🎗Chapter 10🎗

65.6K 2.8K 145
                                    

Snow's POV

Naglakad-lakad kami ni Mikaella at ewan ko ba dahil parang inuulan kami ng suwerte ngayon at nakahanap kami kaagad ng trabaho. Isa itong kaninan simple pero sikat. Isa kami sa mga waitress. Noong una ay talagang nganga ako dahil wala akong alam sa mga pinanggagawa ko pero itong si Mikaella eh ang galing galing kaya halos maubusan ng pasensya yung boss namin sa akin. Sinigawan pa ako na kung hindi lang daw ako maganda ay sinesante na ako. Kaya naman todo effort yung pagtuturo ni Mikaella sa akin dahil baka masimut na talaga yung pasensya ni Boss at masesante ako.

I loose a bit as well. Hindi na ako kagaya ng dati. Somehow, I am slowly adapting with the environment na kahit pag-uugali ko ay naiiba na rin. Hindi ko nga alam kung san ko natutunan ang mga ito pero kusang lumalabas sila.

"Table 8!" Sigaw ng counter.

Napangiti naman ako at agad na pumanhik sa table 8 at agad na nagready ako ng notepad para ilista yung mga order.

"What can I get you sir?" Nakangiting tanong ko rito.

Limang lalaki sila na lahat ay nakabusiness suit. Malamang at nagtatrabaho sila sa isa sa nga buildings sa labas. Kita ko naman na nakatunghay sila sa akin at tila namamalikmata pa. Pero ilang segundo ay mukhang nakabawi ang lima at agad na nagsilaparan ang mga ngiti.

"You...." Anas ng isa.

If its not for my job, sinama na ito sa akin eh pero ngumiti pa rin ako. "Aside from me Sir, what's your order?" Nakangiting tanong ko pa rin."

"Yeah, spinach salad m and medium rare steak." Saad ng isa.

"Ganun din sa amin... Miss.....?" Tanong nito sa akin.

I have this feeling na nagtatanong lang ito para malaman ang aking pangalan. I have this sharp senses.

"Calypso." Sagot ko na lang. Kahit yung totoo eh mas nagugustuhan ko na tawagin akong Snow and everybody knows me as Snow since when I arrived dahil na din kay Mikaella kaya nagulog na ang Calypso eh parang pang alias ko na lang. "I'll be back in a minute Sir." Saad ko at yumuko pa.

Agad akong naglakad pabalik sa counter at ibinigay ang order. Agad naman na may lumapit na waiter para maglagay ng tubig sa kanya-kanyang mga kopita nila. Naging busy ang lahat kaya naman ay walang humpay ang aking pagparon at parito. Nakakangawit lalo na at required itong heels. Killer heels kung tawagin ni Mikaella na naiintindihan ko kung bakit dahil kung may sisipain ako eh baka nasaksak nitong takong.

Natapos na ang lunch time kaya nabawasan na rin ang pagiging busy sa restaurant kaya kahit paano ay bakakapagpahinga kani sa locker room. Nananakit kasi yung mga paa namin dahil sa kakatayo at kakalakad. Kung iisipin mo ay sobrang dali lang ng trabaho pero batak naman sa katawan.

"Sigurado ako mamamaltos na ang paa ko nito mamaya." Reklamo ni Mikaella na hinihiloy na ang sakong nito.

Napangiwi naman akong napatingin rito. "Buti ka pa, mamaya pa. Ako namaltos na." Saad ko naman rito at tiningnan pa ang paa ko na namumula at namanaltos.

Ngumiwi naman ito. "Lamang lang ako ng kalyo sayo kaya di agad namaltos." Saad nito.

Napabuntong hininga na lang ako at patuloy na minasahe ang paa ko pero agaran naman naputol yun dahil pumasok yung manager namin na si Friedo.

"Hey guys! I have an announcement." Nakangiting saad nito at tumitig pa sa akin.

Hindi ako ngumiti. I put a blank face on. I don't know but I just don't like talking to some guys. Kung hindi nga lang customer yung kanina eh ni hindi yun makakarinig ng boses ko.

"What is it boss?" Tanong naman ng mga kasamahan namin na excited sa announcement. Ano ba meron?

"It was submitted late, but on this upcoming Fiesta, our resto is invited at the quadrangle to have a serve. Hindi lang tayo dahil may mga katunggali din na napasama, but this is out chance para mas makilala pa ang restaurant. So I need your cooperation next week. I will be selecting people to join the event. That is all for now." Saad nito pagkatapos ay umalis na sa aming harapan.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon