Chapter 25

2.4K 55 1
                                    

Samantha
by; Zaiffer



Pagkatapos ng sayaw ni Sam, nanatili ito sa gitna. Nakatitig pa rin ito sa dalagang panatag na nakaupo lamang. 

"Sana ay nagustohan ninyo ang aking inihandang sayaw para sa bagohang estudyante dito na si Miss Aquino." 

Nagpalakpakan uli ang ilan sa mga estudyante. Nakatitig lamang si Nick sa nagsasalitang dalaga. Naninibago siya dito sa kaniyang nobya ngayon. 

"Halika na Miss Aquino at ipakita ang iyong galing. Alam ko na may ibubuga ka din." mapang hamon na saad nito. 

Napatingin ang lahat ng estudyante na naroon sa kinaroroonan ni RJ naghihintay ng hakbang na gagawin niya, nanatiling nakaupo lamang ang dalaga. Ilang sandali ay tumindig na din ito at unti unting lumapit sa kinaroroonan ni Sam.

"Isang malaking karangalan sa akin ang makatunggali ka Samantha Del Galdo." tugon ng niya, yumuko pa ito ng ulo sa harap ng dalaga. ngunit iba ang nasa isipan niya. Hindi niyang gustong patulan ito ngunit ayaw naman niyang mapahiya ang dalaga, kaya minabuti niya na tanggapin na lamang ang hamon nito. 

Lumapit siya sa kinaroroonan ng sound system may binigay siya sa taong nandoon ang kaniyang tawagan na kung saan ay naka record ang sinayaw niya ng siya ay lumaban sa kanilang unibersidad dati. 

Lumapit muli siya sa gitna, at naghintay ng tugtog. Nanatiling nakatindig si Sam ngunit nasa gilid na ito na hindi kalayuan sa dalaga. 

Isang musikang pang cha-cha ang kanilang narinig, sumayaw ng naaayon sa tugtog ang dalaga. Nagkatawanan ang lahat maging si Sam ay napahagalpak ng tawa. Ngunit ilang sandali pa ay tumigil ang musika. Pinagkrus ni RJ ang kaniyang dalawang binti at dahang dahang umikot, nakatalikod na ito ngayon sa lahat ng estudyante kasabay ng pagbabago ng musika ang dahang dahang pagbaliktad nito inilapat ang dalawang kamay sa semento at itinaas ang dalawang paa. Nagpasalamat siya dahil nakajogging pants siya ng araw na iyon. Lumapat ang dalawa niyang paa sa semento kasabay ang kaniyang pagtindig. Sumilay sa labi niya ang isang matamis na ngiti ng makitang tulala ang lahat ng estudyante maging si Marlon na nanunuod ay kinuhaan siya ng video. 

".....Lately, I've been,
I've been loosing sleep
dreaming about the things 
that we could be.
But baby, I've been I've been
playing hard...."

Sa una ay malumanay lang ang kaniyang galaw na binagay niya sa tugtog. Pailang ulit niyang ginawa ang kaniyang paggalaw hanggang sa maging mabilis ang tugtog. 

"Sitting, no more counting dollars
we'll be counting stars, yeah 
We'll be countings star....

I see this life like swinging vine
swing my heart across the line
and my face is flashing signs
seek it out and you shall find

Sari saring galaw ang kaniyang ginawa, magkasabay niyang pinagalaw kanang paa kasunod at kanang kamay. Kasunod ang kaliwa, umikot at kasabay ang pagkimbot ng kaniyang beywang.

"...Old, but I'm not that old 
young, but I'm not that bold
Idon't think the world is sold
I'm just doing what we're told...

Bahagya niyang itinaas ang kanang at pinantay ang dalawang kamay sa kaniyang ulo, pinagsalitan niya ito ng pagtaas at pagbaba kasabay pa rin ang dahang dahang paggalaw ng kaniyang balakang.

I...feel something so right
doing the wrong thing
I....feel something so wrong 
doing the right thing.... 

Kasunod ang marahang pag talikod sa mga estudyante habang kinikembot niya ang kaniyang beywang. 

I could lie, could lie, could lie
everythings that kills me
makes me feel alive. 

Muli ay pabaliktad itong humarap, inilapat ang dalawang kamay at kasunod ang pagtaas ng kaniyang dalawang paa. Lahat ng estudyante ay sinabayan ng marahang palakpak ang musika at paggalaw ng dalaga.

Lately, I've been, I've been
lossing sleep 
dreaming about the thing
that we cold be 
But baby, I've been, I've been
playing hard
sitting no more counting dollars
we'll be counting stars. 

Hindi na nito natapos ang musika dahil dumating ang kanilang guro sa isa nilang aralin at ito din ang humahawak sa grupo ng cheering squad. Lumapit ito sa kaniya na kasalukoyang hinihingal pa. 

"Miss Aquino...." wika nito, lahat ng estudyante ay natakot dahil sa pagdating ng guro.

"Yes Miss Suares!" walang kagatol gatol na sagot ng dalaga, noong siya pa si Sam ay siya paborito nito kaya siya nakasali noon sa cheering squad.

"Paano mo ako nakilala?"

"Ahm....sandaling nag isip ang dalaga, nakalimutan na naman niya ang kaniyang katauhan bilang si RJ. "My mom told me!"

Napangiti naman ang guro, inakbayan siya nito.

"I like your move's. Can you join to cheering squad?" 

"Really? Oh its my pleasure Ma'am. Thank you so much Ma'am." nakangiting sagot nito.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga estudyanteng nandoon. Lumabas naman ng walang pasabi si Nick, hindi nitong magawang lapitan ang kaniyang nobya. Hindi niya maipahiwatig kung ano ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga. 

Samantala, nagpupuyos naman sa galit ang dalagang si Sam lalo na ng lahat ng estudyante ay sumang ayon sa dalaga, maging sa pag alok ng kanilang guro. 

Pasimple nitong nilisan ang stadium na napansin naman ni RJ. Nagpakawala na lang siya ng hangin habang hinahatid ng tanaw ang papalayong dalaga.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now