Chapter 5

2.8K 49 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Matuling lumipas ang araw, natutunan na ni Alice kung anong buhay mayroon soya ngayon. Sa kabila ng tinamong ginhawa ni Alice ay hindi pa rin niya maalis sa kaniyang dibdib ang salitang inggit lalo na kapag magkasama sina Sam at Nick.

Dumating ang araw ng kompetisyon ni Sam para sa sayaw, ang grupo nila ang representative ng kanilang unibersidad. Habang nanunuod si Nick sa sumasayaw na mga mag aaral ay biglang sumulpot si Alice. Magkatabi sila sa upoan. Palihim na pinagmamasdan ng dalaga ang katabing binata. Naisip niyang napakasuwerte ni Sam mayaman na, nasa kaniya na ang lahat at mayroon itong nobyo nagwapo, mabait, maalalahanin.

Nakita niyang pumalakpak ito ng matapos na ang sayaw ng grupo. Tumindig ang binata at sinalubong ang papalapit na dalagang si Sam. Maging siya ay lumapit din at binati ito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay inanunsyo na ang mga nagwagi. Sabay sabay na naghiyawan ang grupo ni Sam ng sila ang itanghal na nanalo sa paligsahan. Muli ay pumunta ang grupo nila sa entablado at muling umindayog ng sayaw, bago magsimula ay sayaw ay hinila niya ang kamay ni Alice.

"Sam, saan mo ako dadalhin?" takang tanong nito.

"Magsasayaw tayo!"

"Teka, hindi ko kaya."

"Kaya mo iyan 'diba ginawa na natin ito sa bahay."

Pumailanlang ang isang masiglang musika. Magkatabi sina Sam at Alice sa unahan. Iginalaw ni Sam ang kaniyang unahang paa, noong una ay medyo nahihiya pa si Alice kaya hindi siya masyadong makasabay kay Sam. Nginitian ito ni Sam at pinalakas ang loob nito. Sabay na umikot ang dalawa habang ginagalaw ang kanilang mga kamay.

Lumakas ang palakpak at hiyawan ng mga estudyante sa buong stadium, natapos na hingal ang dalawa.

"Diba sabi ko sa iyo kaya mong gawin! Masarap magsayaw 'diba." ani Sam.

Hinawakan nito ang kamay ni Alice habang naglalakad. Napaisip si Alice habang nakatingin sa kanila ang ibang mga estudyante. Masarap pala ang pinapalakpakan at hinihiyawan ng mga tao, 'yong pakiramdam na isa kang artista, madami pang sumagi sa isipan ni Alice hindi niya namalayan na nakalabas na pala sila ng stadium.

Hindi niya namalayan kung paano sila nakarating sa kantina ng unibersidad. Umorder na sila ng mga pagkain, at umupos a napiling mesa. Habang kumakain sila ay napapatingin ang dalagang si Alice sa katapat na si Sam at Nick, nagsusubuan sila ng pagkain. Biglang may kung anong nadama siya sa kaniyang nasisilayan.

Selos!

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya para sa nobyo ni Sam, pero masasabi niya na gusto na niya ang binata.

Nang makauwi na sila sa malaking bahay ay agad na nagtungo si Sam sa sala na kung saan ay nagpapahinga ang kaniyang ina.

"Hi Mom!" bati nito at humalik sa pisngi ng ginang.

"Kumusta ang araw ng aking dalaga?"

"Okay lang naman po, nanalo kami!" sigaw nito at tinaas pa ang dalawang kamay.

Nakamasid lang si Alice sa dalawa, ng biglang sumulpot sa likuran niya si Elena.

"Hi Alice!"

"Ay.....tita Elena nagulat naman po ako sa inyo." sagot nito at napahawak ito sa tapat ng kaniyang dibdib.

Napatitig si Elena sa kinaroroonan ng mag ina.

"Alam mo Alice minsan nakakainggit sila. Nasa kanila na ang lahat ng nanaisin ng isang tao, kayamanan, katanyagan at kung ano ano pa. Naisip ko madaya si Lord, hindi niya tinupad kahit isa man lang sa mga hiniling ko. Ano nga bang kasalanan ko sa Kaniya at bakit wala man lang siyang tinupad sa mga hiniling ko? Mabait din naman ako, lahat ginagawa ko para lang matawag na mabait." sambit ni Elena habang nakatitig sa mag ina.

"Huh? Ano pong ibig niyong sabihin tita Elena?" takang tanong ni Alice.

Tumingin sa kaniya ang ginang at sumilay ang isang mapait na ngiti.

"Wala, forget what I'm saying." wika nito at tinapik ang balikat ng dalaga sabay talikod dito.

Napaisip naman ang dalaga sa mga sinambit ng ginang, habol tanaw niya ito habang papaakyat sa itaas ng bahay.

SAMANTHAWhere stories live. Discover now