Chapter 35

2.9K 46 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Sa paglabas ni Sam sa kaliwang bahagi ng tela ay natigalgal siya sa kaniyang nakita. Dahan dahang lumapit naman si Arnulfo sa kinaroroonan ni Marichu at ni Sam.

"Hon, anong ibig sabihin nito?"

"Trust me hon....mahinang tugon nito sa asawa, muli ay hinawakan nito ang mikropono at nagsalitang muli. "Sa lahat po ng mga manunuod just relax and enjoy the show!" nakangiting saad nito kahit butil butil ang pawis nito sa noo.

Sumenyas si Marichu na lumapit sa kaniya ang lumabas sa kanang bahagi. Ibinigay nito ang mikropono sa lumapit.

"Introduce yourself!" ani Marichu.

Dumestansiya ng ilang agwat si Marichu sumunod si Arnulfo at malapit ito sa may bahagi ng kinaroroonan ni Sam.

"Good evening everyone, masaya po ako na dumating kayo sa party ng ate Sam ko. Sa lahat po ng kaniyang mga kamag aral, guro, friends at higit sa lahat ay sa taong nagpapatibok ng puso ng ate Sam ko...bahagya pang kinilig si Mickey sa kaniyang sinabi... Si kuya Nick, and sa taong nasa likuran niya tita Elena..." pagpapakilala ng batang si Mickey.

Halos magkulay suka naman si Elena na kahit anong dami ng lagay na make up nito sa mukha ay halatang namumutla ito. Lahat ay napatingin sa kaniyang kinaroroonan.

"And now...muling pagsasalita ni Mickey. Masaya ko pong sasabihin ang aking taos pusong pagbati sa nag iisa, maganda, napakabait lahat ay nasa kaniya na po ang katangiang hinahanap ni kuya Nick. Maligayang kaarawan ate Sam." naging malawak ang pagkakangiti ng binata sa tinuran ng bata, hindi naman malaman ni Sam kung lalapit ba siya sa gitna sobra siyang kinakabahan. Nanginginig ang buo niyang katawan.

Nadako ang paningin ni Marichu sa dalagang nasa malapit sa kaniya. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya dito.

Hindi magkamayaw sa pagpalakpak ang mga tao matapos magsalita ang batang si Mickey. Hinihintay nilang lumapit si Sam sa kinaroroonan ng bata upang tugonin ang pagsasalita nito.

Ilang sandali ay may lumabas sa kanang bahagi.....si Lee Neth.

Nangonot ang noo ni Sam ng makilala niya ang ginang na lumabas. Maging si Arnulfo ay hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Lumapit ang ginang sa kinaroroonan ni Marichu. Kasunod ang paglabas ni RJ, mangha ang lahat hitsura ng dalaga maging si Sam ay napatulala din.

Isang simpleng hapit purplegown at may desenyo sa gitna, hukab ang dibdib at suot nito ang kuwintas. Nakalugay ang buhok nito na ginawang alon alon ng kaniyang Mama Lee Neth.

Hindi na nakatiis si Sam, lumapit ito sa kinaroroonan ni Marichu at sinita ang ina.

"Mom, what's going on? Isa ba ito sa regalo mo sa akin?"

"I said just relax and enjoy the show!" may diing sambit ng ginang. Tila napahiya naman ang dalaga, nagyuko na lang ito ng ulo at lumapit sa ama.

Lumapit si RJ kay Marichu, humalik ito sa magkabilang pisngi. Hindi muna niya pinansin ang kaniyang ama, nagtungo ito sa kinaroroonan ng mikropono na hawak hawak pa ni Mickey.

Nanginginig ang kamay na inabot niya ito sa batang si Mickey.

"Happy birthday ate."

"Thank you!" tumingin siya sa mga panauhin, nandoon si Marlon, si Nick na nakatitig lamang at si Elena.

"Magandang gabi po sa inyong lahat, happy birthday Sam!" nakakalokong bati nito kay Sam na nakatingin sa kaniya.

Pasulimpat nitong binawi ang tingin at itinuon ang paningin kay Mickey na nakangiti sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Isa ba ito sa regalo ng kaniyang ina o may gulong mangyayari. Kinabahan siya bigla sa huli niyang naisip.

Narinig na lang niya na kumakanta si RJ, naalala niya ng mga panahon na nakilala niya si Sam. Ang kantang kinakanta ng dalaga ngayon ay ang kinanta ng totoong Sam noon. Sinabi sa kaniya ni Sam na ito ang isa sa paborito niyang kanta.

....When I'm lost in the rain

in your eyes I know I'll find

the light to light my way.

When I'm scared and

losing ground....

Tumingin ito sa kinanaroonan ng dalawang ginang na nag aruga sa kaniya.

...When my worlds is going crazy,

you can turn it all around.

And when I'm down

you're there pushing me to the top

you're always there giving me

all you've got.

Habang kumakanta ang dalaga ay namatay ang lahat ng ilaw sa bulwagan ito ay ayon sa plano ni Marichu at ang pinakang tanglaw ng lahat ay ang nag iisang ilaw na nasa kinatatayuan ni RJ.

...For a shield, from the storm

for a friend, for a love

to keep me safe and warm

I turn to you....

For the strength to be strong,

for the will to carry on,

for everything you do,

for everything that's true

I turn to you....

Marahan nitong ginagalaw ang kaniyang katawan na isinasabay sa kaniyang kanta. Nag iba ang tugtog naging isang nakakapaindak ang ipinalit na musika, nagyuko ng ulo si RJ. Tumalikod ito at hinigit ang zipper ng kaniyang suot na gown, nakashort na lang ito ng maiksi at damit na nakatali sa kaniyang kalahati ng dibdib. Inihagis nito na eksaktong napapunta sa kinaroroonan ni Samantha, napaarko naman ang kilay ng huli.

Sinabayan ni RJ ng galaw ang isang napakagandang musika. Gumiling giling siya sa harapan ng maraming tao. Halos lahat ng tao ay napapaindak din maging si Nick ay nawala bigla ang pagkagulat ng makitang sumasayaw ang dalagang nasa harapan nila.

Hingal ang dalaga pagkatapos ng kaniyang sayaw. Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos na ito sa pagsayaw. Muli ay hinawakan nito ang mikropono at nagsalitang muli.

"Sana po ay nagustohan ninyo ang aking handog." hingal na saad nito.

Lumapit sa kaniya si Marichu, sumunod si Lee Neth ay Mickey. Naiwang tulala naman si Sam sa tabi ni Arnulfo, hinawakan na lang ng ginoo ang kaniyang kamay at marahang pinisil. Muli ay nagkaroon ng ilaw ang paligid.

"Nagpapasalamat po muli ako sa mga taong nandito, marahil ay nagtataka po kayo kung bakit nandito si RJ. Oras na para malaman ninyo ang buong katotohanan." panimula ni Marichu. "Hindi ko po kilala ang mga ito, kung hindi ko pa natagpuan si Mickey sa Pagsanjan marahil ay hindi ko malalaman ang buong katotohanan." saad muli ng ginang. Patda si Elena sa kaniyang narinig, tila nagyelo ang kaniyang buong katawan sa sinabi ni Marichu. "Nalaman ko na ang Samantha na inalagaan namin ng mahigit isang taon ay hindi pala ito ang tunay naming anak..." pinutol muli ni Marichu ang pagsasalita at tumingin sa kinaroroonan ni Sam na katabi si Arnulfo. "Siya ay walang iba kundi si Alice, na inalagaan, binihisan at itinuring na kapatid ng aking anak na si Sam."

Tila bombang sumabog ito sa pandinig ni Nick, pinukol niya ng masamang tingin ang dalaga na nasa tabi ni Arnulfo nakatungo ito ng ulo. Maging si Arnulfo ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ng kaniyang asawa, dahan dahan siyang tumingin sa nakayukong dalaga.

"Totoo ba ito?" may halong galit sa tinig ng ginoo.

Ngunit walang salita na namutawi sa bibig ng kaniyang katabi. Muling pinagpatuloy ni Marichu ang kaniyang pagsasalita.

"Kung natatandaan ninyo ang nangyaring trahedya sa aking anak isang taon na ang nakakalipas, ito ay dahil sa aking kamag anak. Hindi ko alam kung bakit masyadong malaki ang galit nito sa akin, na pati ang nag iisa kong anak ay idinamay niya walang iba kundi si Elena." dumagondong ang boses nito sa buong paligid. Magkahalong galit at pagtataka ang mababakas sa mukha ni Marichu.

Nadagdagan ang galit at kabang nadarama ni Elena ng marinig niya ang sinabi ng kaniyang kapatid. Marahil ay oras na para malaman nito kung sino nga ba talaga siya sa pamilya ni Marichu.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon