Chapter 33

2.7K 51 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Hindi halos makapaniwala si Marichu sa kaniyang nalaman. Isinalaysay ni RJ ang nangyari sa nakaraan. Panay iling ang ginang habang pinapaliwanag na siya si Sam. 

"Hindi iyan totoo, niloloko ninyo lamang ako!" halos ipagsigawan na ni Marichu ang kaniyang binitiwang salita. 

"Hindi ka namin pipilitin na maniwala agad, pero kung hindi ka talaga naniniwala ba't hindi natin ipa-DNA test si RJ ngayon din." sabad ni Lee Neth sa dalawang nag uusap.

"Mom, natatandaan mo po ba ito?" inilabas ng dalaga ang suo suot nitong kuwintas na nakapaloob sa kaniyang damit. "Lagi ko po itong suot tulad ng bilin ninyo, kasi sabi mo mahalaga ito sa iyo. Binigay ito ni Lola sa iyo noong ika'y tumutuntong sa ika labinwalong taong gulang, pinagawa niya ito mula pa sa Paris na yari sa ginto." mangiyak ngiyak na paliwanag ni RJ.

Itinulos sa kinatatayuan si Marichu, sa mahigit isang taon niyang nakasama ang kinilala niyang anak ay nakalimutan na niya ang isa sa mahalagang ala ala ng kaniyang yumaong ina. Umagos ang masaganang luha sa pisngi ng ginang, at dahan dahang hinahawakan ang suot na kuwintas ng dalaga. 

Kasunod ang mahigpit na yakap ni Marichu sa anak, bumaha ng luha sa hospital na kanilang kinaroroonan. Wala silang pakialam kung pinagtitinginan man sila ng ibang tao doon. Maging si Lee Neth ay napaiyak na din, nakatitig lang naman si Mickey ngunit mababasa sa kaniyang mukha ang labis na kasiyahan.

"Pero bakit nila ginawa ito sa akin lalong lalo na sa iyo?" nagugulohang tanong ng ginang ng humiwalay ito sa pagkakayakap sa anak.

Nagkatinginan naman sina Lee Neth at RJ, hindi pa din nila alam kung bakit nga ba nila nagawa ang bagay na iyon.

"Dahil po gusto daw niyang maghigante sa inyo Mommy Marichu." mahinang sabad ni Mickey na lalong ikinagulat ng ginang.

"Anong sinabi mo Mickey? B-bakit siya maghihigante sa akin?" lumapit ito sa nakahigang bata.

"Noong dinala niya ako sa isang lumang bahay narinig ko po na sinasabi niya, inilibing daw po niya ang kaniyang ina doon. Malapit na daw po niyang matupad ang pangako niya sa kaniyang ina." 

"Teka, nagugulohan ako. Ang pagkaalam ko ay malayong kamag anak namin si Elena iyon ang sabi ni Papa sa amin at hindi ko nakilala ang kaniyang ina dahil noong dinala siya sa amin ay mag isa lamang siya at wala siyang ibang pamilya maliban sa amin." paliwanag ng ginang. "Mickey wala ba siyang nabanggit na pangalan man lang."

Umiling lang ang bata. Pareho silang mga walang ideya kung bakit gustong maghigante ni Elena sa kanila. 

Maya maya ay tumunog ang tawagan ni Marichu, agad nitong kinuha iyon sa loob ng kaniyang bag.

"Si Elena!" 

Napamulagat si Mickey ng malaman na ang ginang ang tumatawag, nanginig ang buo nitong katawan. Lumapit naman si RJ dito at niyakap. 

Napatingin ang tatlo s kinaroroonan ni Marichu, agad sinagot nito ang tawag ni Elena.

"Hello, Elena bakit?"

"Natagpuan mo na daw si Mickey sabi ni Sam, anong nangyari sa kaniya?" tanong ng nasa kabilang linya halatang nanginginig ang boses nito.

"Ay naku hindi naman pala iyon si Mickey nag aksaya lang ako ng panahong pumunta dini. Gusto lang pala n'ung taong nagsabi ng pabuya kaya sinabi niya na si Mickey ang bata iyon. Kapatid pala niya iyon. Pabalik na ako diyan!" mahabang saad ng ginang na nakatitig sa dalawang magkayakap.

Nakahinga ng maluwag si Elena sa kaniyang narinig. Napangisi siya matapos ang kanilang usapan, kasalukoyang nasa silid sila ni Sam at pinagpaplanuhan sana ang mga puwedeng mangyari.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now