Chapter 1

7K 87 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Mabilis ang ginawang kilos ni Sam, limang minuto na lang at magsisimula na ang kanilang unang klase. Nasiraan ang kaniyang sasakyan kaya minabuti niyang sumakay ng dyip at kapag inaabot ng malas sobrang bagal ng takbo ng sasakyan idagdag pa ang pagkahaba-habang traffic. Minabuti niyang lakarin na lang ang De La Salle kung saan siya pumapasok.

Papular siya sa buong campus, dahil na rin sa matalino siya. Hindi man siya ang nangunguna sa klase pero lagi siyang nasa top. Bukod doon magaling din siyang magsayaw. Paborito din siya ng ilan niyang guro, inilaban na din siya sa pangkalahatang unibersidad bilang mananayaw at siya ang nagwagi kasama ang kaniyang kagrupo.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib at ang isang kamay ay itinukod sa kaniyang tuhod. Sunod sunod ang kaniyang ginawang paghinga habang nasa may pintuan ng kaniyang unang klase.

"Salamat hindi pa ako late!" mahinang sambit niya sa sarili.

Dali dali itong pumasok sa room at umupo sa kaniyang upoan. Nagpunas siya ng tumutulong pawis sa noo maging sa leeg.

"Oy Sam, bakit ngayon ka lang?" tanong ng kaniyang katabi na si Carla isa ito sa mabait niyang kaibigan.

"Ay naku 'yong sasakyan ko tumirik sa daan, inabot ako ng malas ngayon nilakad ko na lamang patungo dito." paliwanag ng dalaga.

Natawa naman ang kaniyang kaibigan ng marinig ang sinabi niya. Hindi nito akalain na ang isang Samantha Del Galdo ay maglalakad.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Wala, 'yong pawis mo punasan mo muna tumutulo na oh!" tugon nito at ito na ang nagpunas ng pawis ng dalaga.

Ilang minuto pa ang nakaraan ay dumating na ang kanilang guro, nagsimula ang klase hanggang sa matapos ang maghapon ng dalaga. Ganito araw araw ang kaniyang ginagawa, bahay at paaralan lamang ang kaniyang inaatupag. Kaya naman ay hangang-hanga sa kaniya ang kaniyang mga magulang at maging lahat ng kaniyang kamag anak.

Habang naglalakad patungo sa labas ng unibersidad ang dalaga ay may lumapit sa kaniyang isang binata.

"Hi baby!" bati ni Nick ang kaniyang nobyo. May lahi itong Amerikano ngunit lumaki sa Pilipinas. Mabait, mapagmahal na nobyo, matangos ang ilong na minana niya sa kaniyang ama, perfect ika nga.

Nilingon naman ni Samantha ang binata, at binati din ito. Humalik sa pisngi si Nick at ipinulopot ang kaniyang kanang braso sa beywang ng dalaga.

"Baby, pasyal tayo sa linggo. Nagyaya ang mga pinsan ko na pumunta sa beach, gusto mo sumama?" malambing na tinig ng binata.

"Hmmm, sasabihin ko muna sa Mom at Dad ko. Kapag pinayagan nila ako siyempre kasama ako."

"Okay! Lets go andiyan na ang sundo mo."

Magkahawak kamay ang dalawa palabas ng campus. Bago sumakay ang dalaga ay pinabaunan muna niya ang kaniyang nobyo ng isang matamis na halik na nagpatili naman sa iba pang mag-aaral na nandoon.

Habang binabaybay nila sakay ng kanilang sasakyan ang patungo sa mansyon ng mga Del Galdo ay may biglang tumawid sa daan, mabuti na lamang at mabilis ang naging pag preno ni Mang Lino ang maneho ng dalaga.

Agad bumaba ito upang bisitahin ang taong tumawid, sumunod naman si Sam.

Isang babaing sa tingin niya ay kasing edad lamang din niya ito. Gusgusin at madumi ang suot nitong damit.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ng dalaga.

Tumango lang naman ang babaing napaupo sa gulat.

"Bakit ka kasi biglang tumawid? Paano kung hindi ako agad nakapagpreno baka kung ano na ang nangyari sa iyo niyan."

"Patawad po!" nakayukong sagot ng babae.

Habang kinakausap nila ito ay inalalayan tumayo ito ni Mang Lino. Pinasakay nila ito sa loob ng sasakyan. Nalaman nila na wala na itong kamag anak o kakilala man lang sa Kamaynilaan. Minabuti ng dalaga na isama ito sa kanilang bahay.

"Anong pangalan mo?"

"Alice po!"

"Ano ka ba huwag mo na nga akong mapopo diyan, nagmumukha tuloy akong matanda. Baka mamaya niyan dumami ang wrinkles ko sa mukha." natatawang sagot ni Sam.

Maging ang maneho niya ay natawa na din sa simpleng biro ng dalaga. Ito ang pinakagusto niya sa dalagang amo palaging nakangiti, masigla, masayahin, mabait, magalang at higit sa lahat ay pagiging mababa ang loob. Kaya naman umabot siya ng sampung taong itong pinagsisilbihan.

"Tatay Lino, ano po ang nginiti ngiti mo diyan? Share nyo naman po sa amin, sige ka baka bumukol sa noo mo iyan."

Napahagalpak ng tawa ang matanda, maging si Alice ay natawa na din, biglang nawala ang hiya nito.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon