Chapter 30

2.6K 46 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Habang nagmamaneho si Elena ay iniisip niya kung saan nga ba niya dadalhin ang bata. Nakalampas na sila sa lungsod ng Manila. Biglang nakadama ng takot si Mickey ng matanaw ang kanilang dinadaanan, hindi na nito alam kung saang lugar siya dinala ng dalawa. Ng maalala nito ang lugar kung saan siya lumaki at sinumpang hindi na muli babalik dahil sa hirap ng buhay. Ang lugar kung saan pinagmalupitan siya ng tadhana. Ang lugar kung saan sinumpa niya na magbabayad ang taong nagdulot sa kaniya ng matinding galit, ang lugar kung saan namatay ang kaniyang ina at dahil sa kahirapan ay mag isa niyang inilibing ito sa may bakuran ng munti nilang tahanan. 

"Sam, bumalik ka na sa bahay." gumagaralgal ang boses nito habang nagsasalita. 

"Bakit tita? Saan mo ba dadalhin ang bata? 

"Basta sundin mo na lang ang aking pinag uutos." 

Itinigil nito ang sasakyan at pumara ng masasakyan ng dalaga, nagugulohan man si Sam ay sinunod na din niya si Elena. Bago sumakay ang dalaga ay tiningnan pa niya ang walang imik na batang si Mickey. Nagsusumamo ang hitsura nito, agad niyang binawi ang tingin sa bata hindi niya kayang tagalan ng titig ito. Hinintay muna ni Elena na makaalis ang sinasakyan ng dalaga bago muling sumakay sa sasakyan at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Pagkaraan ng mahigit dalawang oras ay narating nila ang kaniyang dating lugar, ang Pagsanjan. Isang lugar sa Laguna na may layong isandaan at isa kilometro mula sa Manila. Ang Pagsanjan ay kilalang lugar sa Laguna dahil sa napakagandang tanawin nito na Pagsanjan falls, pamamangka at pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao doon. Narating nila ang barangay ng San Isidro. 

Muling nanariwa ang mga ala alang kayhirap kalimutan ng kaniyang isipan. Kung paano sila namuhay na mag ina sa kahirapan. Kung paano niya nilalakad ang kaniyang pinapasukan na nakapaa lamang, umaga at hapon. Nangilid ang luha nito habang bumababa sa kaniyang sasakyan kahit nag aagaw na ang dilim at liwanag ay mababanaag pa din kung saan sila namuhay ng kaniyang pinakamamahal na ina. Kung saan niya inilibing na mag isa ang kaniyang ina sa bakuran ng munti nilang tahanan.

Dahan dahan siyang naglakad patungo sa isang bahay na kahit inabot na ng taon ay nananatiling buo pa din. Yari ito sa semento na pinagawa ng kaniyang ama noong masaya pa silang magkasama at hindi pa nila nalalaman na may ibang pamilya ang ama niya. 

Gumawi siya likuran ng bahay ay nakita niya ang puntod ng kaniyang ina na may tanim na isang puno, ito ang tanda niya na doon niya inilibing ang kaniyang ina. Walang kakurap kurap naman nakatingin lamang si Mickey sa ginang sinusundan niya ang bawat galaw nito. 

"Inay, nandito na po ako. Malapit ko ng matupad ang aking pangako sa iyo." umagos ang luha na kanina pa nito pinipigil, lumuhod ito at niyakap ang lupa kung saan nakalibing ang kaniyang ina.

Tigalgal naman si Mickey sa kaniyang narinig at nasaksihan. 

"Mahal na mahal ko po kayo inay." halos ipagsigawan na niya ang kaniyang binibitiwang salita, wala siyang pakialam kung may magawi man sa lugar na iyon.

Ng humupa na ito ay tumindig ito at lumapit sa batang si Mickey, kinaladkad nita ito at ipinasok sa loob ng bahay. 

"Alam mo ba kung bakit dito kita dinala? Dahil gusto ko lang ipadama sa iyo ang kalupitan ng ama ni Marichu sa aming mag ina noon." galit na wika nito sa bata na nagsisimula ng umiyak.

"Pero bakit po ako Tita? Ano pong kasalanan ko sa inyo?" 

"Dahil balakid ka sa mga plano ko, ikaw ang sisira ng aking matagal ng minimithi." asik nito, tinitigan niya ang buong bahay na ginagabok na kalawangin na yero nito at nasira na din ang kalahati na dingding nito.

"Alam mo ba na ako ang nagpapatay sa Ate Sam mo, pinatay ko siya dahil galit ako sa kanilang lahat lalo na kay Marichu." 

Tuloyan ng napahagulgol ng iyak si Mickey sa kaniyang narinig.

"Masama ka palang tao, pinatay mo ang ate Sam ko!" pasigaw na wika nito. 

"Mamamatay tao nga ako, at ikaw ang isusunod ko. Wala ng makakapigil sa akin." napahalakhak ito sa binitiwang salita. "Alam mo ba kung sino ang babaing tinatawag mo Sam ngayon, si Alice lamang iyon at sa oras na maikasal na siya kay Nick ay isasalin na ni Marichu ang lahat ng ari-arian nilang mag asawa kay Sam. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?" turan ni Elena ay yumuko pa ito at ipinantay ang ulo sa bata, dinuduro duro niya ang bata. 

Wala namang nagawa ang bata kundi umiyak ng umiyak na lamang. 

Ilang sandali pa ay lumabas ang ginang at makaraan ang ilang minuto ay bumalik na ito na may hawak na panali. Iginapos niya ang katawan ng bata sa nakatindig na haligi sa pinakagitna ng bahay. 

"Tita maawa po kayo, wala po akong kasalanan sa inyo." wika nito na may hikbing kasama.

"Tumahimik ka!" asik ni Elena, at walang lingon likod nitong nilisan ang bahay. 

Naiwang si Mickey na patuloy sa pag iyak at pilit na tinatanggal ang lubid sa kaniyang kamay.

Narinig na lang niya na umandar ang sasakyan ng ginang, wala ng nagawa ang bata kundi umiyak ng umiyak.

"Ate Sam tulongan mo ako!" mahinang sambit nito.

-------

Sa tahanan ng mga Del Galdo ay dumating naman si Lee Neth, pagkababa niya sa kaniyang sasakyan ay agad itong nagdoorbell. Ilang sandali siyang naghintay, maya maya lamang ay dumating ang isang naka-unipormeng katulong. Pinapasok siya nito ng malamang kilala niya si Mrs. Del Galdo. 

Pagkapasok niya sa loob ay pinaderitso siya ng katulong sa malawak na sala. Nakita niya ang nakasabit sa dingding na larawan ng isang dalaga, dahan dahan itong lumapit doon at nabasa niya ang nakasulat.

Samantha....

Isang painting na galing pa sa New York at isang sikat na pintor ang nagguhit nito. Napangiti siya ng makita ang ngiti sa larawan. Isang simpleng larawan na nakapatong ang isang kamay sa baba ng dalaga at simpleng nakangiti. 

"Hinding hindi talaga nababago ang ngiti mo RJ." mahinang sambit ng ginang.

"Sinong RJ?" tanong ng babaing nasa likuran niya, napapitlag pa siya sa biglaang pagsagot ng nasa kaniyang likuran.

"Hi....bati nito na hindi pinansin ang tanong sa kaniya ng ginang. "Ako nga pala si Lee Neth." inilahad nito ang kanang kamay niya sa ginang.

Kahit nagugulohan ay agad inabot naman ito ni Marichu. Pinaupo niya ito at tumawag ng isang katulong upang magdala ng maiinom at makakain para sa ginang.

"Magkakilala ba tayo?" panaka'y naitanong ni Marichu sa kaharap na babae na sa tantiya niya ay nasa edad itong tatlumpo't lima pataas, wala din itong gasinong kuloriti sa mukha tanging hikaw lang at relo ang suot nito sa katawan.

"Nagkita na tayo kanina sa unibersidad." 

"I mean matagal na ba tayong magkakilala,hindi kasi kita natatandaan eh." sagot ni Marichu.

"Hindi, ngayon lang tayo nagkakilala, pero ikaw matagal na kitang kilala." ani Lee Neth.

Nangonot ang noo ni Marichu sa tinuran ng ginang. 

"Paano mo ako nakilala?"

"Dederitsahin na kita, kahit masakit ito sa kalooban ko dahil napamahal na din ang aking inalagan at itinuring na para ko ng anak......hindi na naituloy ng ginang ang iba pa niyang sasabihin dahil sa biglaang pagpasok ni Samantha.

"Mommy...."

"Anak nandiyan ka na pala, saan ka nanggaling? Gabi na ah!

"Diyan lang po sa tabi-tabi." tugon nito at napatitig sa ginang na katabi ng kaniyang ina. Napataas ang kilay nito ng makilala kung sino ang ginang.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now