🎗Chapter 13🎗

67.7K 2.7K 332
                                    

Snow's POV

Nagising na lang ako dahil sa malakas na kalabog sa kabilang kuwarto. Napatingin naman ako sa wallclock at alas otso na pala ng umaga.

"Snow! Gising na! Nandyan na ang sundo oh!" Sigaw naman ni Mikaella sa akin na kinatok pa talaga ang pintuan ko na nakalock.

Napatalukbong naman ako ng kumot. God, gusto ko pang matulog dahil hirap akong matulog kagabi dahil paulit ulit kong naiisip ang nangyaring kapangahasan sa akin ng hindi ko kilalang tao. Kumikirot ang sentido ko at marahas akong napabangon.

"Wag ka ng magdala ng mga damit dahil marami ka dun." Sigaw pa ulit ni Mikaella.

Hindi na ako nagsalita. Bumangon na lang ako at pikit matang pumanhik sa banyo para maligo. Ewan ko basta tinatamad ako malamang dahil sa kakulangan ko ng tulog. Dati hindi naman ako ganito. Walang problema sa amin mga diyos ang tulog dahil hindi naman namin yun kailangan pero ngayon na tao na ako, ang hirap parang basic necessity na talaga ito at hindi pwedeng mawala.

Hindi naman ako nagtagal sa banyo at agad na akong pumanhik sa kuwarto ko at nagbihis lang ako ng isang black tights, grey midriff at isang check polo shirt na hindi ko na isinarado ang pagkabutones.

Hindi naman ako nagtagal sa banyo at agad na akong pumanhik sa kuwarto ko at nagbihis lang ako ng isang black tights, grey midriff at isang check polo shirt na hindi ko na isinarado ang pagkabutones

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiwi naman ako ng walang makitang flats doon. Ngayon ko lang narealize. Hindi nga pala kami nakabili ng flats maliban sa tsinelas dahil sa trabaho namin. Hindi pa nga nakakamove on itong paa ko ay sasabak na naman sa heels pero wala akong magawa dahil killer clothing ang suot ko tapos paparesan ko ng tsinelas? Naku, never! Kaya pinili ko na lang yung boots na may 2 inches heels lang at hindi payak ang heels nito malapad kaya hindi masyadong masakit sa paa.

Agad ko naman na sinabit ang purse ko sa aking balikat at lumabas na ako ng kuwarto. Tamang tama naman dahil may nakahandang kape na nasa isang styro cup na may cover pa kaya kinuha ko na yun at tumangay din ng sandwich. Nakita ko naman si Mikaella sa labas na tila inip na naghihintay sa akin kaya lumabas na kami.

Nagulat pa ako dahil nandito din si Vrennah at umiiyak pa dahil aalis na kami.

"Nakuuu, hindi ba pwedeng dito na lang kayo? Pwede naman na gawin ninyo itong bahay kung lalabas kayo sa Academy." Emosyonal na saad nito. Maraming naitulong si Vrennah sa amin. Siya lang naman ang nagbigay ng mga pangangailangan namin noong sandali na walang wala kami.

"Naku po Vrennah. Sayang din po ang kikitain niyo dito. Pero wag kayong mag-alala, bibisitahin ka naman namin kung may pagkakataon." Nakangiting saad ni Mikaella rito. Madaldal talaga ang babaeng ito.

"Oo Vrennah. Sayang ang pwesto kaya paupahan mo." Sang-ayon naman na saad ko rito.

"Nakuuu, mawawalan na ako ng ubod ng ganda na kapitbahay." Naiiyak na saad nito.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon