🎗Chapter 25🎗

60.7K 2.4K 528
                                    

Clandestine's POV

"Where are they?" Tanong ko kay Hera. She just came back from her hibernation. Dahil sa malaking pinsala ni Snow sa kanya sa huling laban na kamuntikan na niyang ikamatay.

"They are in their room, My Lord." Sagot naman ni Hera sa akin. She looks disturbed lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol kay Snow. "Pardon for my impudence but, I noticed something." Pauna nito sa akin.

Parang may sumipa naman sa dibdib ko. I have a bad feeling sa sasabihin niya dahil kahit ako ay malakas ang pakiramdam na yun ang sasabihin niya. I've been trying to ignore it dahil baka naman talagang naging ganun na pero may kung ano ang humahatak sa akin at sumisigaw na may mali.

"What is it Hera?" Tanong ko rito na halos mawasak na ang kinakapitan ko dahil sa higpit ng pagkakakapit ko.

"About them my Lord. They are different. I can feel it is not them." Saad naman ni Hera sa akin.

Parang bigla naman na may bumara sa aking lalamunan. Alam ko. Alam ko na hindi sila yun. Matagal na pero hinayaan ko lang. Ano ba naman kasi ang ipinagkaiba na nandito siya pero parang wala lang ako sa kanya. I knew the day when she left with Mikaella, pero hindi ko sinubukan na habulin siya. Masakit. Sobrang sakit na muli niya akong iwan kahit na yung ala-ala niya ay ang nakaraan, na sa puso niya ay ako ang mahal niya. But why? Why is it even this time, bakit hindi pa rin pwede? Talaga bang isinumpa na akong walang magmamahal sa akin?

"I know Hera. I knew she left." Malamig na sagot ko rito. Gusto kong itago ang nararamdaman ko. Ayokong makita nila ang kahinaan ko. Pero sobrang sakit. Gabi gabi akong halos umiiyak at hinihiling na sana mawala na ang pagmamahal ko sa kanya para hindi na ako masaktan pa. Pero kahit anong gawin kausap ko sa sarili ko ay ayaw pa rin. Siya at siya pa rin ang sinisigaw.

"Then why did you let her my Lord?" Nabibiglang tanong nito sa akin. Halatang di makapaniwala na alam ko na umalis na si Snow at matagal na pero wala akong ginawa.

Dumilim naman ang anyo ko. Ano ba ang karapatan niyang tanungin ako? Nakakalimutan na ba niya ang papel niya dito? "It is none of your business Hera. Remember your place." Malamig na saad ko rito na may halong banta.

Namutla naman ito at agad na yumuko. "I'm sorry, my Lord." Saad nito at umatras na ito at umalis sa harapan ko.

I don't know when I can handle this pain. Pakiramdam ko ay konti na lang at mababaliw na ako. Mahal na mahal ko si Snow pero mas mahal niya ang taong yun.

"Trocovo!" Tawag ko sa aking alagad. Agad naman itong lumapit na ngayon ay nakaluhod. He looks like a typical monster dahil bukod kay Hera at sa akin, lahat dito ay demon at wala ng tao.

"My Lord." Saad nito sa akin and his throaty voice sounds like from the grave.

"Gather all the demons and all ranks. Prepare them for war." Pinal na utos ko rito.

Siguro sapat na ang panahon na pananahimik ko. If I can't have her, then no one can have her either.

•••

Violet's POV

"Hello?" Sinagot ko ang tawag sa phone na hindi ko man lang tiningnan kung sino ang caller.

"Violet." Saad ng boses sa kabilang linya na agad ko naman nakilala pero napasulyap muna ako sa caller I.D and yes it is my mom.

"Mother." Naisaad ko na lang sa kanya.

"Violet, I called you to remind you this Saturday will be your engagement party." Paala-ala nito sa akin.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon