Chapter 31

2.5K 40 0
                                    

Samantha 

by; Zaiffer

"Hello... RJ, what happen?" tanong ni Lee Neth, nakatanggap ito ng tawag mula kay RJ. "Okay, babalik na ako diyan."

Habang nakikipag usap ang ginang ay nakikinig lamang ang mag ina lalo na si Sam, kulan na lang ay lumaki ang tainga nito makinig lamang ang sinasabi ng kausap ng ginang.

"Marichu, aalis na ako. Hinahanap na ako ng aking anak. Nice to meet you again, and also you Samantha!" saad nito na inilahad pa ang kamay sa harapan ng dalaga. Ngiming tinugon naman ito ni Sam.

"Teka, ano nga pala 'yong sinasabi mo sa akin kanina?" pigil naman ni Marichu na akmang hahakbang na ang ginang.

"Hmmm, sa ibang araw ko na lang sa iyo sasabihin siguro ay talagang hindi pa ngayon ang takdang oras para sabihin ko sa iyo ang tungkol sa bagay na iyon." tugon ni Lee Neth at inihakbang na ang mga paa palabas ng sala. 

Tila isang palaisipan naman kay Marichu ang sinabi ng ginang, hindi mapakali ang kaniyang isipan.

"Mom, paano mo siya nakilala?" 

"Hindi ko siya kilala anak, pero sabi niya kilala daw niya ako. At may sinasabi siya sa akin kanina bago ka dumating." wala sa loob nitong sagot habang nakatitig pa rin sa pintoan na nilabasan ng ginang.

"Nagpapaniwala ka sa mga tao Mom, malay mo may maitim na balak iyon sa iyo." 

"Hindi ko alam anak, basta nagugulohan ako sa sinabi niya sa akin." 

"Hay naku Mom, baka maparanoid ka pa niyan. Huwag mo na pong pakaisipin iyon."

--------

"Pa, bakit hindi ka po nagpasabi na dadating ka? Sana ay nasundo ka namin." wika ni RJ sa bagong dating.

"Ay naku ayaw ko na ginagambala ko kayo, kumusta naman ang pag aaral mo?"

"Okay lang po, kasali na ako sa cheering squad." masayang tugon ng dalaga, habang inaayos ang mga dalang maleta ng Joemar.

"Talaga! Mabuti kung ganoon. Hindi ka naman nahirapan sa bagong classmate mo?" usisa ni Joemar habang tinitingnan ang nasa ibabaw ng mesa na mga gamit pampasok ng dalaga.

"Hmmm, hindi naman po." 

Samantala, sa bahay ng mga Del Galdo. Habang masayang nagkukuwentuhan ang mag ina. Sandaling nakalimutan ni Marichu ang hinahanap niyang bata. Dumating si Arnulfo galing sa trabaho, ilang oras pa ang nakakaraan ay si Elena naman ang dumating. 

"Elena, saan ka nanggaling mukhang pagod na pagod ka ah!" naitanong ni Marichu ng makita ang ginang.

"Ah, diyan lang namasyal saglit. Anong merun at mukhang masaya kayo?"

"Wala naman, masaya lang kami para sa anak namin. Masaya na malungkot kasi malapit na siyang mag asawa!"

"Mom, kahit po may asawa na ako dito pa din ako titira." sagot ng dalaga at humilig pa ito sa balikat ni Marichu.

"Paano kung hindi pumayag si Nick?" biglang tanong ni Elena.

"Hmmm, doon sya sa bahay nila at dito ako." pakunwaring sagot ng dalaga.

Nagkatawanan ang lahat sa sagot ng dalaga. 

"Teka, naalala ko lang nasaan pala si Mickey? Kanina ko pa iyon hinahanap." naisatinig ni Marichu ng maalala ang bata.

"Nandiyan lang iyon, baka kasama ni Lolo Tonio alam mo naman ang batang iyon nagmana kay Lolo." tugon naman ni Arnulfo, nagkatinginan naman ang sina Sam at Elena at tila nag uusap ang kanilang mga mata.

Nang matapos na ang kanilang pag uusap ay kaniya kaniya na silang umakyat sa kanilang silid. Pasimpleng pumasok si Sam sa silid ni Elena at inusisa ang ginang kung saan nito dinala ang bata. Agad sinagot naman ng ginang ang tanong at sinabi kung saan niya iniwan si Mickey.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Sam, pabaling-baling siya sa kaniyang higaan. Naiisip niya ang mukha ni Mickey, napakamasayahin nito. Tila nakokonsensya siya sa ginawa nila dito.

------- 

Matapos ang limang araw, hindi na natagpuan ni Marichu si Mickey. Walang makapagturo kung nasaan ang bata kaya inireport niya sa pulis na nawawala ito. Napamahal na din sa kaniya ang bata kahit hindi ito nanggaling mismo sa kaniyang sinapupunan. Madaling matuto si Mickey, matalino at napakamasayahin. Kaya itinuring na rin niyang parang tunay na anak ang bata.

Binigay niya ang larawan ng bata sa mga awtoridad at sinabing kailangan mahanap ito kahit magbigay pa siya ng malaking halaga.

Samantala, ilang araw ng nakatali si Mickey sa haligi ng bahay. Nanghihina na ang katawan nito dahil sa ilang araw ng walang kain. 

"Ate Sam, tulongan n'yo po ako. Nanghihina na ang aking katawan." wika nito na may kasamang hikbi. Sa ilang araw nitong nakatali ay wala itong ginawa kundi ang umiyak.

Nabasa na din ang suot pang ibaba nitong dahil sa nararamdamang ihiin. Halos magsugat na din ang kamay niya na nakatali dahil pilit nitong tinatanggal ang tali.

Katanghaliang tapat ay napasigaw si Mickey dahil sa kaniyang nakita. Halos mawalan siya ng ulirat ng bumulaga sa kaniyang harapan ang isang malaking ahas. 

Pumalahaw siya ng iyak at hindi na nakayanan ang tensyong nadarama. Nawalan ito ng ulirat at hindi na niya alam kung ano ang sumunod na pangyayari. 

--------

Habang nagbabasa ng diyaryo si RJ isang umaga, wala itong pasok. Nasa harapan ito ng malawak na bakuran ng antigong bahay. 

Halos mabulonan siya sa kaniyang nabasa. Isang bata ang nawawala na nagngangalang Mickey at nakita niya ang larawan ng bata. Mangiyak ngiyak siya ng mabasa ang laman ng diyaryo. Kaya agad siyang umalis at nagtungo sa Kamaynilaan.

Pagkarating niya sa sa lungsod ng Manila ay agad itong dumiretso sa himpilan ng pulisya at nagtanong tungkol sa batang nawawala. Nalaman niya na ilang araw na itong nawawala. Halos manghina ang kaniyang tuhod sa kaniyang nalaman. Naglakas loob ito na pumunta sa mansyon ng mga Del Galdo. 

Habang nasa harapan siya ng malaking bahay ay wala itong magawa kundi ang lumodin ang sariling laway habang nakatitig sa bahay.

Ilang minuto pa siya sa labas ng bahay ng nakita niyang lumabas ang isang katulong may dala itong dalawang malaking supot at mukhang basura ang laman nito. Marahil ay bago ito dahil hindi niya kilala, agad siyang bumaba at nilapitan ang babae.

"Ahmm, Miss mawalang galang na po. Nawawala daw po si Mickey." deritsahang tanong nito.

"Opo, paano nyo siya nakilala?" 

"Ah, eh, kuwan kasi kaibigan siya ng kapatid ko at pareho ang pinapasukan nila. Nabasa ko kasi sa diyaryo na nawawala siya, kaya pala ilang araw na siyang hindi pumapasok." tugon niya na pinahalatang malungkot ang mukha niya.

"Oo nga po eh, mabait pa naman iyon at kasundo naming lahat." 

"Huwag n'yo po sanang mamasamain, bakit po nawala si Mickey?" 

Napatitig ang katulong sa dalaga at sumilip sa malaking bahay bago sinagot ang tanong.

"Huwag mong ipagsasabi ha, baka mapagalitan ako. Narinig ko lang kasi bago nawala ang bata, nag uusap silang mag anak. Parang hindi daw alam ni Sam 'yong kaarawan ng bata, ewan ko mukhang nagdududa 'yong bata kay Sam. At nakita ko din na isinakay nila ng hapong mawala si Mickey sa sasakyan ni Ma'am Elena." 

Nagulat ang dalaga sa kaniyang narinig, tila nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod.

"S-saan nila ito dinala?" pautal na tanong ng dalaga.

"Ewan ko po, ay naku papasok na ako sa loob baka maabutan ako dito sa labas. Baka mapagalitan ako." iyon lamang ang sinambit ng babae at dali daling pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan naman ang dalaga na tulala, nangingilid ang luha nito at tila naparalisa ang buong katawan.

!

SAMANTHAWhere stories live. Discover now