Chapter 4

3.1K 49 1
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Ng malaman ni Sam ang nangyari sa buhay ay hindi ito nag atubili na tulongan ang dalaga. Nakiusap siya sa kaniyang ama na pag araling muli ang dalaga na agad naman inayos ng ama ni Sam. May kinuhang exam si Alice upang sa gayon ay hindi na niya mapag aralang muli ang mga aralin na hindi niya natapos noon. Pumasa naman ito at sa kaniyang pagpasok ay nasa kolehiyo na siya.

Tinuruan din ni Sam ito kung paano kumilos ng tama sa harap ng publiko at mga sari-saring bagay pa. Walang pagsidlan naman ang kasiyahan ni Alice, at mababakas sa anyo nito ang kasayahan nadarama.

Habang nasa isang malawak na silid si Sam at kasalukoyang nag eensayo ng kaniyang sayaw ay nanunuod sina Alice at Mickey. Humanga sa kaniya si Alice, si Mickey naman ay napapasunod din ang katawan sa paggiling ng kaniyang ate Sam.

Nasa harapan ng isang mahabang salamin si Sam, habang umiindayog ang katawan nito sa pagsayaw ay sunod din ang pagkibot ng kaniyang labi. Ng matapos na ang tugtog ay sabay na pumalakpak ang dalawang manunuod. Lumapit ito sa kaniya at binigyan ng towel.

"Ang galing mo naman Sam!" bati ni Alice.

"Thanks!" nakangiting sagot ng dalaga at ininom ang binigay na tubig ni Mickey.

"Magaling ka ding kumanta narinig ko n'ung minsan. Bakit pagsasayaw ang hilig mo? Samantalang sa pagkanta hindi ka na mapapagod."

"Mas gusto ko ang pagsayaw kasi feeling ko para akong lumilipad, at 'yong tipo ba na lahat ng galaw ay nagagawa ko."

Tumango lang naman si Alice. Muli ay tumindig ang dalagang si Sam at humarap sa salamin, muling umindak kasabay ng tugtog. Biglang may pumasok sa isipan ng dalaga habang nagsisimula ng magsayaw, tumingin ito kay Alice. Maya maya ay lumapit ito sa nakaupong dalaga at niyaya niya itong magsayaw.

"Ay hindi ako marunong magsayaw Sam, tama na iyong tagapalakpak mo lang ako."

"Madali lang, kaya nga tuturuan kita." hinawakan nito ang kamay ni Alice, pinatindig sa harap ng salamin pinagalaw niya ang kaniyang dalawang paa kasabay ang mga kamay at ginawa ito ni Alice. Noong una ay mabagal hanggang sa kalaunan ay pabilis ng pabilis.

Tamang tyempo, tamang galaw ng paa at kamay iyan ang sinabi pa ni Samantha kay Alice. Ngayon ay magkasabay na ang dalawa sa pag indayog ng katawan sa harapan ng salamin.

Nang magsimula na ang araw ng pasukan ay magkasabay silang pumasok dahil pareho sila ng unibersidad. Pagkarating nila sa gate ng unibersidad ay tila hindi maihakbang ni Alice ang kaniyang mga paa, hindi niya lubos maisip na ngayon ay nandito na siya sa minsan niyang pinangarap na pasukan noong unang salta pa lang niya sa Manila.

"May problema ba Alice?" takang tanong ni Sam ng mapansin niyang tahimik na nakatayo lamang ito sa may gilid ng gate.

Napailing naman ang dalaga. Kasabay ang pagpatak ng isang butil na luha sa kaniyang mata.

Lalong nagtaka si Sam sa nakitang hitsura ni Alice. Nilapitan niya ito ay hinaplos ang likod.

"Masaya lang ako, hindi ko lubos maisip na ngayon ay nandito na ako sa harap ng dati kong pinapangarap." magkahalong tuwa at pait ang mababakas sa mukha nito. "Sana buhay pa si Itay!"

"Huwag mo ng isipin ang iyong itay, alam ko kahit saan ka pumunta lagi siyang nakabantay sa iyo." pagpapalakas loob ng dalaga.

"Salamat, napakabuti mo Sam. Siguro kung iba ang sakay ng sasakyan noon hindi man lang siguro ako papansinin."

"Huwag mo ng isipin iyon, ang mahalaga ay 'yong ngayon. Isipin mo na may bukas pa sa isang taong tulad mo." nakangiting saad nito ay niyakap ang dalaga.

Magkahawak kamay silang pumasok sa gate. Natanaw naman niya ang kaniyang nobyo sa may sulok ng unibersidad kasama nito ang ilan niyang barkada. Agad niyang hinila ang kamay ni Alice upang puntahan ang binata.

"Hi baby!" bati ng binata ng makitang papalapit si Sam, humalik ito sa pisngi ng dalaga. Gumanti naman si Sam ng yakap dito. Binati din niya ang mga kasama ng binata.

Napatingin naman si Nick sa kasama ng kaniyang nobya.

"Ay nakalimutan ko na, by the way guys si Alice nga pala dito din siya mag aaral. Kamag anak namin sa malayong lugar." pagpapakilala nito sa dalaga at iniisa isa ang mga kasamahan ni Nick. Nakipagkamay pa ang ilan sa dalaga.

"Hi Alice, Im Nick boyfriend ng maganda mong pinsan. Lahi talaga kayo ng magaganda, saan ba kayo nagmana?" pabirong turan nito kay Alice ngunit totoo namang maganda din ito tulad ni Sam.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot nito pagdating sa binata, may kung anong nadama siya ng magkadait ang mga palad nito. Ang binata na ang unang bumitaw sa pagkakadaop ng kanilang palad at bumaling kay Sam.

"Ikaw talaga nambola ka pa." turan ng dalaga sabay kurot sa tagiliran ni Nick.

"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah! 'Diba Alice lahi ninyo ang magaganda?"

Napatawa naman si Alice sa tinuran ni Nick. Maging si Sam ay hindi napigilan ang pagtawa.

Habang nag uusap si Sam at Nick ay malayang pinagmamasdan lamang ito ni Alice. May kung anong damdamin ang biglang umusbong sa kaniyang dibdib para sa binata. Tiningnan niya si Sam, muli ay nakadama siya ng inggit para dito.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now