Chapter 23

2.4K 50 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Walang pahinga ang dalagang si Sam sa pag eensayo sa kaniyang sayaw. Hindi na halos ito lumalabas ng kaniyang silid lalo na at walang pasok, hatinggabi na din ito kung matulog na ikinabahala naman ng

kaniyang mga magulang sa pag aakalang may dinaramdam ito.

Kinausap siya ng kaniyang ina dahil sa sobrang pag aalala nito. Pumasok ang ginang sa silid ng dalaga at nakita niyang pawisan ito na ikinagulat ng ginang.

"Anak anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ng ginang.

"Wala po Mommy! Nag eensayo lang po ako dahil may sasalihan ako na sayaw." palusot nito sa ginang.

Kinuha ng ginang ang towel na nakapatong sa ibabaw ng higaan ng dalaga at pinunasan ang tumutulong pawis sa noo ng kaniyang anak. Napangiti ang dalaga sa ginawa ni Marichu.

Ngayon lang niya napagtanto na masarap pala sa pakiramdam ang may nag aalagang isang ina. Napakagaan sa pakiramdam. Naisip niya ang kaniyang tunay na ina, marahil kung hindi sila nito iniwan ay masaya sila kahit salat man sila sa kayamanan. Nakadama ng lungkot ang dalaga ng sumagi sa kaniyang isipan ang ang yumaong ama. Mahal na mahal niya ito. Tulad din ni Sam ay itinuring siyang prinsesa nito, ayaw masugatan o madungisan man lang. Pero ngayon ay nakagawa siya ng isang malaking kasalanan ngunit sa isip niya ay hindi niya pinagsisihan dahil naranasan niya ang mahalin, naranasan niya ang mamuhay ng isang tunay na prinsesa.

-------

Sa unibersidad habang nanunuod ng mga nag eensayo si RJ ay lumapit si Marlon dito.

"Nag iisa ka yata!"

"Ikaw pala Marlon, wala pa naman akong gasinong close dito maliban sa iyo." nakangiting sagot ng dalaga.

"Alam mo ang cute mo talaga kapag ngumingiti ka. Feeling ko malalaglag ang puso ko sa tuwing nakangiti ka." turan nito na hinawakan pa ang tapat ng puso niya.

Napatawa na ng tuloyan ang dalaga sa tinuran ng binata. Hindi nila napansin ang grupo ni Sam na nakatingin sa kanila.

Tumabi ang dalaga sa kinaroroonan ni RJ, halos magkasintaas lang ang dalawa medyo malaki lang ang katawan ni Sam kesa kay RJ. Napatitig si RJ sa dalaga na pinapanuod din ang ilang nag eensayo.

"Gusto mo bang mapabilang sa mga sikat na tulad ko?" walang kagatol gatol na tanong ni Sam.

"Hindi ko naman kailangang maging sikat, kuntento na ako sa kung nasaan ako ngayon." may diing sagot ng dalaga.

"Huwag ka ng mag maang maangan pa, maraming beses ko ng narinig iyan dito. Ipakita mo ang galing mo!" tumingin ng deritso ang dalaga sa katabi, nanghahamon ang mga titig nito.

"So, ano ang ibig mong sabihin?" matapang na sagot ni RJ.

"Hinahamon kita sa isang sayaw, galingan mo lang ha!" saad nito at sinipat ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Napangisi naman si RJ, ito na ang kaniyang pinakahihintay. Kahit hindi siya manalo sa hamon ng dalaga ang mahalaga sa kaniya ay ang makita ang dalagang sumasayaw. Magaling din naman si Alice na sumayaw noon ang gusto lang niyang malaman ay kung mas naging mahusay pa ba ito.

Pagkawika ni Samantha ay tumalikod na din ito kasunod ang ilan niyang mga kasamahan. Napamaang naman si Marlon na nakikinig lamang sa kanilang usapan. Hindi pa rin ito makapaniwala na ang dating Samantha noon ay nagbago na ng ugali. Nasaan na ang pagiging mababang loob nito? Napailing na lang ang binata.

"Sigurado ka ba?"

"Saan?" maang na tanong ng dalaga at tiningnan ang katabing binata. Sa lahat ng kaniyang mga kaklase ay ito ang isa sa naging malapit sa kaniya noon pa man.

"Sa sinabi ni Sam!" tugon ng binata at muli ay tumitig sa nag eensayong mga estudyante.

"Wala namang masama sa alok niya ah! Nasasabik na nga rin akong makaduwelo siya, sabi kasi ng ilan si Samantha daw ang pinakamagaling magsayaw dito."

Maya maya pa ay nilisan na rin ng dalawa ang lugar at sa kanilang paglalakad ay nakasalubong nila ang grupo ni Nick na katatapos lamang mag ensayo.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now