad niya sa mukha sising-sisi siya sa ginawa dahil hindi niya intensiyon na saktan ito at pagsamantalahan mahal na mahal niya si Kirsten  at sa sobrang selos ay nagawa niya iyon, nasa ganoon siyang ayos ng kumatok si Manang Tere.

“Sir Paris may naghahanap po sa inyo.” Bahagya itong nagalangan na ituloy ang sasabihin. “Mga p-pulis po.” Kandautal nitong sabi.

Agad siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng kuwarto. Nakita niya ang mga kasama ni Manang tere na mga pulis. Naglabas ang isa sa mga pulis ng warrant of arrest at iniharap sa kanya.

“Mr. Paris Da Silva inaaresto namin kayo sa salang rape at kidnapping ang ano mang iyong sasabihin ay pwedeng gamitin para ipanlaban sa iyo pwede kang kumuha ng abogado na magtatangol sa iyo.”

Nilapitan siya ng mga ito at pinosasan, hindi na siya pumalag dahil alam niyang nagkasala siya kay Kirsten.

Paglabas nila sa mansiyon ay walang tigil sa pagkislapan ang mga camera at dinumog agad siya ng mga reporter na gustong makasagap ng malaking balita sa pagkaka-aresto niya.

“Mr. Da Silva ano po ang masasabi niyo sa pagkaka-aresto sa inyo? Totoo ba ang mga akusasyon ni Ms. Vera?” Sabi ng isang reporter na kulang nalang ay idungol sa bibig niya ang mic.

Humirit pa ang isang reporter. “Totoo ba na isa kang kidnapper?”

Lahat ng iyon ay hindi pinansin ni Paris ang tanging nasa utak niya lang ay makita at makausap si Kirsten gusto niyang humingi ng tawad rito.

Hinarangan ng mga pulis ang mga makukulit na reporter at sinakay siya sa sasakyan.

Para sa mga taga media isa itong napakalaking balita kaya hindi nito pinalagpas ang pagkakataon at agad na kumalat sa tv, social media at dyaryo ang pagkakadakip kay Paris. Marami ring nagsusupultan mga women’s group na gustong tumulong kay Kirsten para sumoporta laban kay Paris.

***

Dumating ng maaga si Nikko sa opisina at naabutan niyang nakatutok sa cellphone nito ang katrabaho.

“Hey bro’ ang aga-aga cellphone agad yang hawak mo.” Tumingala lang ito sa kanya at bumalik sa pinapanood nito.

“Panuorin mo 'to pare sikat na CEO naaresto.” Curious rin siya kaya nakinuod siya sa tabi nito.

“Napabalitang si Paris Da Silva ang suspect sa pagkawala ni Kylie Cuevo na kapatid ng rape victim na si Kirsten Vera. May higit apat na buwan na ang nakaraan ng ma-ireport na nawawala ang dalaga at nakitang huling sumakay sa sasakyan ni Paris Da Silva at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.” Naglabas ng mga clip ng cctv ng araw na nawala ito at mga litrato ng mukha ni Kylie sa balita.

Parang pinagpawisan siya ng malamig hindi niya makakalimutan ang mukha ng babae at ang araw na iyon. Tandang tanda niya ang mga matang parang demonyo kung tumingin. At sa isiping iyon ay kinakilabutan siya, natatakot na siya naman ang balikan nito.

Napatigalgal siya at kalaunan ay nag-desisyon siyang manahimik at sana makaya ng konsensiya niya.

Halos araw-araw ay may tumatawag kay Kirsten para kuhaan siya ng interview at walang tigil rin ang pag-aalok ng tulong ng Gabriela para sa kaso niya kay Paris. Hindi niya gustong magpasikat at gumawa ng gulo.Napapagod na siya ang gusto lang niya ay ang mabulok na sa kulungan si Paris at mahanap na ang kapatid niya.

Under His Skin (Hiatus)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant