Chapter 34

2.8K 52 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Nalalapit na ang araw ng kaarawan ni Sam, kaya naman pinaghahandaan na ito ng mag asawa lalo na ni Marichu. Tuwing linggo ay lumuluwas sa Kamaynilaan si RJ kasama si Mickey at nakikipagkita sa kaniyang ina, minsan ay kasama din nila si Lee Neth at Joemar.

Linggo ng hapon nasa isang sikat na mall sina Marichu kasama ang kaniyang anak, si Mickey at Lee Neth, kasalukoyan silang kumakain sa isang kainan doon. Habang masayang nagkukuwentuhan, natanaw ni RJ ang papalapit na si Elena. Agad nitong pinaalis si Mickey, isinama niya ito sa loob ng banyo mabuti na lamang at nakatilod ang bata at may humarang pa na isang babae kay Elena na mukhang kaibigan niya.

"Ate Sam, bakit po?"

"Nakita ko si Tita Elena, palapit sa atin kaya dito muna tayo habang nasa labas pa iyon."

Ilang minuto din sila sa loob ng banyo, maya maya ay pumasok si Lee Neth at sinabing nakaalis na si Elena. Pagkalabas nila sa banyo ay pinatalas ni RJ ang kaniyang mata may pangamba pa rin sa kaniyang dibdib.

Agad silang nagpaalam sa kaniyang ina pagkatapos nilang kumain.

"Okay po Mommy, mag iingat po kami. Tawagan n'yo na lang po ako kapag nakarating na kayo sa bahay." humalik muna ito sa pisngi ng kaniyang ina bago tumalikod at lumabas ng restauran.

"Lee Neth....habol ni Marichu... Salamat sa pag aalaga sa anak ko!"

"Walang anuman iyon, sige tutuloy na kami baka maabutan pa kami ni Elena dito." paalam ng ginang, kumaway pa si Elena sa tatlo at umusal ng panalangin para sa mga ito.

Hindi nito nasabi ang kaniyang plano sa kaarawan ni Sam, kaya pagkarating sa kanila ay agad nitong tinawagan ang numero ng kaniyang anak.

Agad namang sinagot ni RJ ang tawag ng kaniyang ina at sinabi ni Marichu ang kaniyang plano para sa kaniyang kaarawan.

Araw ng lunes, masayang pumasok si RJ nasasabik na siyang dumating ang kaniyang kaarawan. Maging si Sam ay ganoon din, lahat ng kaniyang kaibigan, kagrupo at maging ilan sa kaniyang mga guro ay inimbitahan ng kaniyang ina. Walang pagsidlan ang tuwa ng dalawa, lalo na si Sam.

Pagkarating ni Sam sa kaniyang pinapasukan ay masaya niyang binalita sa lahat ang kaniyang nalalapit na kaarawan at binigay nito ang mga imbetasyon na pinagawa ng kaniyang ina.

Magkaharap sina Marlon at RJ, nagulat silang dalawa ng lumapit ang dalagang si Sam. At may iniabot ito sa kanila.

"Para sa inyo, baka gusto ninyong dumalo sa aking kaarawan. Libre iyan!" nmapang asar na saad ng dalaga, hindi na nito hinintay ang isasagot ng dalawa tumalikod na ito at umupo sa kaniyang bangko.

Napangiti ng lihim si RJ at binasa ang imbetastyon na para sa kaniya. Binalingan nito ang kaniyang kaibigan na si Marlon.

"Marlon pupunta ka ha! Gusto kung pumunta doon at makita ang kaniyang kaarawan."

"Okay, kung iyan ang gusto mo. Pupunta ako para sa iyo." saad ng binata.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Sam, sa harapan ng malaking bahay gaganapin ang okasyon. Hindi magkandaugaga ang lahat, maging si Marichu ay panay ang dalangin. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

Dumating ang gabi, isa isang dumating ang mga imbentadong tao. Sikat man o hindi estudyante at mga guro. Sa taas ng bahay ay panay ang tingin ni Sam, tila may hinahanap siya ngunit hindi pa niya ito nakikitang pumapasok sa kanilang gate. Dumating si Marlon ngunit dismayado siya ng hindi pa rin dumadating ang kaniyang hinihintay....si RJ.

Pumasok si Marichu at Arnulfo sa silid niya. Pinagmasdan ng ama si Sam.

"Napakaganda mo talaga anak!" saad nito at hinawakan ang isang kamay ng dalaga, dahan dahan itong itinaas at iniikot.

Abot langit naman ang ngiti ni Sam ng mga sandaling iyon, nakatitig lamang si Marichu sa dalawa. Hindi alam ng kaniyang asawa ang tungkol sa kanilang lihim, wala siyang pinagsabihan ni isa man.

"Mom, bakit parang hindi ka po masaya?" baling nito sa ginang.

"Syempre masaya ako para sa iyo anak. Halina na sa baba at mag uumpisa na ang party."

Tumalima naman ang dalaga, inayos niya muna ang kaniyang suot. Isang pink gown na may hukab sa likod at may hati sa gitna ang kaniyang suot. Nakapusod ang buhok nito na pinaayos pa sa isang sikat na hair styler.

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumaba na ang mga ito nasa kanan si Arnulfo at kaliwa namang bahagi ni Sam si Marichu.

Habang naglalakad sila palabas ng bahay ay abot abot ang pagpintig ng puso ni Marichu. Tumigil sila sa likod malaking tabing na pinagawa ni Marichu may nakadesenyo dito na pangalan ni Sam. Nagtaka ang dalaga kung bakit may hati ito sa gitna, nasa kaliwang bahagi siya ng malaking tabing ngunit ipinagwalang bahala na lang niya ito. Lumabas si Marichu at pumunta ito sa gitna si Arnulfo naman ay nagtungo sa isang mesa na kung saan ay nandoon si Nick.

"Magandang gabi po sa inyong lahat, nagpapasalamat po ako sa mga dumalo sa okasyong ito. Ngayon po ang ikadalawampong kaarawan ng aking nag iisa at pinakamamahal na anak, marami man po ang naging balakid sa kaniya ngunit.....huminto muna ito sa pagsasalita at tumingin ito sa kanang bahagi ng malaking tabing na tela.... Sa awa po ng Diyos ay nakaligtas ang aking anak. Mga panauhin hindi ko na po patatagalin pa ang inyong paghihintay ikinagagalak ko pong ipakilala ang aking anak si Samantha Del Galdo." halos yumanig ang buong paligid sa lakas ng pagsasalita ni Marichu, nagpalakpakan ang lahat at lumabas si Sam mula sa kaliwang bahagi ng tela.

Ngunit nagulat ang lahat sa kanilang nakita, maging sina Arnulfo at Nick ay napatayo sa kanilang kinauupoan. Patda naman si Elena, maging si Sam ay tila itinulos sa kaniyang kinatatayuan.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now