🎗Chapter 14🎗

67.2K 3.1K 494
                                    

Snow's POV

Kagagaling ko lang sa registrar office at binigyan na nga ako ng schedule pero next week pa naman ako magsisimula dahil nga requested daw na dapat may refresher na mangyayari since wala akong maalala sa nakaraang taon na mga aralin. But I did undergone test with Power Control 101 at pumasa naman kaagad ako. It was easy since I know how to use my ability. Kung may hindi man ako alam ay yun ang mga history, Demonology at Weaponry. Marunong na ako sa physical combat dahil in born na sa akin yun kaya hindi ko na kailangan pa ng refresher.

Ngiting ngiti pa nga ako dahil si Yuan ang magtuturo sa akin hehehe. Samantala kay Mikaella eh wala dahil first year pa naman daw ito at wala naman alaala ang nabura rito. Hindi ko talaga alam kung ano ang trip nitong si Yuan at kung bakit siya ang magtuturo. Pwede naman ang guro di ba? Pero ayoko naman maging assuming dahil siguro, siya ang team leader namin kaya siya na lang din ang nagprisenta. At ayon pa kina Avis, matalino ito at magaling kaya gusto ko naman mapa-ismid dahil sa naiisip ko na dahilan. Kasi mas gusto kong isipin na tuturuan niya ako dahil gusto niya. ☺️

Hay naku, ano ba ang nangyayari sa akin? Di naman ako ganito dati. Simula ng tumuntong ako dito ay biglang parang nagtransform itong ugali ko at hindi ko naman mapigilan dahil ganun na ang takbo ng isip ko. O baka naman ganito na ako from the very beginning pero ang masaklap lang dahil wala naman akong kausap maliban kay Mikaella sa dark continent kaya hindi ko napansin ito dahil kadalasan dun ay tahimik at bored ako.

"God, I am overthinking about things which is not even important." Naisambit ko na lang. Wala akong ganang lumabas ng kuwarto at tanghaling tapat pa kaya naman nakahiga lang ako ngayon. I slowly closed my eyes and without even noticing I was drifted to my sleep.

"Dad, why are we here?" Nagtatakang tanong ng isang napakagandang batang babae sa isang middle age man.

Ngumiti naman ang lalaki. "It will be a surprise my dear." Sagot naman ng lalaki.

Tiningnan lang siya ng pagtataka ng batang babae. The little girl has a long brown hair and looks familiar pero hindi ko mapinpoint kung sino to. She just looks familiar to me. Nasa isang restaurant sila naglalakad at may sumalubong naman sa kanila na parang butler.

"Good evening Mr. Sylveria, good evening little miss.... Here is the way sir." Bati naman sa dalawa ng butler.

Sylveria? Di ba apelyido ko yun? O baka naman kaapilyedo ko lang. Kaya iniwala ko na yun sa isipan ko. Umupo ang mga ito sa isang round table na may six seaters at agad naman na nagserve ang butler ng wine kay Mr. Sylveria at nilagyan naman ng orange juice ang baso ng batang babae.

"Dad, aren't we going to eat, are we?" Nagtatakang tanong ng bata dahil ilang minuto na ang nakalipas pero walang pagkain na isinerve.

"We are waiting for someone my dear, please bear with a little more." Ngumiti na sagot naman nito sa anak.

Ngumuso naman ang batang babae. "Okay." Maikling sagot nito at uminom na lang ng orange juice.

Di nagtagal ay may dumating at isa itong babae. Maganda at matangkad at may kasama din itong dalawang batang babae na halos kaedad lang din ng batang babae na kasama ni Mr. Sylveria.

"Good evening. I'm sorry we're late." Nakangiti at apologetic na saad ng babaeng bagong dating. Ang dalawang batang babae naman ay tahimik at nagtatakang tumingin na lang din kay Mr. Sylveria at sa batang babae.

"Oh no. We just arrived earlier." Nakangiting saad naman ni Mr. Sylveria.

Agad naman na inasikaso ng butler ang mga bagong dating kaya naman nakapag-order na kaagad ng pagkain.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon