Chapter 26

2.6K 44 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer



Sa loob ng banyo nagtuloy ang dalagang si Samantha. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin ng sobra sobra. Ang nais lang naman niya ay mapahiya ang baguhan sa kanilang unibersidad pero nagkabaliktad ang nangyari. Siya ang napahiya sa ibang estudyante. Halos mapaiyak na ito sa sobrang galit at tila sasabog na ang kaniyang dibdib. 

Pumasok siya sa isang cubicle doon at pinakawalan ang luhang kanina pa gustong lumabas, luha ng pagkasuklam, pagkapoot at galit. Ilang sandali ay medyo humupa na ang kaniyang nararamdaman, may narinig siya sa labas na nagtatawanan ang ilan niyang mga kasamahan.

"Rhian, nakita mo ba si Samantha? Nagmukhang patis ang kaniyang mukha habang sumasayaw si RJ." natatawang wika ni Lorraine.

Napatulala ang dalaga sa kaniyang narinig.

"Akala niya siguro ay habang nandito siya ay walang makakatalo sa kaniya. Buti nga sa kaniya, yumabang na kasi siya." turan naman ni Rhian na inayos ang pagkakaguhit ng eyeliner nito.

"Sinabi mo pa, simula noong naaksidinte nagbago na ang ugali." dagdag pa ni Lorraine.

Itinulos sa pagkakaupo sa toilet bowl ang dalaga, lalong nadagdagan ang galit sa kaniyang dibdib. Ngunit naisip niya na tama ang kaniyang mga kasamahan. Kailangan niyang maging mabait at magpanggap tulad ni Samantha noon upang sa gayon ay muling pumanig sa kaniya ang lahat. Napangisi siya sa kaniyang naiisip. 

Ilang sandali pa ay narinig niyang lumabas na ang dalawa. Lumabas na din siya sa kaniyang kinaroroonan. Humarap ito sa salamin at napangiti ng magkahalong pait at tamis. 

"Akin pa rin ang huling halakhak! Magbabago na muli si Samantha, babalik na siya sa dati niyang ugali na mabait at simpleng babae." may diing sambit nito sa sarili.

------

"Ang galing mo palang sumayaw!" ani Marlon na abot langit ang ngiti sa harapan ng dalaga.

"Hindi naman, praktisado lang." 

"Ayaw pang aminin, halika ka sa kantina ililibre kita dahil ikaw ang nanalo sa hamon ni Sam." hindi na hinintay ng binata ang isasagot ng dalaga agad nitong hinawakan ang kamay nito at hinila patungo sa kantina.

Hindi naman makapalag ang dalaga sa ginawa ng binata. Ng makarating na sila sa loob ng kantina ay agad silang pumila at namili ng pagkain. Habang nakapila ang dalawa na masayang nagkukuwentuhan ay hindi nila napansin ang isang pares ng mata na nakatitig sa gawi nila. Isang mata na lihim na pinag aaralan ang kilos ng dalaga. 

Agad silang naghanap ng mauupoan ng makakuha na sila ng kanilang kakainin. Nasulyapan ng dalaga ang binatang si Nick na tahimik na nakaupo sa isang sulok. Titig na titig ito sa kaniya, hindi niya kayang tagalan ang titig ng binata kaya agad siyang nagyuko ng ulo.

Wala sa pagkain ang isipan ng dalaga kundi nasa binatang palihim pa ring tinitingnan siya. 

"May problema ba? Bakit bigla kang naging malungkot?" usisa ni Marlon.

"Huh? Wala ah! Naiisip ko lang ang Papa ko." pagsisinungaling nito.

Tumango naman ang kaharap na binata, at muling pinagpatuloy ang pagsubo sa pagkain. Ng matapos na sila sa pagkain ay nagyaya na siyang umalis doon, ayaw pa sana ng binata dahil gusto niyang magkuwentuhan pa ngunit hindi na niya napigil ang dalaga ng tumindig na ito.

Sinulyapan ni RJ ang kinaroroonan ni Nick ngunit wala na ito doon. Nakahinga siya ng maluwag, kahit gusto na niyang ipagtapat sa binata ang buong katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao naisip niyang hindi pa ito ang tamanag panahon. Kailangan muna niyang alamin kung bakit gusto siyang ipapatay ng kaniyang Tita Elena. 

Napukaw ang kaniyang malalim na pag iisip ng biglang sikohin siya ni Marlon ka ikinagulat pa niya.

"Kanina pa ako nagsasalita hindi ka pala nakikinig." saad ng binata na may halong lungkot.

"Ay sorry, pasensya na. May iniisip lang talaga ako ngayon. Huwag ka ng magtampo, papangit ka niyan." 

"Pangit naman talaga ako ah!"

"Hindi kaya, cute mo nga eh! Lalo na 'yong mata mo." nakangiting sagot ng dalaga.

Kumislap ang bilugan at mapupungay nitong mata. Tila lumutang sa ulap ang kaniyang katawan sa sinabi ng dalaga.

"Anong nangyari sa iyo?" pukaw nito sa binata ng makita ang hitsura nito.

"Ang saya ko!"

"Bakit?" 

"Basta ang saya ko ngayong araw na ito." 

"Dahil ba sa nakita mo ang crush mo ngayon." pambubuska ng dalaga na bahagya pang tinapik ang balikat ng binata.

"Hindi lang nakita, kundi nakasama ko pa siya." nagnining-ning ang mga mata nito habang titig na titig sa nagugulohang dalaga.

Noong siya pa si Samantha ay alam niyang may lihim itong pagtingin sa kaniya, ngunit hindi niya ito pinapansin dahil sa mahal na mahal niya si Nick. Napailing na lamang siya at binawi ang mga tingin sa binata. 

Nang uwian na, habang hinihintay niya si Lee Neth ay may pumaradang isang sasakyan sa may kinaroroonan niya sa gilid ng kalsada. Nakilala niya ang sasakyan. Lumabas ang isang ginang mula sa sasakyan. Agad kumabog ang kaniyang dibdib ng makita ang mukha ng kaniyang Tita Elena, ngunit nawala din ang takot sa kaniyang dibdib ng lumabas sa isang pinto ang kaniyang tunay na ina.

"Mommy...." mahinang sambit nito, nangilid ang luha nito habang nakatitig sa mukha ng kaniyang ina. Sabik na sabik na itong mayakap muli ang kaniyang tunay na ina. 

Naglakad patungo sa kaniyang kinaroroonan ang dalawang ginang at tumabi sa kaniya si Marichu. Pinigil niya ang sarili, kahit gustong gusto na niyang yakapin ang kaniyang katabi.

Dumating din ang kaniyang sundo, pinahid niya ang kaniyang luha na unti unting dumadaloy sa kaniyang pisngi ng makitang paparating na ang sasakyan ng kaniyang Mama Lee Neth. 

Lumapit si Lee Neth sa naghihintay na dalaga, humalik ito sa pisngi niya.

"Kumusta ang araw ng aking anak?" 

"Okay lang po Mama." mahinang tugon niya. 

Natigil naman ang pagsasalita ni Marichu ng madinig ang usapan ng kaniyang katabi. Napatingin siya kaniyang gilid. Isang ngiti ang pinakawalan ng ginang sa nakatitig na dalaga.

Agad hinila ni Lee Neth ang kamay ni RJ ng makilala ang katabing ginang. Minsan lang niya itong makita at itinatak na niya sa kaniyang isipan ang mukha ng ina ng dalaga.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon