Chapter 6

2.8K 43 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Naging papular agad sa buong campus si Alice dahil sa ipinakitang husay nito sa pagsayaw. Masaya naman si Sam para sa dalaga, nakikita niyang maligaya na ngayon si Alice. Kahit sa mga ganoong paraan ay masabi niya na may naitulong siya dito.

"Sam...tawag ni Alice, nakita niya na nag iisa ang dalaga sa kantina. "Alam mo sabi ng aming guro ako daw ang kukuhain nilang maging cheer leader sa basketball team." masayang saad nito.

"Talaga, wow congrats." tugon ni Sam at niyakap ito.

"Pero kinakabahan ako, paano kung hindi ko magawa ng tama? Paano kung magkamali ako?"

"Alice ito ang tandaan mo, mas maganda na 'yong nagkakamali tayo sa bawat galaw natin dahil diyan nalalaman nating kung paano gumalaw ng tama. Sa bawat pagkakamali natin natuto tayo, pinapatibay tayo ng ating bawat pagkakamali." paliwanag ng dalaga.

Tumango lamang si Alice at matamang nag isip. Dumating naman si Nick kasama ang ilan niyang barkada. Si Nick ang captain leader ng basketball team, mahusay itong captain.

"Hi baby!" bati nito kay Sam na kasalukuyang umiinom ng softdrinks.

"Hi babe." ganting bati nito.

Umupo ito sa tabi ni Sam kaya napatapat ito kay Alice.

"Hi Alice."

Nginitian lang ito ng dalaga, hindi niya malaman ang gagawin sa tuwing nakikita ang binata. Dinadaga ang kaniyang dibdib.

"Babe, kinuha siyang cheer leader sa basketball team niyo."

"Wow talaga! Congrats Alice!" nakangiting saad nito.

"Thank you." tipid na sagot nito. Pilit nitong nilalabanan ang damdamin namumuo para sa binata. Alam niyang wala siyang laban kay Sam at alam din niya kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Pinilit nitong ngumiti sa harap ng kaniyang mga kasama lalong lalo na kay Sam. Ngunit pakiramdam niya ay nag iisa lang siya lalo na kapag naguusap ang dalawang magkasintahan. Hindi niya namalayan na oras na palang muli ng kaniyang klase. Tumingin ito sa suot na relo at nagpaalam na ito sa kaniyang mga kasama.

Habang naglalakad patungo sa silid kung saan ang sunod na kaniyang klase ay may narinig siyang nag uusap sa isang gilid ng school.

"Buti naman pala at hindi si Sam ang ginawang cheer leader ng basketball team ngayon. Nakakasawa na din siya." ani ng isang babae.

"Oo nga, pero may narinig akong balita na si Sam daw ang nakiusap kay coach na huwag na siyang piliin at ibigay na lang daw dun sa baguhan dito sa school ang pagiging cheer leader." paliwanag naman ng isang babae.

"Hmm....bakit kaya niya ginawa iyon? Ilang taaon na din na siya ang leader ah, bakit niya binigay sa iba?"

Nagkibit balikat na lang ang isa pang dalaga. Habang nakikinig si Alice ay hindi niya malaman ang kaniyang nararamdaman, kung dapat ba siyang matuwa kay Sam. Pero sa kabilang banda ay naiinis siya dahil buong akala niya ay siya talaga ang pinili ng kaniyang guro upang maging cheer leader iyon pala ay dahil lang sa pakiusap ni Sam.

"Masyado na bang sikat si Sam sa buong campus? Kung ganoon ako naman ang kikilalanin ng lahat, hindi kita bibiguin Sam." bulong nito sa sarili at may pait ang mga ngiting binitiwan nito bago tuloyang pumasok sa room.

Tulad ng dati sa tuwing uwian ay magkasabay ang dalawang umalis sa campus. Habang naglalakad si Sam palabas ng ng gate ng eskuwelahan ay biglang sumulpot si Nick sa kaniyang likuran.

"Baby, mamaya pa kami nag eensayo kasi kami ngayon eh." saad nito ay hinapit sa beywang ang dalaga.

Kitang kita naman ni Alice ang ginawa ng binata kay Sam, tila may kutsilyong tumarak sa kaniyang puso. Iniiwas na lang niya ang kaniyang paningin sa dalawa habang hinihintay ang dalaga sa may gate.

"Ok, pagkatapos ng practise nyo umuwi agad ha."

Tumango naman ang binata at ginawaran muna ng isang halik sa labi ang dalaga. Nagpaalam na ito na babalik sa lugar kung sila nagpapractise.

Sa sasakyan, habang binabagtas nila ang daan patungo sa malaking bahay ay napansin ni Sam na tahimik si Alice.

"Alice may problema ka ba?"

"Ha, ah. Wala! Bakit mo naman naisip na may problema ako?"

"Hindi kasi ako sanay na tahimik ka, dati naman ang sigla sigla mo. Baka may sakit ka huwag kang mahihiyang magsabi, ipapacheck up agad kita." nag aalalang sagot ni Sam.

"Wala, may biglang pumasok lang sa isipan."

"Ano naman iyon?" muling tanong ng dalaga.

"K-kinakabahan kasi ako, paano kung hindi ko pala kayang maging leader sa squad? Paano kung pumalpak ako?" pagdadahilan nito.

"Ano ka ba 'diba sinabi ko na sa iyo na huwag mong isipin na hindi mo kaya. Magtiwala ka lang sa sarili mong kakayahan alam ko na magagawa mo ng tama iyon."

Napangiti naman si Alice sa kaniyang narinig at muling itinuon ang sarili sa tinatahak na daan.

Ng makarating na sila sa malaking bahay ay agad nilang nakita ang malalaking maleta sa labas ng bahay na ipinagtaka nilang dalawa.

"Sinong dumating?" tanong ni Alice.

Nagkibit balikat naman si Sam, wala din itong ideya. Wala namang sinabi ang kaniyang magulang tungkol sa bisita.

Maya maya pa ay lumabas ang kaniyang ina, bihis na bihis ito kasunod ang kaniyang ama.

"Mom, dad saan ang punta niyo?"

"Iha may biglaan kaming pupuntahan. Im sorry iha, ngayon lang ipinaalam ng Uncle Ruben mo na may problema sa negosyo natin sa Amerika at kailangan naming ayosin iyon." paliwanag ni Marichu.

"Hanggang kailan po kayo doon?"

"Hindi ko alam, siguro hanggang sa maayos na iyon. Take care of your self habang wala kami ng daddy mo ha!" turan ng ginang at niyakap ang dalaga, yumakap din ito kay Alice.

Pagkakuwa'y ang ama naman ni Sam ang nagbilin sa dalaga.

"Dont worry iha nandito naman si Tita Elena mo, kung may problema tumawag lang kayo alam mo naman ang numero ng Uncle Ruben." ang tinutukoy ay ang nag iisa nitong kapatid na nasa ibang bansa.

Bumaling ito kay Alice, sa maikling panahon ay itinuring na rin ng mag asawa na kadugo ang dalaga.

"Mag iingat kayo palagi ha." saad nito kay Alice at niyakap din ito, dama ng dalaga ang init ng yakap ng isang ama. Tila nabuhay muli ang kaniyang ama sa katauhan ng ama ni Sam, maalalahanin ito at mapagmahal na ama.

"Ingat din po kayo dad doon." sagot naman ng dalaga, sinanay na niya ang sarili na Daddy at Mommy ang itatawag sa mag asawa dahil ito ang kagustohan ni Sam.

Tumango naman ang matandang lalake. Lumapit ito sa kaniyang anak at hinalikan sa noo.

Matagal ng nakakaalis ang mag asawa ay nanatili pang nakatayo si Sam sa may pintuan ng malaking bahay. Hindi siya sanay na malayo ang kaniyang magulang. Nagpakawala muna ito ng hangin sa dibdib bago malungkot na pumasok sa kabahayan.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now