Chapter 14

2.3K 38 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang araw upang tanggalin ang benda sa buong katawan ng dalaga. Habang pinapanuod ng lahat ang pagtanggal ng doktor sa benda ng katawan ng dalaga ay halos hindi makahinga ang mga taong nakapaligid dito. Makahawak ang kamay ng mag asawa, habang si Nick naman kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Si Elena naman na nakatindig sa may pintuan ay abot tainga ang pagkakangiti. Nandoon din si Mickey na may hawak na mga bulaklak para sa kaniyang pinakamamahal na ate.

Hindi halos humihinga ang lahat sa paghihintay na makita at masilayang muli ang maamong mukha ng dalaga. Inunang tanggalin ang nasa paa patungo sa ulo. May nakahanda ding piluka para dito na ang sabi ng doktor ay mga ilang buwan ang aabotin bago tumubo muli ang buhok ng dalaga.

Napangiti ang lahat ng sa wakas ay lumabas ang mukha ng dalaga. Walang pinagbago, kung ano noon ang mukha ng dalaga ay ganoon din ito ngayon. Mabilis na niyakap ng mag asawa ang dalaga na kamumulat pa lang. Pagmulat nito ng mata ay ang nakangiting mukha agad ni Nick ang kaniyang nasilayan habang yakap siya ng mag asawa, gumanti siya ng ngiti dito ngunit agad ding nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng unti unting lumalapit si Elena.

"Welcome back..... Samantha." may diing bigkas ng ginang sa pangalan ng pamangkin sinadya nitong patagalin ang pagbanggit sa pangalan ng dalaga.

Tumingin lamang ito sa kaniya dalaga.

"Congratulation Mr. Del Galdo very successful ang ginawa naming operasyon sa inyong Unica Hija." magiliw na bati ng doktor na masayang nakatingin sa buong pamilya.

"Thank you doc, hindi ako nagkamali ng ikaw ang piliin ko."

Ng araw ding iyon ay inilabas na si Sam sa hospital. Masayang masaya ang mag asawa sa pag aakalang ang dalagang kasama nila ay ang kanilang anak. 

Kinabukasan ay nagkaroon ng malaking okasyon sa malaking bahay. Lahat ay pinaayos ng mag asawa maging ang malaking bulwagan sa harapan ng malaking bahay, nagdekorasyon din ang lahat ng katulong maging si Lolo Tonio ng magagandang bulaklak na pinuti nila ni Mickey sa kanilang taniman.

Sa loob ng silid ng dalaga, nakatingin ang dalaga sa malaking salamin ng silid. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang nakikita, hinipo niya ang kaniyang mukha na siya na ngayon si Samantha Del Galdo ang hinahangaan at minamahal ng lahat.

Napangiti ito ng naalala niya ang tagpo ng nagdaang gabi sa pagitan nila ni Nick. Bago ito umalis ay hinagkan siya nito sa labi, masarap pala ang mahalin ng taong minamahal mo. Ngunit sa kabila ng iyon ay pumasok sa kaniyang isipan ang katagang hindi si Alice ang minamahal niya kundi si Samantha, mukha mo lamang ang minamahal ng binata hindi ang pagkatao mo. Marahang ipinilig nito ang ulo. At mariing ipinikit ang mga mata.

"Alice, ikaw na ngayon si Sam. Sa iyo na ang lahat ng tinatamasa nitong karangyaan sa buhay, maging ang lalake mong minamahal ay iyong iyo na. Hindi na muling babalik ang dating Samantha dahil patay na ito." sambit nito sa sarili at naging malawak ang pagkakangiti nito ng muli sa kaniyang pagmulat ay nasilayan ang maganda at maamong mukha ni Samantha.

Napukaw ang kaniyang pag iisip ng biglang pumasok sa loob si Marichu at Elena. 

"Anak, handa ka na ba?" 

Tumango lamang ang dalaga, marahang tumindig ito at lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Nakasuot ito ng hapit na gown na kulay pink, nakataas ang buhok nito. Mayroon ding nakasabit na kuwintas sa leeg nito, isang diamond ang pinili nitong iterno sa kaniyang damit.

"Anak, bakit hindi mo sinuot ang kuwintas na ipinamana ko sa iyo." biglang tanong ni Marichu ng makitang iba ang suot nito.

"Ay ate, nakalimutan kong sabihin. 'Yong kuwintas mo ay suot niya noong mangyari ang aksidente, dahil sinuot niya iyon sa kanilang laban. Alam mo naman iyang anak mo iyon yata ang luckycharm niya, kaya lang ng natagpuan namin siya sa sasakyan ay hindi ko na napansin ang kuwintas baka nalaglag sa umaapoy na sasakyan tapos baka kinuha ng mga pulis o ng kahit sinong tao." pagpapalusot ni Elena na pinagpapawisan ng malapot.

Nagtaka naman si Marichu, mahalaga ang kuwintas na iyon sa kaniya dahil pamana pa iyon sa kaniya ng kaniyang mama na nanggaling pa sa kaniyang lola.

---------

San Pedro Laguna, sa isang antigong bahay ay nakatira ang mag asawang hindi nabiyayaan ng anak. Ilang buwan na nilang binabantayan ang nakahimlay na babae. Halos tatlong buwan na nila itong inaalagaan. Samo't saring gamit panghospital ang nakakabit sa katawan nito upang masiguro lamang ang kaligtasan ng babae. 

Habang pinagmamasdan ng isang ginang ang babaing nahihimlay ay narinig niyang umungol ang babaing nakahiga. Dali dali itong lumapit sa kinaroroonan ng babae. 

Dahan dahang nagmulat ng mata ang babae, ramdam niya ang panghihina ng katawan. Para bang kaytagal niyang natulog. 

"A-anong n-nangyari? N-nasaan ako?" mahinang tanong nito.

"Nandito ka sa amin, huwag kang mag alala ligtas ka dito. Akala namin hindi ka na magigising, salamat sa Diyos at gising ka na iha." nakangiting wika ng ginang. 

Ipinikit muli ng babae ang mga mata, at naalala ang nangyari sa loob ng sasakyan.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now