Chapter 8

2.6K 40 1
                                    

Samantha

by; Zaiffer

"Sam....tawag ng dalagang si Alice. Ipapakita niya dito ang ilang niyang natutunan sa panunuod ng telebisyon. Hinanap niya ito sa silid ng dalaga ngunit hindi niya ito matagpuan. Nakita niyang bukas ang silid ng mag asawa kaya akala niya ay nandoon ang dalaga. Ngunit sa kaniyang pagpasok ay nagulat siya sa kaniyang nabungaran doon.

"Tita Elena!"

"Oh hi Alice! May kailangan ka ba?"

"H-hinahanap ko po si Sam, akala ko nandito siya. Sige po alis na ako, hahhanapin ko pa po si Sam." tugon ng dalaga akmang tatalikod na ito ngunit maagap na pinigalan ito ni Elena.

"Alice, mag usap muna tayo. Puwede mo ba akong tulongan sa aking plano?"

"Ano pong plano iyon?"

"Alam ko na naiinggit ka ya Sam dahil sa mga tinatamasa niyang ginhawa sa buhay." paunang salita nito at nagpalakad-lakad sa harapan ng dalaga. "Kung matutulongan mo ako sa aking plano ay sa iyo mapupunta ang lahat ng tinatamasa niyang yaman."

"A-anong ibig niyong sabihin?" gulat na tanong ng dalaga.

"Tulongan mo akong patayin si Samantha!" deritsahang sagot ni Elena.

Patda ang dalaga sa kaniyang narinig, tila naparalisa ang kaniyang buong katawan. Hindi niya maigalaw maging ang pagbuka ng kaniyang nakaawang na bibig ay hindi niya magawa. Nakatitig lang ang kaniyang mga mata sa nakangising si Elena.

"Alice....sambit ni Sam na nasa may gilid ng pinto.

Lalong nakaramdam ng pagkaparalisa ang buong katawan ni Alice ng marinig ang boses ni Sam. Maging si Elena ay itinulos sa kaniyang kinatatayuan.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pa lang. Hi tita, ahm...anong ginagawa po ninyo dito sa kwarto ng Mom ko?" lumapit ang dalaga sa kinaroroonan ni Elena at humalik ito sa pisngi nito.

"Ah, eh kanina ka pa ba diyan? Tinitingnan ko lang kung madumi na. Ilang araw na kasi itong hindi nalilinisan, ang kabilin bilinan pa naman ng ina mo sa akin ay huwag ko daw pabayaang magkaalikabok ang kanilang silid. Alam mo naman ang iyong ina, kunting alikabok lang parang sasabog na dugo sa tindi ng galit." pagdadahilan nito at kunwa'y ipinagpag ang cover ng kama.

Natawa naman si Sam sa tinuran ng kaniyang tita sabay iling sa unang tanong ng ginang. Totoo naman ang lahat ng binitiwan nitong salita, malinis sa bahay ang kaniya ina. Ayaw makakita ng kahit kunting alikabok man lamang.

"By the way iha kailan nga pala ang inyong paligsahan? Baka sakaling makapunta ako. Hindi ko alam kung kailan ang dating nina ate."

"Hmmm, sa next friday po. Oy Alice kumusta ang practise ninyo?" baling nito sa dalagang hindi gumagalaw sa pagkakatayo.

Biglang natauhan naman ang dalaga at naghanap ng maiisagot.

"Ha, ah, eh okay naman. Kaya nga ako nandito kasi hinahanap para ipakita ang ilan ko pang natutunan." paliwanag nito na medyo nangangatal pa ang boses.

"Oyak ka lang? Parang namumutla ka ah!" turan ni Sam, tumindig ito at lumapit kay Alice.

"Oo okay lang ako. Halika ipapakita ko sa iyo ang aking natutunan." sagot nito at walang sabi sabing hinila ang kamay ng dalaga palabas ng silid.

Napatitig naman si Elena sa dalawang palabas. Dahan dahan itong umupo sa gilid ng kama at matamang nag isip.

"Mapapasaakin din ang lahat ng ito." may diing sambit nito at lumabas na ng silid nagderitso ito sa sariling silid.

Pagkapasok ay agad na ikinandado ang pinto, may kinuha ito sa kaniyang kabinet na lumang box. Binuklat niya ito at tiningnan isa isa ang laman. Mga lumang larawan, muling sumagi sa kaniyang isipan ang nakaraang hindi niya makakalimutan.

"Nay, bakit mo ako iniwan? Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo hindi mo ako iiwan." umiiyak na turang ng batang si Elena.

Kinuyog niya ang kaniyang ina nagbabakasaling magigising pa ito ngunit napagod lamang siya sa kaniyang ginagawa. May mga ilang kapitbahay ang tumulong sa kaniya upang maisayos ang libing ng kaniyang ina.

May sakit na lukemia ang kaniyang ina, at ito ang kaniyang ikinamatay. Hindi na ito nakapagpagamot man lang dahil sa wala silang pampagamot, hinintay na lamang nito ang pagdating ng kaniyang kamatayan.

Ang kaniyang ama ang dahilan kung bakit sila naghirap mag ina. Hindi niya nakasama ng matagal ang kaniyang ama dahil sa may iba itong pamilya at ito ay ang ama ni Marichu.

Halos araw araw pumupunta ang kaniyang ina sa bahay ng kaniyang ama ngunit umuuwing bigo. Nakita niya kung paano maghirap ang kaniyang ina. Simula noon ay nagtanim na siya ng galit sa kaniyang ama.

Kinuha siya ng ina ni Marichu ng malaman na wala na kaniyang ina. Alam nito na may ibang kinasama ang kaniyang asawa. Kilala ng ginang ang kaniyang ina. Naging mabuti siya sa harapan ng kaniyang madrasta at kaniyang ama maging kay Marichu na ang alam nito ay malayong kamag anak nila.

Hinintay niya ang araw na matatanggap siya ng kaniyang ama bilang anak ngunit nagkamali siya hanggang sa pumanaw ito ay hindi siya kinilalang anak. Mula noon ay itinanim niya sa kaniyang isip at puso ang galit para sa kaniyang ama. At sinumpa niya na balang araw ay makakaganti din siya sa pamilya ng kaniyang ama kahit na sa anumang paraan.

Naikuyom niya ang lumang litrato ng kaniyang yumaong ama kasama ang kaniyang pinakamamahal na ina. May namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Makakaganti din ako sa iyo, panuorin mo ang gagawin ko sa pamilya mo." may diing bigkas nito. Puno ng galit at mga mata at muling ibinalik ang lumang litrato sa maliit na kahon.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now