Chapter 13

2.3K 43 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Lakad-takbo ang ginawa ng mag asawa Del Galdo makarating lamang agad sa kinaroroonan ng silid ng dalaga. Pagdating nila ng airport ay nakita nila si Elena na nag aabang sa kanila, sa sasakyan na ni Elena isinalaysay ang buong pangyayari. Walang patid ang luha ng mag asawa habang daan, lalo na ng marating nila ang pagamutan kung saan nakaratay ang inaakala nilang si Samantha, nakita nila ang kalunos lunos na sinapit ng dalaga at doon ay pumalahaw na ng iyak si Marichu ang ina ni Samantha.

"Ate, wala na tayong magagawa. Magpasalamat na lang tayo at nabuhay si Samantha." pang aalo ni Elena sa ginang na umiiyak.

"Bakit nangyari ito sa anak ko?" halos pasigaw na tanong naman ni Arnolfo ang ama ng dalaga.

"Kuya, aksidente ang nangyari. Maging si Mang Lino ay hindi nakaligtas, nasa morge na ang katawan nito."

Lalong nanlumo ang mag asawa sa nangyari sa matanda. Maghumiyaw man sila sa galit ay wala na silang magagawa. Kailangan na nilang tanggapin ang kalunos lunos na nangyari sa kanilang nag iisang anak.

Pinayagan silang makapasok ng doktor sa loob ng silid upang masilayan ang kanilang anak. Napapikit si Arnulfo ng makapasok na sa loob maging si Marichu ay napakapit ng mahigpit sa kaniyang asawa. Tadtad ng benda ang buong katawan ng dalaga. Awang awa ang mag asawa sa kalagayan ngayon ng dalaga.

"Diyos ko, anong nangyari sa anak namin?" panabay na saad ng mag asawa.

"Anak, nandito na si Mommy. Hindi na akong muling aalis pa sa tabi mo." luhaang wika ni Marichu, gustohin man niyang hawakan man lamang ang kaniyang anak ngunit mahigpit na pinagbawal ng doktor na hawakan o hipoin man lang ang parte ng katawan ng dalaga.

Dahan dahan namang nagmulat ng mata ang dalagang nakaratay. Nangilid ang luha nito ng makita ang mag asawa sa kaniyang tabi.

"Si S-a.......hindi nito naituloy ang sasabihin dahil pinandilatan ito ng mata ni Elena na nakatayo sa tabi ng mag asawa.

"Shhhh, huwag ka na munang magsalita anak. Magpagaling ka na lang muna, nandito lang kami ni daddy." putol naman ni Marichu lumapit ito sa higaan ng dalaga at lumuhod upang maipantay ang katawan nito sa dalaga. Lalong lumakas ang iyak ng ginang, hindi niya matagalan ang kalagayan ngayon ng pinakamamahal niyang anak.

Napakasakit para sa inang tulad niya ang makitang nahihirapan ang kaniyang anak. Naikuyom nito ang kaniyang kamao. Naitanong nito sa sarili bakit ang kaniyang anak pa, napakabait nitong bata. Walang inagrabyadong tao kahit na sinuman.

"M-mom." mahinang sambit ng dalaga.

Napangisi naman si Elena sa kaniyang narinig. Nagtagumpay siya sa una niyang plano at lalo siyang magiging maligaya kung sa susunod na plano ay muli siyang magtatagumpay.

"Huwag mo na anak pilitin, don't worry anak ibabalik ko kung ano ka noon basta magpagaling ka lang." saad naman ni Arnulfo, humawak pa ito sa balikat ng nakaluhod na asawa.

"Patawad Sam, patawad." katagang lumabas sa isipan ni Alice. Muli ay nangilid ang luha nito habang nakatingin sa puting kesame.

Agad pinaayos ng mag asawa ang libing ni Mang Lino. Nagtaka naman sila kung bakit biglaang umalis si Alice. Ayon kay Elena ng papauwi na sila galing sa eskuwelahan ay nagpasyang umuwi ng probinsya ang dalaga sa 'di malamang dahilan. At ayon din kay Elena ay siya pa mismo ang naghatid dito sa paradahan ng bus patungong probinsya. Nagkibit balikat na lang ang mag asawa ang mahalaga sa kanila ay ang kaligtasan ng kanilang pinakamamahal na anak.

Lumipas ang tatlong buwan naging maayos na ang kalagayan ng dalaga. Palaging dumadalaw ang binatang si Nick na ikinatuwa naman ito ng dalaga. Maging ang kaniyang mga kamag aral ay binisita din siya kasama ang ilan niyang guro.

Humanap ang mag asawa ng dalubhasang doktor para sa pag aayos ng katawan ng kanilang anak. Agad naman silang nakahanap at naisayos agad ang operasyon.

"Anak bukas na ang operasyon mo." masiglang turan ni Marichu habang hawak ang kamay ng dalaga.

Bigla namang may kung anong nadama ang dalaga. Sa loob ng tatlong buwan ay naging maayos na ang kaniyang pakiramdam, madaling naghilom ang mga sugat ng buo niyang katawan dala ng pagkasunog dahil na rin sa mga gamot na binibigay araw araw ng mga doktor. Hindi niya maipaliwanag ang nadaramang kaba ng marinig ang sinabi ng ginang.

Bukas ang kaniyang operasyon at magiging siya na si Samantha. Nanariwang muli ang nangyari sa loob ng sasakyan, kitang kita niya ang pagsakop ng apoy sa katawang ni Samantha. May kung anong nag udyok sa kaniya upang isakatuparan ang binilin sa kaniya ni Elena, sinaksak niya si Samantha kahit nasusunog na din ang kaniyang katawan at bigla na lamang nawala ang dalaga.

Kinabukasan umaga pa lamang ay nasa hospital na ang mag asawa kasama nito si Nick at Elena. Halos kalahating araw silang nag aabang sa paglabas ng doktor sa operating room. Pawisang lumabas ang doktor na gumamot sa dalaga. Nakangiti ito habang lumalapit sa mag asawa.

"Congratulation, success ang operasyon ng anak ninyo. Hintayin niyo na lang po ang paglipat niya sa kaniyang silid at pagkatapos ng isang linggo ay tatanggalin na natin ang benda sa kaniyang katawan.

Napayakap si Marichu sa kaniyang asawa, maging si Nick ay nagkaroon ng kulay ang mukha. At lalong lumapad ang pagkakangiti ni Elena dahil sa kaniyang narinig. Walang kamalay malay ang lahat na si Alice ang dalagang ngayon ay si Samantha na.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now