Chapter 18

2.4K 46 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Hindi makapaniwala ang dalaga sa sinabi ng mag asawa. 

"Bakit po babagohin pa ang mukha ko? At tsaka bakit mukha ng anak ninyo? Hindi po ba siya magagalit?" sunod sunod ng tanong nito. 

"Iha, kung ang dati mong mukha ang magiging mukha mo ngayon delikado ka pa. At saka pansamantala lamang naman ito hanggang sa malaman mo kung bakit ka nila gustong patayin. Isa pa wala namang problema sa amin na mukha ng aming anak ang gagamitin mo muna. Sigurado akong maiinitindihan niya tayo." paliwanag ni Joemar.

Umiwas ng tingin ang dalaga sa mag asawa, tila nagdadalawang isip ito kung papayag ba sa inaalok ng mag asawa. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib, at muling tumingin ng deritso sa mag asawa.

"Pag iisipan ko po muna ang alok."

"Ikaw ang bahala iha, alam namin na mabigat sa kalooban mo ang aming sinasabi hindi ka namin pipilitin." tugon ni Lee Neth.

Napayuko ng ulo ang dalaga, ayaw niyang manghiram ng ibang mukha lalo na kung walang pahintulot. 

Habang nakahiga siya sa malambot na higaan ay iniisip niya ang mga mangyayari. Muling naglandas ang luha sa kaniyang pisngi ng maalala ang tagpo sa kanilang tahanan. Hanggang sa makatulogan na lamang niya ang kaniyang pag iyak.

Kinabukasan ay nagpaalam siya sa mag asawa na babalik muli siya sa kaniyang tahanan upang bisitahin ang kaniyang magulang. Noong una ay nag aalinlangan ang mag asawa, ngunit nangako ang dalaga na hindi ito magpapakita sa mga tao doon. Pumayag na din ang mag asawa. Marunong naman siyang magmaneho kaya pinahiram siya ng sasakyan. Tinuturoan siya ni Tatay Lino niya na magdrive, napatigil siya sa kaniyang ginagawa ng maalala si Tatay Lino.

"Sir Joemar, may naalala po ako noong ay nasa sasakyan nakita nyo po si Tatay Lino ko. Ano pong nangyari sa kaniya?" biglang tanong nito.

"Natatandaan ko noon, ay ikaw lamang ang napansin ko at iyong katabi mo. Hindi ko na napansin kasi malaki na ang apoy noon." 

"Kawawa naman tatay Lino ko!" gumaralgal ang boses ng dalaga hanggang sa tumulong muli ang luha niya.

Inalo naman ni Lee Neth ang dalaga, niyakap niya ito. Sabik na din siyang makayakap ng isang anak na tulad ni Samantha. 

------

"Arnulfo, bakit niya alam ang mga tinatanong ko sa kaniya?" kunot noong tanong ni Marichu sa asawa.

Naisip niya na tanongin si Samantha tungkol sa kanilang buhay noon at lahat ng iyon ay nasagot ng dalaga. Ang hindi niya alam ay nasabi na lahat ni Elena dito ang lahat ng mga bagay bagay tungkol sa mag asawa. Walang nililihim kay Elena si Marichu kaya alam nito ang lahat ng tungkol sa mag asawa.

"Dahil siya nga ang anak natin, huwag mo ng pakaisipin ang babaing nakita mo kahapon. Mababaliw ka lamang sa kakaisip doon." may halong biro na tugon ng kaniyang asawa.

Hindi pa rin mapalagay si Marichu, iba ang nararamdaman niya. Hindi niya maramdaman sa dalaga ang tinatawag na lukso ng dugo. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pilit na iwinaksi ang kaniyang nasa isipan.

"Siya ang aking anak!" sambit nito sa sarili.

Nagmamatyag sa 'di kalayuan ang dalagang si Sam, kasalukoyang nasa loob siya ng sasakyan. Habang nagmamaneho ito patungo sa kanilang tahanan ay iniisip na niya kung ano ang sasabihin at gagawin kapag nakita niya ang isa man sa kaniyang kakilala.

Ilang minuto pa siyang nag aabang ay dumating ang sasakyan ni Nick, nag abang ang binata sa malaking gate ng bahay at sigurado niya na lalabas ang isang Samantha.

Agad siyang bumaba sa kaniyang sinasakyan at pasimple itong nagtungo sa binata. May taklob na puting tela ang kaniyang ulo. 

"Nick...marahan nitong wika. 

Lumingon naman ang binata at sinipat ang babaing nakatayo sa kaniyang likuran.

"Kilala mo ako?" 

Lumabas naman ng bahay si Samantha, nakita niyang may kausap na babae si Nick at minadali niya ang paglapit dsa kinaroroonan ng binata.

"Babe, sino siya?" tanong ng dalagang lumabas.

"Ewan pero kilala niya ako." humalik sa pisngi ng dalaga ito at hinawakan ang kamay.

Tila dinurog naman ang puso ni Sam sa nasaksihan. Pilit niyang nilalabanan ang sarili na huwag tumulo ang luha.

"Miss, may kailangan ka ba? May lakad pa kami ng girlfriend ko." baling nito sa dalagang nakatayo lamang at nakatitig sa kanila. 

"Hay naku, nakakaabala ka ng babae ka ah! Ano bang kailangan mo? Gusto mo ba ng pera? Magkano ba?" naiiritang tanong dalagang kasama ni Nick at humugot ito ng pera sa kaniyang bag.

"Hindi ko kailangan ng pera mo, ibalik mo sa akin ang pamilya ko. Nick, wala ka bang napapansin sa babaing kasama mo ngayon? Wala bang pagkakaiba ang Sam noon at ngayon?" 

Napatingin naman ang binata sa dalagang nakahawak sa kaniya. Ayaw man niyang aminin sa loob ng ilang araw nilang magkasama ay may pinagbago nga ito. 

"Ano bang ibig mong sabihin? Nababaliw ka na atang babae ka." tugon naman ng dalaga, kumapit ito ng mahigpit sa binata pinaparamdam nito ang takot sa kaniyang dibdib.

"Miss puwede ba, umalis ka na natatakot na ang girlfriend ko sa iyo." naibulalas ni Nick ngunit iba ang sinasabi ng kaniyang puso. 

Niyakap ng binata ang kaniyang nobya, doon ay hindi na nakayanan ni Sam ang pangyayari. Naglandas ng muli ang kaniyang luha.

"Sana ay masaya ka na ngayon sa ginawa nyo sa akin." saad nito, tumalikod na ito at dahan dahang inihakbang ang mga paa.

Habang binabagtas niya ang daan patungo sa bahay ng mag asawa ay may nabuong plano sa kaniyang isipan. Bumuhos ang ulan at kasabay noon ay ang mga katagang binitiwan ng dalaga.

"Babalik ako muli at sa aking pagbabalik ay babawiin ko kung ano ang akin Alice, napakasama mo palang tao. Nagtiwala ako sa iyo, pero ano ang ginawa mo sa akin." galit na wika nito. Ang hindi niya alam ay may sumusunod sa kaniyang sasakyan.

"Buhay ka pa nga, at mukhang bigating tao ang nakakuha sa iyo. May siyam na buhay ka pala." tinig ng isang babae habang sinusundan ang sasakyan ni Samantha. 

SAMANTHADär berättelser lever. Upptäck nu